*****FLASHBACK*****
*sa may puno sa palayan, habang nagtatanghalian sina Liam at ang lahat ng kasama nila sa palayan...
Nanay (biological) ni Liam: Oh, Katie, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng mama mo. Alam mo naman na ikaw lang ang katuwang nun sa bahay nyo.
Katie: Ayos lang daw po. Eh pumayag naman din po sya na manatili ako dito.
Tatay ni Liam: Ikamusta mo nalang ako sa mama mo Katie ha? Pasensya na at hindi ako lumalagi dyan kasi ang daming gawain dito sa bukid.
Katie: Ok po. Naiintindihan naman po kayo ni mama.
"Oo nga pala Katie, mukhang napapadalas na ang pagdadala mo ng tinapay dito sa amin ha?"
"Oo nga. Siguro naman next time eh hindi na tinapay ang dadalhin mo dito. Kundi panulak nalang din."
Katie: Sige po. Susubukan ko po.
Tatay ni Liam: Wow ang bait talaga palagi ni Katie. Manang-mana talaga sa nanay nya. Napakabait.
Liam: Oo nga eh.
"Ayuu ayan na naman sila Aling Nida oh."
"Oo nga. Dumadamoves na naman po si Liam oh."
Nanay (biological) ni Liam: Naku wag nga kayong ganyan. Ang babata pa nga nila eh tapos ganyan na kayo mag-isip. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao dito sa mga bata? Na bata pa sila eh mga ano na...
"Mga ano po?"
Nanay (biological) ni Liam: Naku. Pag hindi nyo ko talaga titigilan, babayaran nyo yang mga pagkain na ibinigay ko sa inyo ngayon. Tapos ang utang nyo pa sa akin nung bumili kayo ng tinapay sa panaderya nina Katie tapos hindi nyo man lang kami tinirhan ng anak ko...
"Ok na po Aling Nida. Sorry po."
"Ako din po. Sorry na po."
Nanay (biological) ni Liam: Hay salamat at tumahimik na din sila hihihi.
*saka sila napatawa sa inasta nila. Nang maghapon na at kakatapos lang lumigo ni Liam, pumunta kaagad sya sa isnag malaking puno sa gitna ng palayan. Maya-maya...
"Yah. Anong ginagawa mo dyan?"
*napalingon sya sa nagsalita at nakita nya si Katie na papalapit sa kanya...
Liam: Oh. Bakit ka nandito? Akin na yang kamay mo.
*agad nyang hinawakan ang kamay ni Katie upang alalayan ito sa tulay na papunta sa puno. Nang makadating na si Katie sa puno...
Liam: Bakit ka nandito? Kakaligo mo lang din naman. Baka makati ang damuhan dyan sa nilakaran mo. Alam mo naman na may allergy ka dyan diba?
Katie: Eh nakita kita dito eh. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito at naparito ka ha?
Liam: Wala.
*saka sya tinalikuran ni Liam si Katie...
Katie: Ay. Ganyan na ba ang pagtrato sa isang prinsesa ngayon?
*saka sya bumalik at yumuko...
Liam: Ay. Pasensya na po, mahal na prinsesa.
Katie: Hindi ko matatanggap ang sorry mo.
Liam: Po?
Katie: Kailangan may gawin ka para sa akin. Para tanggapin ko yang sorry mo.
*saka tumayo si Liam sa kanyang kinatatayuan...
Liam: Hay ang sakit ng kamay ko sa palayan kanina eh.
Katie: Hmmmp...
Liam: Oo na. Ano po ang kailangan nyo, mahal na prinsesa?
Katie: Ukitan mo ako dyan ng puso sa puno na yan. Tapos ilagay mo ang mga pangalan natin sa loob.
Liam: Po? Eh ang hirap po nun eh.
Katie: Bakit? Eh umuukit ka nga ng mga kabulastugan dun sa puno natin sa school ha?
Liam: Iba yun. Doon hindi pagod ang mga kamay ko. Nagsusulat lang ako okay na. Eh dito, sakahan na kanina ang pinagtrabahuan ko eh. Mas mahirap na yun kaysa sa pagsusulat.
Katie: Ah basta. Ayokong makarinig ng mga daing mo. Gusto ko gawin mo yung pinapagawa ko sa'yo ngayon din.
Liam: Ugh...Hay naku.
*saka nya kinuha ang isang maliit at matulis na kahoy upang ukitan nya ang puno gaya ng sinasabi ni Katie sa kanya. Nakasimangot sya habang nag-uukit kaya naman...
Katie: Do it with a smile po.
*nagpumilit syang ngumiti pero...
Katie: Ay. Kapeke naman.
*saka na sya ngumiti ng pagkaganda...
Katie: Ayan. Mas gwapo ka na dyan. Ngayon, tapusin mo yan ha? Nag-aabang ako.
Liam: Opo ma'am.
*saka sya nag-ukit ulit. Nang matapos na sya...
Liam: Tapos na po ma'am.
Katie: Talaga ba?
*sabik na pumunta si Katie sa inukitan ni Liam sa puno. Nang makita nya ito...
Katie: Wow. Ang ganda. Ngayon, gumanda na talaga ng tuluyan ang punong yan. Wag nating buburahin yan ha?
Liam: Eh baka naman ikaw ang unang bubura nyan.
Katie: Naku hindi ah. Ako kasi yung tao na pag nagpangako, hinding-hindi mapapako.
Liam: Sigurado ka dyan ha?
Katie: Oo. Ako pa.
*saka sila nagngitian sa isa't-isa bago sila tumingin ulit sa puno...
(LIAM POV: Akala ko dati hindi mo mapapako ang tungkol sa atin. Pero ngayon, parang nabaon na talaga sa kanyang pako ang pangakong sinabi mo para sa ating dalawa...)
*****END OF FLASHBACK*****
*kinagabihan, sa boarding house ni Liam...
(LIAM POV: Bakit Katie? Bakit kinalimutan mo na ako...)
*saka na kumulo ang heater na ginagamit nya, dahilan upang mapatayo sya at patayin ito mula sa pagkakasaksak...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanficMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...