KABANATA XXV - Mansion

403 15 0
                                    

Dumaan ang ilang araw at sa mga araw na iyon ay ginawa ko ang lahat para iwasan si Franco. Abala rin siya at ang kaniyang ama sa maraming bagay, nailibing na rin si Mang Lumeng. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino ang may gawa non sakaniya.

Kasalukuyan akong nasa pamilihan ngayon at naghahanap ng makakain. Hindi pa naman kasi umaalis si Don Aniceto sa tanggapan, wala rin akong gagawin doon kaya umalis muna ako.

"Narinig nyo ba ang bali-balita mula sa kwartel? patay na raw si Don Dominguez!" napahinto ako sa narinig mula sa mga nagkukuwentuhan na tindera ng gulay.

"Ang prayle naman ay nakalaya na raw! nakakapanindig balahibo ang mga kaganapan kamakaylan, ang dami nang namamatay!" napakunot ang noo ko sa sunod nitong sinabi.

Nakalaya na ang prayle? Paano nangyari 'yon?

At si Don Dominguez, bakit sya namatay?

Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko ngayon habang tinatahak ang daan patungo sa hacienda guillermo.

Pagkarating ko roon ay tumambad sa akin ang maduming paligid, puro tuyong dahon na, binuksan ko ang gate ng hacienda nina Isaac at pumasok. Halatang hindi na nalilinis ang paligid, wala na rin ba silang hardinero?

Pagkarating ko sa tapat ng mansion ay kinakabahan pa akong tumuloy pero pumasok din ako kalaunan. Nakasalubong ko ang kapatid ni Isaac, "Ikaw pala, binibini. Si kuya ba ang sadya mo? sandali lamang at tatawagin ko sa kaniyang silid." sabay ngiti nito sa akin at umakyat na sa hagdan.

Kahit nakangiti siya ay mababakas sa mga mata niya ang lungkot, pumayat din siya kumpara noong una ko siyang nakita. Alam ko ang nararamdaman niya. Hindi madaling maka-adapt sa maraming pagbabago. Isang araw, sama sama kayo ng pamilya mo pero bigla ka na lang magigising isang araw, na nag-iba na, marami nang nagbago, hindi na tulad ng dati.

Natanaw ko na si Isaac na pababa ng hagdan, kapansin pansin na bahagya rin siyang namayat. Kumakain pa ba siya? Nakangiti itong lumapit sa akin, "Buti at napadalaw ka, Mirza." sabay yakap niya sa akin, tinapik ko naman ang likod niya bilang tugon. "Alam mo bang ilang araw na akong hindi makatulog." saad nya pagkaharap niya sa akin, iminuwestra niya ang upuan kaya naupo ako roon at naupo naman siya sa tapat nito.

"Kaya ba bumaba ang timbang mo? Kumakain ka pa ba ng tama? Dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom, at yung tulog, mahalaga 'yan, dapat natutulog ka sa oras." malumanay na sermon ko sa kaniya, ayokong taasan siya ng boses dahil ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako.

Alam kong marami siyang problemang kinakaharap ngayon, ni hindi ko nga alam kung nakakapag-aral pa sya ng maayos.

Ngumiti lang siya.

"Masaya palang makarinig ng sermon mula sa iyo." tanging tugon niya, napakunot ang noo ko.

"Anong nakakangiti ngayon, Isaac? hindi mo pa sinasagot mga tanong ko." sermon ko pa.

"Oho binibini, kakain na ako sa oras. Nakakaligtaan ko lamang sapagkat ipinagsasabay ko ang aking pag-aaral sa paghanap ng solusyon sa problema ng aming pamilya." nawala ang inis ko sa naging tugon niya, "Gayundin ang pangkabuhayan namin, kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang mga trabahong naiwan ni ama." dagdag niya pa.

Inilagay ko ang isa kong kamay sa tuhod niya at tinapik iyon, "Kayang kaya mo 'yan, alam ko mahirap, walang kasing hirap, pero lagi mong tandaan na nandito lang ako, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko." pagpapagaan ko ng loob niya. Ngumiti siya, pero napalitan din iyon agad ng pangamba.

"Ngunit may isa pa akong pinoproblema, nitong mga nakaraang araw, hindi ako nakakatulog ng maayos. Napapanaginipan kita, pero sa panaginip ko, hinihila ka ng hangin palayo sa akin, hindi ko alam kung bakit." napatahimik ako.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon