KABANATA XIII - Panyo

611 23 0
                                    

Abala ngayon si Franco kung kaya ay hindi siya makakasama kay Mirza. Plano sana ng dalaga na magtanong tanong kay Ernesto patungkol sa amo nito.

Pagkagising pa lang ni Mirza ay nagluto na siya ng almusal para sa kanila nina Felicia.

Pagkatapos nya magluto ay narinig niya nang bumababa si Aling Leticia sa hagdan, siya lang naman kasi ang may maingay na bakya doon sa bahay. "Magandang umaga ho, Aling Leticia!" pagbati ni Mirza.

"Magandang umaga rin, Mirza." nginitian na lang pabalik ng dalaga ang ginang sabay lagay ng kape sa lamesa.

"Mag almusal na ho tayo, gising na ho ba si Felicia?" tanong niya.

"Marahil ay hindi pa, hindi ko ba alam sa bata na iyan, bakit palaging kulang sa tulog gayong wala namang pinagkakaabalahan." napapailing na saad ni Aling Leticia. Madalas rin mapansin ni Mirza si Felicia na nakangiti habang kumakain, nakangiti habang naglalaba, nakangiti kahit nagluluto.

Palagay niya ay tinamaan na ito ng lintik na pag-ibig, natatawa tuloy siya sa isip niya, naunahan pa siya ni Felicia sa ganoong bagay, samantalang siya, ayun at walang kapag i-pag ibig.

Alas singko ng umaga.

Pinayagan si Mirza ni Don Aniceto na pansamantalang ialay ang oras niya sa pag-iimbistaga at paghahanap ng impormasyon patungkol sa pag atake sa Don at kay Franco.

Kaya heto siya ngayon, hinihintay si Felicia na matapos sa kaniyang pagbibihis. Nagpumilit si Mirza na isama sa kaniya si Felicia sa pamilihan, alam niya kasing kasama nito si Ernesto, at tama nga ang hinala niya na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Nagulat pa si Ernesto ng makitang kasama ni Felicia si Mirza pero agad ring pinaliwanag ni Felicia na mayroon lang ding mga bibilhin ang kaniyang ate kung kaya ay sasama ito sa kanila.

'Ayaw pa yata nila akong kasama, gets ko naman at mukha nga naman akong thirdwheel sa moment nila.'

Mas lalo pa umasim ang pagmumukha ni Mirza ng abutin ni Ernesto ang bayong sa kamay ni Felicia sabay nagkatinginan pa ang dalawa. "Ako na ang magbubuhat nito, Binibini." matamis na ngiti naman ang pinakawalan ni Felicia, hindi yata nila alintana na may kasama sila. Napakamot na lang si Mirza sa ulo, 'ano bang ginagawa ko rito? sumasama lang ang umaga ko.'

Pagkarating nila sa pamilihan ay nagtingin tingin na sila ng mga paninda, si Felicia ay inutusan ni Aling Leticia na bumili ng pang ulam gayundin ng prutas at gulay ngunit sa bandang dulo pa iyon kaya minabuti na muna nilang magtingin tingin ng mga alahas at kasuotan.

"Bagay na bagay sa iyo itong kuwintas na may disenyong ylang-ylang." nakangiting saad ni Ernesto sabay pakita kay Felicia ng hawak niyang kuwintas na may palawit na bulaklak.

'Siguro mas okay kung umuwi na lang ako 'no?' walang ka-gana ganang pagkausap ni Mirza sa sarili. Minabuti niya na lamang na lumayo muna sa dalawa at nagtingin-tingin naman sa hilera ng mga panyo.

"Bili ka na, Hija. Mura lang ang mga iyan, kung iyong nais maaari ko ring burdahan iyan ng iyong pangalan." sabi ng aleng tindera na nagbebenta ng panyo, napangiti naman si Mirza habang namimili ng kulay at disenyo "Iyan ay bagay na bagay sa iyo, iyang kulay rosas." turo ng ale sa pulang panyo.

"Ano ho kayang kulay ang babagay sa isang Ginoo?" tanong ng dalaga, sandaling namang nagtingin ang ale hanggang sa damputin nito ang kulay puti na panyo, simple lang ito at ang tanging disenyo ay ang kulay navy blue na linya sa bawat gilid neto.

"Ito Hija, tiyak babagay ito sa sino mang Ginoo." napangiti si Mirza dahil nahinuha niyang mukhang babagay nga iyon kay Isaac.

Pinaburdahan nya na rin sa ale ang panyo. Caasi ang ipinaburda niya. Binaliktad niya lamang ang mga letra sa pangalan ni Isaac.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon