KABANATA XV - Mensahe

490 21 2
                                    

Ilang hacienda na ang naikot namin ni franco. Ngunit wala ni isang kahina-hinala. Huminto na ngayon ang kalesa sa mansion nila, dali dali kaming sinalubong ng kanilang mayordoma "S-Señor, may nag-iwan ho ng mensahe dito para sa inyo" agad na inabot ni franco ang sobre at dali daling binuksan.

Nagulat pa kami dahil may bahid ng dugo ang sulat. Huwag mo sabihing may masama silang ginawa sa gobernadorcillo?!

Sa Katedral ng Maynila, matatagpuan ang inyong hinahanap.

Simula pa lamang ito.

Inikot ikot ko pa ang papel ngunit 'yun lang talaga ang nakasulat, wala manlang emoji o ano.

Walang ano ano ay bumalik na si franco sa kalesa kaya sumunod na rin ako "Sa katedral." maiksing utos ni franco. Hindi na lang ako kumibo kasi mukhang seryoso siya ngayon, kahit sino ay magiging ganiyan ang reaksyon lalo pa at silang mag-ama na lamang ang magkasama sa buhay, batid kong ayaw nya rin panghinaan ng loob.

Pagkarating namin sa katedral, wala kaming natunghayan sa labas kaya agad kaming tumuloy sa loob at doon tumambad sa amin ang gobernadorcillo na nakatulala habang nakaluhod sa sahig.

Nakahinga ako ng maluwag at ligtas siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya, kahit papaano ay masasabi kong mabuting tao si Don Aniceto, ibang iba siya sa mga namumuno noong panahon ng espanol na nakasulat sa kasaysayan.

Mabuti ang pakikitungo niya sa akin, hindi rin siya mapang-alipin kaya palaisipan talaga sa akin kung bakit may taong malaki ang galit sa kaniya.

Itinayo na ni franco ang ama at tinulungan ko naman siyang maidala ang gobernadorcillo sa kalesa. Wala itong imik, tulala lamang at tila malalim ang iniisip. "Mayroon bang masakit sa iyo, ama? anong ginawa nila sa iyo?" nag-aalalang tanong ni franco.

Umiling lamang si Don Aniceto at tila nabalik na sa wisyo "W-Wala, w-wala silang ginawa sa akin. Marahil ay ginawa lamang nilang dakipin ako upang ipaalam na sila ay malakas, upang takutin ako at bantaan." iniabot ni franco ang sulat.

"Ito ang ipinadala nila sa ating tahanan." binasa 'yon ni Don Aniceto.

"Hindi nila ako mapipigilan sa kagustuhan kong mamuno ng patas, ako'y nakatitiyak na isa lamang sa mga opisyales o negosyante dito sa ating lalawigan ang may kagagawan nito." mahabang hilasya ni Don Aniceto.

Hindi ako kumikibo dahil hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako dahil trabaho ko na protektahan sila ngunit hindi ko manlang iyon nagawa.

Buong gabi akong nag-iisip kung sino ang maaaring gumawa ng ganito kapangahas na kilos sa mataas na opisyales ng lugar na ito.

Ipinangako ko sa sarili ko na babantayan ko nang mabuti ang mag-ama, kahit na ibuwis ko pa ang buhay ko ay gagawin ko.

Tungkulin ko 'yon bilang isang guardia.

Kasalukuyan na akong nag aayos para pumasok ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko "Mirza hija, mayroon nga palang sulat na dumating dito kahapon para sa iyo." nagtaka naman ako, sino naman ang magsusulat sa akin.

Binuksan ko ang pinto at inabot kay aling leticia ang sulat "Salamat ho." tumango lang ito at bumaba na.

Binuksan ko na ang sobre at binasa ang nakasulat sa letter.

Dodoblehin ko ang salapi na ibinabayad sa iyo ni Aniceto Ludez kung iyong mamarapating magsilbi na lamang sa akin. Ako'y
maghihintay sa iyong tugon.

manlulupig

Mas lalong uminit ang ulo ko sa nabasa, ang tao na ito ay talagang gustong pabagsakin ang gobernadorcillo hanggang sa wala ng matira pa rito. Ganitong klase ng tao ang pinaka ayaw ko, at kahit pa harapan niya ako ng sandamakmak na salapi ay hindi ko ipagbibili ang aking dignidad at serbisyo sa isang tulad niya. Hangad kong kumita ng pera ngunit hindi sa masamang paraan. Sa inis ko at pinunit ko na ang papel.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon