CHAPTER 3: THE GREAT BIG NEWS

3 0 0
                                    

*sa hapag-kainan, habang kumakain ang pamilya ni Liam...

Liam: Ma, meron pala akong sasabihin sa inyo.

Ina ni Liam: Oh ano yun anak?

Liam: Kakatawag lang po sa akin ng chief documentary officer sa akin kanina habang pauwi ako dito.

Ina ni Liam: Ha? Ano daw ang sabi, anak?

Liam: Gusto po nila akong dalhin sa syudad for my interview at Maliwanag Publishing Corporation.

*biglang nabulunan si James sa sinabi ni Liam...

Ama ni Liam: Oh anak, magdahan-dahan ka naman sa pagkain mo.

James: Sorry lang po, papa. Nagulat po talaga kasi ako sa sinabi ni Kuya eh.

Liam: Ha? Ano naman ang nakakagulat dun?

James: Alam nyo kasi, ang Maliwanag Publishing Corporation na yan, yan ang isa sa mga pinakatanyag na publishing corporation sa syudad. Bihira lang daw kasi sila na magpapasok ng mga bagong empleyado dahil gusto nila yung may de-kalidad na trabaho araw-araw. At tsaka alam mo Kuya, ang sahod daw dyan, ang lalaki. Naku! Sa sobrang laki ay pwede mo nang maparenovate itong bahay natin ng unti-unti. Wow! Napakaswerte mo naman Kuya.

Liam: Tama ka nga. Pero paano mo naman mapapa-renovate itong bahay natin eh nasa gitna ito ng napakalawak na kapatagan nga, isipin mo?

James: Ayst di ko naisip yun.

Ina ni Liam: Pero isipin mo din, anak. Palagi tayong binabaha dito kapag malakas ang ulan at may bagyo diba? Maganda kaya na malapit tayo sa highway.

Ama ni Liam: Highway?

Ina ni Liam: Oo. Yung sa highway na hindi lang kalayuan sa atin. Yung sa national highway kumbaga. Para naman malayo tayo dito sa baha sa bukirin. Lalo na napaka-lowland ng kinatatayuan ng bahay natin.

Ama ni Liam: Hay naku. Eh paano itong mga palay natin? Hindi pwede na hindi ko sila mapuntahan dito lalo na malapit na yung taniman at maaari pang anurin ng tubig ang mga binhi natin.

Liam: Hay naku. Ang dami nyo na pong mga pangarap sa buhay eh hindi pa nga ako nakapasa sa interview.

Ina ni Liam: Kaya nga dapat galingan mo anak. Andito kami, na nakasuporta lang palagi sa'yo. Fighting lang anak diba?

Lahat: Fighting!

Liam: Hay naku. Edi fighting.

*tinaas ni Liam ang kamay nito bilang pagsang-ayon sa pamilya nya...

Ina ni Liam: Ayan. Napaka-motivated na ng anak kong gwapo.

James: Eh paano po ako mama? Hindi po ba ako gwapo para sa inyo ha?

Ina ni Liam: Kaya nga magsumikap ka, anak. Para maging successful ka kagaya ng Kuya mo at marating mo na ang gusto mong marating. Sang-ayon ka ba, cute kong anak?

James: Opo mama. Sang-ayon po ako.

*napangiti nalang si Liam sa kanila...

Liam: Kainin nyo na po ang pagkain nyo. Hindi na yan masarap kapag malamig na.

Ina ni Liam: Ikaw, anak. Kumain ka na.

Ama ni Liam: Hindi mo ba yan narinig ang anak mo kanina? Ang sabi nya tapos na syang kumain kaya kumain na kayo dyan.

Ina ni Liam: Eto naman. Inaalokan lang ng pagkain ang anak mo eh at baka nagugutom na sya ulit, diba anak ko?

Liam: Opo, mama. Pero kumain na po ako. Busog na po ako.

Ama ni Liam: Ano? Uulitin mo pa ba? Papalag ka pa?

Ina ni Liam: Eto namang papa mo. Napaka-kj.

Ama ni Liam: Bilisan nyo nalang kasing kumain. Ang babagal nyo eh.

Ina ni Liam: Wala kang lovey-dovey sa akin mamaya.

Ama ni Liam: Bakit? Hindi naman ako mahilig dyan ah?

Ina ni Liam: Sinungaling.

Ama ni Liam: Bibig nito. Nasa harap ng pagkain eh.

*kumain nalang ang pamilya ni Liam. Habang nakatingin si Liam sa kanila...

(LIAM POV: That's it. It is a prestigious corporation, and I need lots of money. I need to get in there as soon as possible...)

*kinagabihan, habang nagliligpit ng mga damit nya si Liam ay tsaka naman dumating ang kapatid nyang si James at humiga sa higaan nilang dalawa. Nakita ni Liam na dumating ang kapatid nya...

James: Grabe Kuya.

Liam: Ha?

James: Ako ang tunay na anak ni mama pero mukhang mas ikaw pa ang mahal nya kaysa sa akin.

Liam: Naku. Tigil-tigil mo ako sa mga drama mong yan ha? Wala ako sa mood.

*saka naman bumangon si James at kinausap ang kapatid nito...

James: Pero Kuya, kung hindi ako nagkakamali, bukas yung death anniversary ni mama mo diba?

(LIAM POV: Hayst kaya nga wala ako sa mood ngayon na makipag-usap sa'yo eh. Kasi kakausapin mo naman ako tungkol sa mama kong wala na.)

James: Anong plano mo bukas Kuya?

Liam: Plano ko bukas?

James: Oo.

Liam: Edi pupuntahan ko sya sa sementeryo.

James: Ikaw lang mag-isa? Pwede ba akong...sumama?

Liam: Hindi pwede.

James: Pero Kuya naman. Ilang taon na ako nagsasabi sa'yo na gusto kong makita ang mama mo, pero hanggang ngayon ay di ka pa rin pumapayag sa gusto ko? Bakit Kuya ha?

Liam: Because I want to have a free time with my biological mother. Mga oras na di nya nabigay sa akin kasi maaga pa syang namatay, ngayon maibibigay ko na yun sa kanya ng husto. Kaya pwede ba? Matulog na tayo okay? At wag mo nang babanggitin ang pangalan ng mama ko. Ayoko na may bumabanggit sa pangalan nya maliban sa akin. Matutulog na ako. Wag mo na akong guguluhin ha?

*humiga na si Liam sa tabi ni James. Sunod na ding humiga si James. Pagkahiga nilang dalawa...

James: Eto naman si Kuya, overreacting. Matutulog na nga.

*natulog na ni James. Habang si Liam...

(LIAM POV: Oo nga pala. Death anniversary na pala ni mama bukas. Muntik ko nang makalimutan.)

CATCH ME I'M FALLIN'Where stories live. Discover now