PANGWAKAS

794 16 6
                                    

Pagbati, mga mambabasa!

Nawa'y nagustuhan ninyo ang istorya ni Mirza na ating pangunahing karakter at bida sa istorya. Salamat at sinamahan niyo siya sa kaniyang paglalakbay sa pagharap at paglampas sa maraming pagsubok at sa wakas ay pagtuklas sa pinagmulan ng lahat. Kaya nawa kayo'y naging inspirado ng kaniyang katapangan, natawa, at naiyak, dahil naging saksi sa gulong pinasok ng ating bida.

Ang istorya pong ito ay hango sa kathang isip lamang ng manunulat, kung may nagamit man pong ngalan, pook, at pangyayari at iba pa na natutulad sa ibang akda ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Kung sakali man po na may problema sa istoryang ito, nakahanda po akong makinig sa inyong mga komento at suhesyon para mapabuti ko pa ho ang aking pagsulat.

Credits nga po pala sa Kulay Colorization dahil karamihan sa mga imaheng ginamit dito ay mula sa kanilang fb page, gayundin, credits sa mga karapat-dapat na may-ari ng iba pang mga larawan.

Nawa po sana'y patuloy ninyong suportahan ang mga manunulat na sumusubok pa lamang. Muli, maraming salamat po sa tiwala at suporta!

p.s kung may nais po kayong sabihin ay bukas po ang ating comment section, salamat!

UpriousL

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon