*sa bayan, habang hinatid ng pamilya ni Liam si Liam sa istasyon ng bus...
Liam: I told you, kaya ko naman na pumunta dito mag-isa eh. Nakakahiya naman.
Ama ni Liam: You don't have to ashamed. Boluntaryo talaga kami na pumunta dito upang ihatid ka.
(LIAM POV: Sana talaga nagdahan-dahan ako sa pag-alis ko kanina at para di na ako nahuli ni papa. Ayun pinakain pa tuloy ako at hinatid. Hay naku. Kaya di ako komportable pag kasama ko sila eh...)
James: Kuya, text ka kapag nakarating ka na sa syudad ha? Hahanapan ko palagi ng magandang signal etong lumang cellphone na ibinigay mo sa akin at para matanggap ko kaagad ang text mo.
Ama ni Liam: Ano? Bigay yan ng kuya mo sa'yo?
James: Opo. Ang sabi po nya di nya na po ito gagamitin eh.
Ama ni Liam: Pero...yan ang binigay ko sa'yo na cellphone nung nag-aaral ka pa.
Liam: Ok lang po papa. Bibili nalang po ako ng bago pag nakadating na po ako dun sa syudad.
Ama ni Liam: Ayan. Bibili ka pa tuloy.
Ina ni Liam: Eto nalang ang cellphone ko ang gamitin mo. Teka kukunin ko lang ang sim card ko.
Liam: Ok na po. May pera pa naman ako dito na extra eh. Pinag-ipunan ko po talaga to ng husto upang mabili ko ng bagong cellphone.
Ina ni Liam: Ok. Mag-iingat ka dun ha? Wag na wag mong papabayaan ang sarili mo.
Liam: Opo. Sige po. Alis na po ako. Andyan na po ang bus na sasakyan ko eh.
James: Paalam kuya.
Ina ni Liam: Text ka kaagad kapag nakadating ka na dun ha?
Liam: Opo.
*maya-maya ay dumating na ang bus na sasakyan ni Liam patungong syudad. Nang umalis na si Liam upang sumakay sa kanyang bus...
James: Hayst mamimiss ko talaga ang kakulitan ni Kuya.
Ina ni Liam: Hayst wala na bang naiwan ang batang yun ha?
Ama ni Liam: Mukhang wala na. Tara na umuwi na tayo.
*bigla namang kumulo ang tyan ni James, hudyat na nagugutom na ito...
Ina ni Liam: Hayst hanapan muna natin ng makakain yang bunso mo.
James: Mama naman. Bunso agad. Di na pwedeng baby?
Ama ni Liam: Sus. Ang laki-laki mo na para maging baby. Tara na nga.
*habang si Liam naman na naglalagay ng kanyang mga gamit sa loob ng bus ay nakita nya mula sa bintana ng bus na masaya na naglalakad ang kanyang pamilya patungo sa isang fast food chain sa bus station...
(LIAM POV: Look how happy they are na wala ako. Pfft mas happy nga ako na malalayo ako sa kanila eh. Pfft...)
*saka na umupo si Liam at nagpatunog ng musika sa kanyang cellphone at headset at natulog. After 30 minutes ay umalis na din ang kanilang bus at papunta na sila sa syudad. 4 na oras din ang byahe ng bus patungo sa syudad. Pagdating ng bus sa bus station ng syudad, nakatulog pa rin si Liam sa loob habang ginigising sya ng driver...
Driver: Sir...sir gising na po. Nasa syudad na po tayo.
*naalimpungatan si Liam at tuluyan nang nagising dahil sa driver...
Liam: Uhm...ahh...kanina pa po ba tayo dito sir?
Driver: Hindi naman. Mga 10 minutes ago lang ay dumating na tayo dito sa syudad. Bumaba na po kayo at malapit na din po ang next trip ko pabalik.
Liam: Sige po. Pasensya na po talaga. Maaga pa po kasi akong nagising eh kasi maaga po ang byahe ko.
Driver: Naiintindihan kita. Natutulog nga din ako kung minsan eh pagkatapos ng trip ko. Sige na. Bumaba ka na at magkape ka dun sa baba. May kapehan dun sa may gilid. Magkape ka dun.
Liam: Thank you po.
Driver: You're welcome iho.
*saka na tinulungan ng driver si Liam sa pagbaba ng kanyang mga gamit. Pagbaba ni Liam dala ang kanyang mga gamit sa bus...
Liam: Salamat po talaga ha? Sa pagtulong.
Driver: Walang anuman iho. Mag-iingat ka ha? Nakikita ko pa naman sa'yo na bago ka lang dito sa syudad.
Liam: Po? Nakikita nyo po yun?
Driver: Sige na at magkape ka na. Wag kang tatanga-tanga dito sa syudad ha? Marami pa namang masasamang tao dyan sa paligid. Baka pagsamantalahan ka nila.
Liam: Sige po sir. Thank you po talaga ulit sir.
Driver: You're welcome iho.
*saka na pumunta si Liam dala-dala ang kanyang mga bagahe patungo sa kapehan na itinuro sa kanya ng driver ng bus na sinakyan nya. Hindi nya alam na may nakatingin sa kanya na grupo ng mga babae mula sa malayo. Sina Katie, Lily at Trixie...
Lily: Sino ba talaga kasi ang susunduin natin dito? At bakit wala pa sya?
Trixie: Yung bagong worker ng kuya ko. Magtatrabaho daw yun sa kompanya namin bilang proofreader eh.
Lily: Yun ba yun?
*tinuro ni Lily si Liam na ngayon ay nagkakape na sa kapehan...
Katie: That man?
(KATIE POV: Why is he...so familiar??)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
![](https://img.wattpad.com/cover/309728944-288-k707464.jpg)
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanfictionMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...