Kasalukuyan akong nakasakay ngayon sa sasakyan ng kapulisan, alam ko naman na ganito ang aabutin ko dahil sa ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan dahil tanaw na tanaw ko sa kabilang sasakyan na nakaposas si Mr. Cerrada gayundin si Mrs. Cerrada.
Kailangan kong sumama ngayon at magbigay ng statement. Matapos nila akong kausapin sa interrogation room ay lumabas na ako at mula roon ay nakita ko si Gabriel na nakaupo sa isa sa mga upuan ng presinto. Wala na sana akong balak na kausapin pa siya pero hindi sinasadyang nakita niya ako kaya wala akong choice kundi lumapit na lang din.
Hindi ko mabasa ang reaksyon niya dahil blanko lang ang tingin niya, kung galit siya sa akin ay matatanggap ko naman dahil mga magulang nya 'yon pero ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko, 'yun ang hindi ko gagawin.
"Alam ko wala ng rason para magkausap pa tayo pero gusto ko lang magpaalam" panimula ko, iniintay ko siyang magsalita pero nanatili lang itong nakatitig sa akin. "Kung hinihintay mo akong mag-sorry, sorry na lang din kasi hindi ko 'yun magagawa." dugtong ko pa. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Sino ka ba talaga?" tanong nito sakin habang nananatiling nakatitig, napakunot ang noo ko at akmang sasagot na sana nang magsalita siyang muli, "Sumama ka sakin, may kailangan kang makita" sabay hila nito sa palapulsuhan ko, sinubukan kong magpumiglas pero hindi nya talaga ako binitawan hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
"Saan mo ba 'ko dadalhin, alam mo kung may balak kang masama sa akin dahil sa ginawa ko sa mga magulang mo, ngayon pa lang ay itigil mo na dahil hindi kita sasanto-hin." banta ko rito.
"What? I'm not going to do that, basta sumama ka na lang muna, diba may hinahanap ka sakin?" pilit nito at binuksan na ang pintuan ng passenger seat, kahit hindi ko sigurado kung saan nya ako dadalhin ay sumakay na lang din ako tutal kaya ko naman protektahan ang sarili ko.
Ilang sandali lang ay huminto na kami sa tapat ng isang pamilyar na lugar. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang ayaw ko bumaba, ayoko tong nararamdaman ko kasi para nanamang sumisikip yung dibdib ko.
Kahit na marami ng nagbago ay sigurado pa rin akong ito iyon. Ang bundok kung saan gusto manirahan ni Franco. Ang bundok kung saan ako nabaril at nabalik sa taong kasalukuyan. Ang bundok kung saan ko siya naiwan. Hindi ko namalayan na bigla na lang pumatak yung luha ko sa hita ko, "Halika na" aya sa akin ni Gabriel, umiling ako.
"Ayoko, umalis na tayo rito" pag angal ko rito.
"May kailangan kang makita" saad niya pa na mas nagpakaba sa akin. Ayoko, ayokong makita kung ano man 'yon, ayoko.
Lumabas na si Gabriel ng kotse at naglakad papasok sa isang malaking bahay, napailing iling muli ako dahil sa naiisip ko. Ayokong pumasok doon dahil hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng puso kong tumapak muli sa lugar na iyon. Pero sa ilang minutong pakikipaglaban ko sa sarili ko ay nagawa ko na ring bumaba ng kotse, bawat hakbang na ginagawa ko ay siya ring bigat ng damdamin kong tahakin ang parehong bundok na nilakaran namin noon.
Pagpasok ko sa loob ay napakaaliwalas nito, walang kagamit gamit pero napakalinis, halatang bagong renovate. Naabutan ko si Gabriel na kabababa lang ng hagdanan sa gitnang bahagi ng bahay. "This way" aya nya sakin nang makitang pumasok ako sa bahay, sumunod na lang ako sa kaniya kahit na ang bigat bigat na ng loob loob ko.
Sinundan ko lang siya hanggang pumasok siya sa pinakadulong kuwarto, malapit na ako pero hindi ko pa rin magawang tumuloy. Muling lumabas doon si Gabriel at hinila na ako nang marahan papasok, doon ay tumambad sa akin ang silid na may mesa at upuan sa gitna, mula ron ay nakalapag ang ibat ibang bagay, marami ring dyaryo at kung ano ano pa.
Lumapit ako doon at isa isang pinagmasdan ang mga 'yon. Una kong kinuha ang dyaryong nasa ibabaw ng marami pang dyaryo at binasa iyon,
Don Franco Jestio Ludez nagpamahagi ng tirahan sa mga ulilang lubos na nasasakupan
BINABASA MO ANG
Panimdim
Tarihi KurguSi Mirza ay guardia ng isang politiko sa taong 2022 na mapupunta sa taong 1870. Nagkataong maililigtas niya ang buhay ng Gobernadorcillo sa panahong iyon at bilang gantimpala, hihilingin niyang maging guardia nito. Mamamangha ang lahat sa angkin niy...