KABANATA XI - Pagdiriwang

718 30 0
                                    

Madaling araw pa lang ay naghanda na si Mirza para pumasok sa trabaho, nagluto siya ng almusal at nagtimpla ng mainit na maiinom.

Nasa balkonahe siya habang nagkakape, ngayong araw sila magtutungo sa pagdiriwang na gaganapin sa hacienda ni Don Augustin, tiyak niyang magsasama sama roon ang mga mayayamang tao sa Maynila.

Alas kuwatro

Dumating na si Mang Lumeng at sinundo si Mirza, inabutan na muna ito ni Mirza ng kamote at tinapay na pinalamanan niya ng itlog, natuwa naman ang matandang kutsero. "Salamat Hija, tamang tama at ako ay hindi pa nag-uumagahan." nginitian na lamang siya ng dalaga. 

"Walang anuman, Mang Lumeng." close na rin naman sila ng kursero dahil halos sila sila ba naman ang magkakasama sa araw araw. Pinatapos niya muna itong kumain at binigyan ng inumin bago sila nagtungo sa tanggapan.

Pagkarating nila ay dumiretso na si Mirza sa opisina ni Don Aniceto, naabutan niya itong may mga papeles na inaasikaso, sa isang silya naman ay nakaupo si Franco at may binabasang aklat Sa isip isip niya ay masipag talaga ang mag-ama.

"Magandang umaga ho, Don Aniceto!" bati nya sa Gobernadorcillo.

"Magandang umaga rin, G1." balik bati nito sa kaniya ngunit hindi tumitingin sa gawi nya sapagkat abala ito sa kaniyang binabasa.

Ibinaling naman ni Mirza ang paningin kay Franco na ngayon e nakatingin na sa kaniya, tatalikod na sana siya upang lumabas nang magsalita ito. "Hangin ba 'ko? wala ka manlang bang balak na bumati sa akin?" napairap na lang si Mirza kahit hindi naman nito nakita ang reaksyon niya.

"Andiyan ka pala, Señor. Magandang umaga rin!" pagkukunwari niyang hindi niya ito napansin, nababasa nya rin ngayon ang reaksyon ni Franco na parang 'di ito kumbinsido sa pagbati niya, sa halip ay hindi ito makapaniwala sa sarkastikong baling ng dalaga sa kaniya.

Tumalikod na lang ang dalaga at lumabas.

Naisip niya na magtungo sa malapit na silya pero hindi pa man siya gaanong nakakalayo ng marinig niya ang pagbukas sara ng pinto ng opisina. 

"G1!" tawag sa kaniya ni Franco. 

"Oh?" tinatamad na tugon naman niya rito. 

"Labis labis naman yata ang kawalan ng respeto mo sa akin." kumunot ang noo ni Mirza sa pagtataka. Nagtataka siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin yata ito sanay sa samahan nilang dalawa.

"Para ka namang totoo diyan!" panimula ni Mirza habang nakangisi pa. "Hindi naman tayo nagrerespetuhan ah!" pagbibiro niya pa sabay marahang tulak sa braso ni Franco.

Napatingin naman ang binata doon sa braso niyang tinulak ng dalaga, akala ni Mirza ay aarte pa itong muli pero ngumisi na rin ito kalaunan.

"Siya nga pala, sasabihin ko lang sana na kung maaari ay pagtuunan mo ng iyong pansin sina Don Suarez at Don Dominguez mamaya sa pagdiriwang, ako ay may hinala na isa sa kanila ang mapangahas na kumakalaban sa amin ni ama." mahinang pahayag nito dahil batid ni Mirza na nag-iingat lamang ito na may makarinig sa kanila.

Tumango naman si Mirza. "Walang problema diyan." tugon niya. 

"Mabuti kung ganoon, ano nga pala ang balita kahapon?" tanong nitong muli sa dalaga.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon