KABANATA XIX - Maisan

420 20 1
                                    

Kalmado lang akong naglalakad ngayon papasok sa mansion ng mga Ludez. Ayon kay Mang Lumeng ay ipinapatawag daw ako ng Gobernadorcillo. Hindi raw ito makakapuntang opisina kaya dito na ako pinadiretso.

Nang makapasok na ako ay luminga linga muna ako para tiyaking wala si Franco sa madaraanan ko, balak kong iwasan muna siya.

"Nasa balkonahe po ang Gobernadorcillo, Binibini." salubong ng isang serbidora sa akin. Tumango na lang ako at tinahak na ang daan papuntang balkonahe.

Nakaupo ang Don sa silyang nandoon, habang nakatanaw sa labas ng mansion. "Pinapatawag nyo raw ho ako, Don Aniceto?" Sandaling hindi kumibo ang Don, ilang saglit lang ay hinarap na rin ako nito.

"Wala ka bang natatanggap na sulat o mensahe?" Nagtaka naman ako at sa kabila non ay inalala ko na lang kung may natanggap ba akong sulat nitong mga nakaraan. Umiling ako.

"Wala naman ho, sulat ho ba galing kanino?" tanong ko. Nanatili namang nakatitig sa akin ang Don.

"Sulat katulad na lamang doon sa mga pagbabantang natatanggap ko."

Sandali akong natigilan.

"Sa katunayan po... may natanggap din akong mensahe noong matapos kayong madakip. Kaya lang ho, hindi ko na rin iyon binigyang pansin."

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? ano ba ang nilalaman ng sulat?" tanong muli ng Don. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ba pero naisip kong wala namang mawawala.

"Inaanyayahan ho ako ng nagpadala ng sulat para magsilbi sa kaniya, imbis ho na sa inyo. Kaya ho hindi ako tumugon ay dahil hindi ko ho nais na traydurin kayo sapagkat kayo ho itong nagbigay sa akin ng ikabubuhay. Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, Don Aniceto." paliwanag ko sabay yuko. Naramdaman ko na lang ang pagtapik ng Don sa balikat ko.

"Maraming salamat sa pagiging tapat mo, Hija." at naglakad na ito palabas ng balkonahe. "Maaari ka munang hindi magserbisyo ngayon, masama rin ang pakiramdam ko kung kaya ay hindi ako makakapuntang tanggapan. Ihahatid ka na lamang ni Lumeng sa iyong tahanan." dagdag ng Don habang naglalakad patungo sa hagdanan.

"Salamat ho, Don Aniceto."

Iyon na lamang ang naging tugon ko. Hindi ko ibig ipakitang natutuwa ako dahil sa wakas ay magkaka-day off na akong muli, kasi baka isipin ng Don ay masaya akong masama ang pakiramdam niya.

"Sa maisan ho, Mang Lumeng."

Dahil day off ko ngayon, minabuti ko munang magtungo sana kay Isaac upang humingi ng tawad sa naging asta ko kagabi. Hindi ko naman sinasadyang iwasan siya, pero kasi nakokonsensya akong hindi ko pa rin ipinagbibigay alam sa kaniya ang nagawa ni Franco.

Pagkarating namin sa maisan ay nagpaalam na ako kay Mang Lumeng at nagpalusot na bibili lamang ako ng mais kung kaya ay maaari nya na akong iwanan doon.

Sa isip isip ko ay sana naman hindi ko makasalubong si Don Augustin ngayon.

Tinanaw ko lang ang napakalawak na maisan nila Isaac, pasimple ko rin siyang hinahanap ngunit hindi ko siya masumpungan sa paligid.

Ang hirap naman ng ganito. Walang cellphone, laptop, o pc manlang para sana makausap ang mga taong gusto nating makausap. Hindi ko tuloy alam kung saan siya pupuntahan, ni hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya, kung sinong mga kausap niya.

Ang tanging paraan lang para maging updated kayo sa isa't-isa ay ang minsanang pagkikita at pagkukwentuhan ng nangyari sa inyo sa buong araw. Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko ang ilang mga kalalakihan sa hindi kalayuan. Agad akong nagtago sa mga sako sakong mais na nasa daan.

Muli kong sinilip ang ginagawa ng mga iyon.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang pinapalibutan nila. Si Mang Ruben. Puro dugo ang damit nito, may sugat pa siya sa noo at putok din ang labi. Tatayo na sana ako para lumapit at iligtas si Mang Ruben ng may biglang pumigil sa akin. Agad akong napatingin sa palapulsuhan kong hawak hawak ngayon ni Franco.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon