KABANATA XVIII - Kuwintas

457 18 0
                                    

Hindi kami nagkikibuan sa tanggapan simula ng dumating kaming dalawa, kaya sa tuwing may kukunin ako sa banda kung nasaan siya ay binibilisan ko para lang makaiwas sa kaniya. "G1, mangyaring samahan mo si Franco na magtungo sa mansion upang kuhain ang mga papeles na hindi ko naidala, mayroon din akong ibinilin sa kaniya, yung papeles naman, andoon lamang iyon sa aking lamesa." para akong binuhusan ng tubig sa inutos ng gobernadorcillo, bakit? bakit?! bakit Don Aniceto?!!

Ilang na ilang tuloy kami hanggang sa kalesa, hindi ako kumikibo gayundin siya pero ilang sandali pa ay binasag niya na ang katahimikan "Huwag mo na nga akong iwasan." napalingon tuloy ako.

"H-Hindi naman kita iniiwasan, ikaw nga itong umiiwas." paninisi ko sa kaniya, para lang hindi ako ang lumabas na may mali.

"Iyan ba ang hindi umiiwas?'' sabay turo niya sa pagkakaupo ko kasi halos sumuksok na ako sa gilid para lang hindi kami magkatabi, umayos tuloy ako ng pagkakaupo para lang hindi ako ang masisi na umiiwas. Nagitla tuloy ako ng magkadikit ang mga braso namin, ang oa ko na yata bakit ba ganito ang reaksyon ko.

Pagkarating namin sa hacienda nila ay sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makapasok na kami sa mansion nila, napawow ako kasi ang ganda, ang aliwalas at ang kikintab ng pasimano sa paligid, halatang alagang alaga. Yumuyuko naman ang mga serbidora na nakakasalubong namin, talagang dalawa lang silang nakatira ni Don Aniceto dito? ang laki.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at nakasunod lang ako hanggang sa makapasok kami sa isang silid, eto siguro ang kuwarto ni Don Aniceto kasi may malaking painting niya e kasama ang... siguro ang Doña na ina ni franco. "Siya ba ang ina mo?" tanong ko, nilingon naman ako ni franco sabay tingin din sa painting, tumango lang siya at mukhang ayaw niya magkwento, ang ganda ng mama nya, may resemblance rin sila pero mas hawig nya si Don Aniceto.

Inintay ko lang siya habang may hinahanap siya, mukhang hindi niya makita kasi kanina pa siya paikot ikot sa kuwarto pati aparador ay binubuksan niya, naupo na tuloy ako sa isang silya at pinagmasdan ang paligid, ang lawak din ng kuwarto na 'to parang buong bahay na.

"Dalawa lang talaga kayong nakatira rito?" obvious na tanong ko, tumango naman siya.

"Ang mga kamag-anak namin ay naninirahan sa ibang syudad, ang iba ay nasa ibang bansa, kapag may okasyon o 'di kaya ay pagdiriwang, nagtutungo sila rito kaya kahit papaano ay pansamantala rin nagkakabuhay ang mansion na ito." paliwanag niya, tumango tango naman ako.

"Kung may kapatid ka sana, kahit paaano ay may makakausap ka rito o 'di kaya ay makakaaway." sabay mahinang tawa ko, naalala ko kasi ang mga kapatid ko noong bata bata pa ako, madalas kami mag away talaga.

"Mayroon akong kapatid." nabaling tuloy ang tingin ko sa kaniya ng magsalita siya, totoo ba? may kapatid siya?

"Nakatatandang kapatid, binawi siya mula sa amin ng isang aksidente." hindi man niya ipahalata ay mababakas sa mata niya ang lungkot, hindi tuloy ako makapagsalita kasi hindi ko alam anong pwedeng sabihin.

"Pasensya, hindi ko alam." mahinang saad ko na lamang, tahimik lang naman siya habang nakatingin sa bintana, tumayo na rin tuloy ako upang kunin ang inutos sa aking papeles, matapos ko makuha ay nahagip ng mata ko ang kumpol ng papel sa gilid. "Hindi ba't eto ang pinapakuha ni Don Aniceto sa iyo?" sabay kuha roon sa mga papel sabay pakita sa kaniya. Narinig ko lang kanina sa opisina noong dinescribe ni Don Aniceto.

Nagkatinginan pa kami bago siya unti unting ngumiti na para bang napahiya at napakamot pa sa batok, tsaka ko na-realized na kanina nya pa pala nakita 'yon. "Ikaw nag-aaksaya ka talaga ng oras, kanina mo pa siguro 'to nakita." sermon ko sa kaniya habang dinadampot lahat.

"Nais ko lang namang makasama ka ng mas matagal." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, bulgar kung bulgar talaga siya kung manalita. Pero napaisip din ako bigla, tingin ko ay kailangan ko na aminin sa kaniya na may iba na akong gusto, napapikit muna ako bago magsalita.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon