*sa cr ng mga babae sa gym, nagmamadaling pumasok si Katie at napasandal sa lababo. Nang tingnan nya ang kanyang repleksyon sa salamin ng lababo...
(KATIE POV: Bwiset talaga. Bakit ba hindi ako tinitigilan ng lalaking yun ha? Dapat talaga binasted ko na talaga sya dati pa eh. Bakit ba kasi napakahirap na magtapat ng pambabasted sa isang tao ngayon ha? Bakit nga ba? Hay naku...)
*nang napasandal sya sa may pinto para marinig nya kung andyan pa si Paolo...
Katie: Jusko andyan pa nga sya. Ano na ang gagawin ko? Bawal akong malate ngayon. Ang dami kong gagawin sa office ngayon. Hay naku talaga...
*sa labas ng gym, habang naglalakad sina Liam, Lance at Lily...
Lance: So this is your first assignment. We really want some features that inspires the MedSchool students.
Liam: So you mean, I'll start to write a story about MedSchool students.
Lance: Yes. The Book Development Board of this country contacted me to publish a story about Med students. It's pure fiction kaya wala kang dapat na ipag-alala. But we also need some of the information about Med students para naman magmukhang katotohanan yung content natin.
Lily: So ano ang gagawin ko dito?
Lance: You need to accompany him para kumalap ng impormasyon tungkol sa mga Med students dito, tutal kilala ka naman nila dito eh.
Lily: Sus. Eh kung kilala naman dito sa MedSchool yung hinahanap nyo, edi si Katie ang solusyon nyo. Malamang mas madami syang kilala dito kasi dito talaga sya nagtatrabaho.
Liam: Ano? Dito nagtatrabaho si Katie?
Lance: Oo. Non-teaching staff sya dito sa MedSchool. Pero hindi naman natin sya pwede abalahin lalo na at baka madami syang ginagawa ngayon sa office nila.
Lily: Ikaw Liam nakakahalata na ako sa'yo ha? Crush mo ba talaga ang kaibigan ko o ano?
Lance: Lily, tumigil ka nga.
Liam: Hindi naman malabo na magkagusto sa kanya diba?
Lily: See? Sabi sa'yo Kuya eh.
Lance: Kahit na, that doesn't justify the fact na pwede nalang natin isugal ang duty hours ni Katie nang dahil lang dito. Mabuti pa at ikaw nalang ang sumama sa kanya para magresearch.
Lily: Eh akala mo ikaw lang ang may trabaho eh.
Lance: Anong sabi mo?
Lily: Wala. Tara na nga at makapagsimula na tayo kaagad.
Liam: Sandali lang.
Lance: Bakit?
Liam: Mag-ccr muna ako saglit. Babalik ako kaagad. Saan ba dito yung pinakamalapit na cr dito?
Lily: Ah. Sa pagkakaalam ko eh may cr dyan sa gym, tingnan mo lang dyan.
Liam: Sige. Thank you.
Lily: Sige. Dito ka nalang namin hihintayin ni Kuya sa bench sa harap ng gym.
Liam: Sure. Thanks.
Lily: No problem.
*saka na pumasok si Liam sa gym upang mag-cr. Saka naman pumunta sina Lance at Lily sa bench para hintayin nila si Liam. Habang papasok si Liam sa gym, nakita nya si Paolo na nakaupo at nakasandal sa may poste na may dalang bulaklak at chocolates, na sya namang pinagtaka ni Liam. Pero hindi nya na ito pinansin at dumiretso na sa cr. Habang si Katie na nakasilip pa rin sa pinto ng cr upang bantayan si Paolo na umalis...
(KATIE POV: Si...si Liam? Anong - hays! Ano na ang gagawin ko? Pero hindi rin naman ako pwedeng lumabas ng mag-isa, or else hahabulin pa rin ako ng Paolo na yun. Parang sira kasi eh. Hayst ano na ang gagawin ko? Naku³. Mag-isip ka Katie. Mag-isip ka dali!..)
*habang si Liam naman na kakatukin na sana ang pinto ng cr nang biglang...
Paolo: Tol may tao dyan sa loob. Wag mo munang katukin.
Liam: Ah. Ok. Pasensya na.
*tumalikod na si Liam at paalis na sana nang bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Katie na yumakap kaagad kay Liam. Bakas kay Liam at Paolo ang gulat sa kanilang mga mukha nang dahil sa ginawa ni Katie...
Katie: Baby, iiwanan mo kaagad ako. Sorry at medyo natagalan ako sa cr okay?
*saka na napalingon si Liam sa yumakap sa kanya at bigla syang nataranta at namula nang nakita nya na si Katie ang yumakap at kumausap sa kanya...
Liam: Ah...
Paolo: Ano? Anong ibig sabihin nito?
*saka na niyakap ng mahigpit ni Katie si Liam...
Katie: Sorry, Paolo. I've been trying to tell you na hindi kita gusto, pero hindi mo rin naman ako pinapakinggan. Palagi mo nalang pinapairal ang lahat ng gusto mo. Kaya I've decided to tell you the truth like this.
Paolo: Ano?
Katie: Meet my manliligaw, Liam.
*hindi pa rin matantya ni Liam sa kanyang isipan ang lahat nang nangyayari ngayon, kaya hindi pa rin sya makapagsalita hanggang ngayon. Kaya tinapik ni Katie ang balikat nya...
Katie: Hoy.
Liam: Ah. Oo. Matagal ko nang nililigawan si Katie. Bakit? May problema ka ba dun ha?
Paolo: Bwiset. Ang tagal-tagal kitang niligawan Katie eh.
Katie: At matagal na rin akong nagtitimpi sa'yo. Kaya tsupe. Basted ka na. Umalis ka na.
*wala nang nagawa si Paolo kundi ang umalis dahil sa pagkapahiya nya sa nangyari. At dahil sa nangyari, mas lalo pa nagkaroon ng tsansa si Liam na mapalapit pa ng husto kay Katie, na matagal nya nang hinahanap-hanap mula pa nung dati...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
![](https://img.wattpad.com/cover/309728944-288-k707464.jpg)
YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLIN'
FanfictieMAIN CAST: Kim Jun Myeon (EXO Suho) as Liam Bae Ju Hyun (Red Velvet Irene) as Katie SUPPORTING ROLES: Kang Seul Gi (Red Velvet Seulgi) as Lily Kim Jennie (Blackpink Jennie) as Trixie Choi Minho (SHINee Minho) as Henry Kim Jong In (EXO Kai) as Noah P...