Anong oras na pero hindi ko pa rin magawang matulog. Iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Franco kanina. Ano bang ibig nyang sabihin. Ayoko namang sundin ang sinabi niya pero may kung ano rin saking gustong malaman kung ano ang tinutukoy niya.
Kinaumagahan ay para akong bangkay na bumangon sa hukay dahil nanlalata ako sanhi ng pagkapuyat ko. Nagtimpla muna ako ng kape bago ko ihanda ang uniporme ko sa trabaho. Matapos ko gumayak ay sinundo na ako ni Mang Lumeng.
Pagkarating ko sa tanggapan ay naabutan ko na roon si Don Aniceto. Mabuti at mukhang maayos na ang pakiramdam nito. Pagkabati ko para ipaalam na nandoon na ako ay tumango lang ito sa akin kaya lumabas na rin ako agad.
Pasimple kong hinahanap si Franco. Wala siya sa tanggapan ng Gobernadorcillo. Wala rin siya sa paligid. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano bang tinutukoy nya kahapon. Ilang sandali pa ay dumating na ang taong hinahanap ko.
"Franco!" tawag ko rito. Napatingin pa ang ibang guardia sibil sa akin, hindi ko na lang sila pinansin. Agad namang tumingin sa akin si Franco, ngumiti siya at lumapit sa akin. Anong problema nito.
"Magandang umaga, binibini." bati niya sa akin. Muntik pa kong kilabutan sa pagiging pormal niya.
"Anong palabas 'yan?" sarkastikong tanong ko. Agad naman nabura ang ngiti niya.
"Tinawag ka na ngang binibini, parang ayaw mo pa." Ayan, 'yan ang tunay at kilala kong Franco.
"Ewan ko na lang, Franco. Halika nga lang saglit." sabay hila ko sa kaniya papunta sa sulok kung saan hindi kami maririnig ng ibang nandoon. "Ano yung sinabi mo kahapon? ipaliwanag mo nga." panimula ko. Sandali naman siyang umaktong nag-iisip.
"Wala akong maalalang sinabi ko. Sandali lang, maiwan na muna kita, G1." at naglakad na ito papunta sa opisina ni Don Aniceto. Pipigilan ko sana siyang umalis pero napapikit na lang ako sa inis. Kaya naisipan kong sundin na lang ang sinabi niya. Naisip kong tumakas sandali, hindi na ako nagpaalam kay Don Aniceto dahil wala naman akong maisip na excuse. Agad akong nagtawag ng kalesa.
"Sa Hacienda De Guillermo, ho." saad ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami, nagbayad ako at dali daling nagtungo sa gilid ng gate. Antaas ng Pader nila, pahirapan to makaakyat. Sinubukan ko pang pumunta sa ibang gawi hanggang sa makakita ako ng puno na halos madikit na sa kanilang pader.
Inakyat ko ang puno at nang abot kamay ko na ang pader, dali dali ko iyong tinalon. Pinilit kong hindi makalikha ng ingay at nagtagumpay naman akong makapasok sa loob ng Hacienda.
Dating gawi, sa likod nanaman ako dumaan. Nakakita ako ng daan papunta sa mansion. Mula sa kinatatayuan ko naman ay natanaw ko ang isang pinto sa kaliwa nito ay may bintana.
Sumilip ako, mga serbidora lamang ang nandoon. Umikot pa ako hanggang sa inisa isa ko ang mga bintana. Nasa bandang gitna na ako ng mapahinto ako.
Nakahiga si Isaac sa isang kama, tulog na tulog siya. Hindi ko tuloy maiwasang mamiss siya. Miss ko na ang amoy niya, miss ko na ang maamo niyang mukha.
Sa kalagitnaan ng panonood ko kay Isaac ay lumabas sa isang pinto ang isang babae mula roon sa silid na tinutulugan ni Isaac. Agad akong nagtago. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Ano yung nakita ko?
Basa ang buhok nung babae, nakatapis din ito ng tuwalya. Halatang katatapos niyang maligo. Hindi na lang ako nakagalaw mula doon sa tinataguan ko. Nanginginig ako.
Alam ko na hindi tamang manghusga agad pero kahit sino ay ganoon ang iisipin. Hindi ko magawang sumilip muli, kinakabahan akong hindi ko magustuhan ang makikita ko.
Pero sa kabila ng panginginig ko ay nagawa ko pa ring palihim na sumilip muli. Nakita kong nagbibihis na ang babae ng.. uniporme ng serbidora. Nagtatrabaho siya dito sa mansion?
BINABASA MO ANG
Panimdim
Historical FictionSi Mirza ay guardia ng isang politiko sa taong 2022 na mapupunta sa taong 1870. Nagkataong maililigtas niya ang buhay ng Gobernadorcillo sa panahong iyon at bilang gantimpala, hihilingin niyang maging guardia nito. Mamamangha ang lahat sa angkin niy...