*kinabukasan sa office nina Liam, may ginagawa si Liam nang lapitan sya nina Danny at Eros...
Eros: Tol, mukhang busy ka dyan ah? May maitutulong ba kami ni Danny sa'yo?
Liam: Ok lang ako tol. I can't seem to focus nga lang.
Danny: Sus. Iniisip mo lang yung tatlong magagandang babae na nakasama natin kagabi eh. Bakit? Ang ganda noh?
Eros: Ah yun? Hahaha isa nalang ata ang available dun eh.
Liam: Ano?
Danny: Tatlo. Si Katie, Trixie at Lily.
Liam: Kilala nyo din sila?
Eros: Oo naman. Palaging gumagala dito yung tatlo sa office. Minsan nga naabala pa nga nila si Sir Lance dito eh kaso okay lang din naman. Nakababatang kapatid kasi ni Sir Lance si Ma'am Lily, tapos ang balita ko ata is nagkakamabutihan na din sina Sir Lance at si Ma'am Trixie.
Liam: Eh yung isa? Yung Katie?
Danny: Bakit? Crush mo ba yun ha?
Liam: Baliw. Eh nagtatanong lang naman eh.
Danny: Wag ka na dun. Masungit naman yun eh.
Liam: Masungit ka dyan...
Eros: Bakit? Kilala mo na ba yung Katie ha?
Liam: Hindi. Kaya nga kinikilala diba?
Eros: Ah. Ok accepted.
(LIAM POV: Nakakapanghina lang talaga ng loob na kahit gustong-gusto kong ipagmalaki na mahal na mahal kita ay hindi ko magawa. Lalo na at hindi mo na ako kinikilala ngayon. Ang taong sadya ko dito, ay nabulilyaso pa...)
Danny: Naku. Kung may balak ka mang ligawan sya, naku wag mo nang subukan. Masasaktan ka lang.
Liam: Bakit?
Eros: Bakit naman?
Danny: Anong bakit naman? Hindi nyo ba nabalitaan dati, naging crush ko rin sya nang una ko syang nakita dito sa office. Sinubukan kong ligawan sya...
Liam: Ano?!
*saka naman nagulat sina Eros at Danny sa reaksyon ni Liam pero humudyat na rin si Liam na ipagpatuloy na ni Danny ang kanyang kwento at humingi na rin sya ng dispensa sa naging reaksyon nya...
Danny: So ayun na nga. Sinubukan ko syang ligawan, kaso man-hater ata ang babaeng yun.
Liam: Man-hater? Paano mo naman nasabi na man-hater sya?
Danny: Eh hindi nga nagkaroon ng history yan sa pag-ibig eh. Ni boyfriend wala.
(LIAM POV: Ano? Ni boyfriend wala?...)
Danny: At tsaka hindi lang ako ang kauna-unahang lalaki na nanligaw sa kanya ha? Ang sabi ni Sir Lance sa amin, marami na daw mga lalaki ang nagkakandarapa sa ganda nya. Pero lahat ng yun, nirereject nya. Alam nyo ba kung bakit?
Liam/Eros: Bakit?
Danny: Dahil ayaw na ayaw nya na may mga lalaking lumalapit sa kanya. Dahil alam nya, kapag nagsawa daw ang isang tao sa kanya, sya pa rin ang magdudusa sa huli.
Eros: Arouch! Ang hirap ngang ligawan ng babaeng ganyan bro.
Danny: Oo nga bro. Mukhang hindi talaga sya nagbibiro sa sinabi nya. Kaya ayun, kahit sinong lalaki ang lumapit at akmang hahawak sa kanya, isang masamang tingin nya lang, umiiwas agad ang lalaki sa kanya. Kaya ayun. Binansagan syang man-hater ng taon.
Eros: Grabe. Hindi ko talaga alam yun brad.
Danny: Saan ka ba kasing planeta nanggaling at hindi mo alam ang mga tsismis sa lipunang ito ha?
Eros: Baliw ka. Hindi ba pwedeng masyado lang akong focus sa trabaho ko kaya hindi na ako makasabay sa inyong mga marites kayo?
Danny: Maka-marites ka dyan. Ano millenial lang ang peg ganern?
*habang patuloy na nagbabangayan sina Danny at Eros, saka naman napaisip si Liam...
(LIAM POV: Man-hater? Hmmp can I do it?...)
*kinahapunan, habang nakaalis na ang lahat ng empleyado sa office, nakita ni Lance paglabas nya ng kanyang opisina si Liam na nasa computer nya pa rin...
Lance: Liam, bukas nalang yan. Baka mapagod ka ng husto.
Liam: Sandali lang po sir. May inaasikaso pa ako dito.
Lance: Ha? Ano naman yan? Pwede patingin?
*habang papalapit si Lance ay agad na sinara ni Liam ang desktop nya. Paglapit ni Lance sa kanya...
Lance: Ano yun? Binack mo?
Liam: Sir...
Lance: Titingin lang ako eh. Sus. Love letter yan noh?
Liam: Po?
Lance: Iintindihin ko din naman eh. May niligawan din ako dati.
Liam: Sir naman...
Lance: Sino ba yang maswerteng babaeng yan? Malay mo, baka matulungan pa kita sa kanya...
Liam: Never mind nalang po. Hindi nya din naman po ako papansinin eh.
Lance: Hala sya. Bagong salta ka lang dito eh may nililigawan ka na?
Liam: Actually, matagal ko na po syang nililigawan pero nagkahiwalay kami at nagkita ulit.
Lance: Ah. Parang telenobela lang sa telebisyon. Hayst kaya hindi ako nanonood ng mga ganyan eh. Puro kasi ako NBA at action movies eh.
Liam: Sir Lance...
Lance: Sige na. Tapusin mo na yan. I-save mo lang dyan kung hindi mo pa gusto na iprint yan. Uuwi na din ako. Malapit na kasing maghapunan eh. Ikaw umuwi ka kaagad ha? Patayin mo ang lahat ng kuryente dito. At baka mamaya masunog pa tayo dito. Yung aircon at ang mga lights papatayin ko lang. Ikaw na bahala sa pinto at sa desktop mo ha?
Liam: Sige po Sir Lance. Ingat po kayo.
Lance: Sige. Ikaw din. See you tomorrow.
Liam: Opo.
*saka naman umalis si Lance sa opisina nila. Habang si Liam naman ay nakatingin pa rin sa kanyang ginawang tula sa kanyang desktop. Para kanino kaya ang tulang ginagawa nya? Para kaya kay Katie?...

YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanfictionMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...