*kinaumagahan, paglabas ni Liam sa kwarto nito na may dalang bag at nakabihis na, saka naman sya kinausap ng pamilya nya na nag-uumagahan...
Ina ni Liam: Kain na dito, anak.
James: Oo nga Kuya. Ang sarap ng ulam natin ngayon oh. Itlog na may kamatis at sibuyas. Samahan mo pa ng tuyo.
Liam: Ok lang. Nagmamadali kasi ako eh.
Ama ni Liam: Di ka man lang nag-almusal anak?
Liam: Sige lang po. Doon lang po ako mag-aalmusal sa pupuntahan ko.
Ama ni Liam: Bakit? Saan ka ba pupunta ha?
*natigilan si Liam sa tanong ng papa nya...
Ina ni Liam: Di mo ba alam be, death anniversary ni Nida ngayon? Yung tunay na mama ni Liam?
Ama ni Liam: Ah ganun ba. May trabaho ako dito sa bukirin eh. Hindi ako makakapunta.
(LIAM POV: Here we go again...)
Ama ni Liam: Ikaw lang muna ang pumunta para sa akin, anak. Ang dami ko pang trabaho dito sa bukid. Pasensya na.
Liam: Ok lang po tay. Naiintindihan ko po kayo.
(LIAM POV: Palagi naman po eh...)
Liam: Aalis na po ako, Itay. At tsaka po, kung pwede po sana, wag nyo na pong babanggitin ang pangalan ni Inay sa harapan ko. Nasasaktan po kasi ako eh. Pasensya na po talaga.
Ina ni Liam: Ok lang anak. Pasensya na.
*umalis nalang si Liam upang puntahan ang kanyang nanay sa sementeryo para sa death anniversary nito. Pagkaalis nya...
Ama ni Liam: Aba bastos ng batang yun ah.
Ina ni Liam: Intindihin mo na. Alam mo naman ang pinagdaanan nyan nang mamatay ang mama nya nang dahil sa kanya eh.
James: Totoo po mama?
Ina ni Liam: Ssh. Baka malaman ni Liam na pinag-uusapan natin ang mama nya.
James: Ah. Kaya pala sinumbatan nya din ako kagabi na wag ko daw babanggitin ang pangalan ng mama nya sa harap nya. Dapat daw sya lang dapat ang babanggit ng pangalan ng mama nya.
Ama ni Liam: Sakit sa ulo...
Ina ni Liam: Hayaan mo na yang anak mo. Bilisan mo na yang kumain dyan, James.
James: Bakit po ma?
Ina ni Liam: May ipapabili ako sa'yo sa palengke.
James: Opo ma.
*kumain na ang magpamilya ng kanilang agahan. Habang si Liam naman ay nakarating na ng sementeryo at sinindihan ng kandila ang puntod ng kanyang tunay na nanay na si Nida. Saka naman sya umupo sa isang upuan na ginawa nya sa tapat ng puntod ng nanay nya upang kumain ng sandwich. Nilagyan nya muna ng pagkain ang puntod ng nanay nya bago sya kumain. Pagkalagay nya...
Liam: Babantayan ko muna dito ma. Baka kasi mga aso pa ang makakain ng pagkain mo at hindi ikaw eh. Tapos sasabihin na naman ni papa na pinabayaan kita.
*kumagat na ng kanyang sandwich si Liam at kumain na ito...
Liam: Pasensya na ma ha? Yan lang ang naidala ko ngayong death anniversary mo. Ganito nalang palagi, ganito ganyan. Pasensya na talaga ma. Muntik ko na kasing makalimutan ang death anniversary mo eh. Mabuti at pinaalala sa akin ni James kagabi. Ah sorry po pala dun.
*kinain nalang ni Liam ng buo ang kanyang sandwich at uminom na sya ng softdrinks. Pagkatapos nyang kumain...
Liam: Yan ma. Baka sabihin mo na nagdidiet ako at kailangan kong kumain ng marami. Ok lang yun ma. Actually nga nagpapapayat ako eh kasi...wala lang trip ko lang hihihi. Pero ma, ang laki-laki ng balita na sasabihin ko sa'yo ngayon. Alam mo ma, tinanggap ako sa Maliwanag Publishing Corporation. At ang sabi nila, isa daw yun sa mga pinakatanyag na publishing corporation dito sa atin. Ma, magiging sikat na itong anak nyo hihihi. Ma, mapapagawan ko na ito ng tulda ang puntod nyo ma. Kung pwede nga eh lagyan ko pa to ng kuryente eh. Tapos gusto ko, damihan ko na din ang upuan. Kaso, dikit-dikit na kayo dito ma eh. Ewan ko kung magagawa ko pa yun. Pero ma, sana i-congratulate mo ako kung nasaan ka man ngayon ha? Ma, ikaw ang inspirasyon ko kung bakit gusto kong abutin ang lahat ng pangarap ko. Kung hindi nga dahil sa'yo eh baka hindi na ako nagpursigi upang abutin itong pangarap ko na maging isang journalist eh. Thank you talaga ma and I'm sorry. Tsaka tinawagan na pala ako ng chief documentary officer ko kanina pagpunta ko dito. Bukas na pala ako aalis. Kaya siguro isang beses nalang ako dito sa isang taon guro uuwi. Kaya sana, tiis-ganda ka muna ma ha? Magkikita pa rin tayo. Babalik ako dito para sa 'yo.
"Kuya?"
*paglingon ni Liam sa nagsalita ay nakita nya si James...
Liam: James?
James: Kuya, ikaw nga!!!
*dali-daling pumunta si James kay Liam at niyakap nya ito ng mahigpit...
Liam: Sandali lang bitawan mo nga ako.
*nabitawan ni James si Liam. Nakita ni James ang puntod ng nanay ni Liam...
James: So ito pala ang puntod ng mama mo? Cool...
(LIAM POV: Cool ka dyan...)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
![](https://img.wattpad.com/cover/309728944-288-k707464.jpg)
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanficMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...