CHAPTER 11: STAY-IN

2 0 0
                                    

*kinaumagahan, habang natutulog si Liam, nag-alarm ang kanyang cellphone nang alas-5 ng umaga. Nagising sya upang patayin ang kanyang alarm. Nang napatay nya na ito, nag-inat pa sya bago sya tuluyang bumangon sa kanyang higaan. Nang napabangon na sya, agad syang pumunta sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay sumaing na din sya ng kanyang kanin at naligo na sya. Pagkatapos nyang maligo at magbihis ay ininit nya ang kanyang ulam sa ibabaw ng kanyang sinaing at kinuha nya ang kanyang cellphone upang mag-facebook. Habang nagfe-facebook sya ay may tumawag sa kanya sa messenger kaya sinagot nya ito...

*sa video call

LIAM:
Yah James ang aga mong nagising ah.

JAMES:
Syempre naman Kuya. Dahil wala ka dito ay ako na ang nag-aasikaso ng pagkain ko para sa school.

LIAM:
Hayst buti naman kung ganun. Kaso sayang eh. Wala ako dyan upang masilayan ang kasipagan mo.

JAMES:
Eh si Kuya talaga. Pero oo nga pala. Bakit ka tumawag kagabi na andyan ka na pala sa syudad? Diba ang kasunduan natin...

LIAM:
Ayy oo nga pala. Pasensya na at di na ako nakatawag sa inyo. Pagod na pagod na kasi ako kagabi eh kaya naman hindi na ako nakatawag sa inyo. Pagpasensyahan mo na din ako kina tatay at nanay ha? Di ko kasi talaga sinasadya.

JAMES:
Sige. Ipaparating ko talaga sa kanila yang sorry mo. So kamusta nga pala ang syudad kuya? Igala mo naman kami dyan minsan oh.

LIAM:
Ayos naman. Saka ko na kayo igagala dito kapag may pera na ako at kapag nakaluwag-luwag na tayo. Isama natin ang buong batalyon. Baka gusto din nilang masilayan ang ganda ng syudad.

JAMES:
Sure Kuya. Promise mo sa akin yan ha?

LIAM:
Syempre naman. Promise ko sa inyong lahat yan.

JAMES:
Thanks Kuya.

LIAM:
Basta mag-aral ka ng mabuti dyan ha? Tulungan mo palagi sina nanay at tatay sa gawaing-bahay. Wag ka puro cellphone. Nakakatamad yan. Gayahin mo ako. May pangarap sa buhay.

JAMES:
Oo kuya. Pangako ko din yan sa'yo.

LIAM:
Buti naman kung ganun.

JAMES:
Oo nga pala. Nagkita na ba kayo ni Ate Katie dyan? Ang alam ko dyan din nakatira si Ate Katie ngayon pagkatapos ng ilang taon eh.

*saka muna napatahimik si Liam sa sinabi ni James...

LIAM:
Oh. Alas-5 y medya na pala. Magluluto pa ako ng ulam eh. Maaga akong papasok ngayon. First day ko kasi eh.

JAMES:
Si Kuya talaga. Iniba pa ang usapan natin eh ang sarap na nga ng usapan natin ngayon eh.

LIAM:
Magluto ka na din. Panigurado ay wala ka din dyang ulam na uulamin mamaya.

JAMES:
Ito may piniritong isda pa ako dito. Marami pa to pwede ko pa ngang ibaon ang iba mamaya eh.

LIAM:
Pwes kung may ulam ka na dyan eh ako wala pa. Kaya out mo muna yan at maligo ka na.

JAMES:
Masyadong malamig dito kuya. Hindi ko pa kaya na maligo.

LIAM:
Jusko 17 years old ka na eh nalalamigan ka pa. Ako nga 10 years old palang ako eh hindi na nga ako nag-iinit ng tubig pangligo sa takure dati eh.

JAMES:
Eh iba naman yun. Ikaw yun Kuya at hindi ako.

LIAM:
Tss maligo ka na nga dyan. At ako'y maliligo na din. Bye. Ingat kayo dyan.

JAMES:
Sige Kuya. Ingat din. Kwentuhan tayo mamaya ha? Isama na natin sina mama at papa mamaya.

LIAM:
Depende sa'yo.

JAMES:
Bye, Kuya.

LIAM:
Bye.

*at saka na pinatay ni Liam ang video call. Naghanda na rin sya para sa unang araw nya sa trabaho. Sa publishing company, habang nagtatrabaho si Liam, ay may umupo sa kanyang desk. Agad naman syang napatayo upang magbigay-galang dun bilang bagong empleyado ng kompanya...

Baron: Wag ka nang tumayo. Wag na.

Liam: Ah. Okay.

*saka naman umupo ulit si Liam sa kanyang upuan. Limang tao ang nakaharap sa kanya ngayon. Tatlong lalaki at dalawang babae...

Liam: Pinakilala na kayo ni Sir Lance sa akin. Pero di ko pa masyadong matandaan ang mga pangalan nyo. Sino nga kayo ulit?

Baron: My name is Baron,...

Linda: Linda...

Shy: Shy...

Eros: Eros...

Danny: At Danny.

"Nice to meet you."

*agad namang napamangha si Liam sa kanilang lima dahil sa sabay nilang pagsabi ng Nice to Meet you...

Liam: Wow nice to meet you all as well. Wow pasensya na kayo at hindi ko masyadong matandaan ang mga pangalan nyo ha? Para na kasi kayong magkamukhang lahat eh.

Baron: Don't worry. Balang araw ay magiging kamukha mo na din ako hahaha.

Linda: Tch tumigil ka nga. Eh mas gwapo pa nga itong si Liam kaysa sa'yo eh. Sayang naman yung kagwapuhan nya kapag magmamana nalang sya ng mukha galing sa'yo.

Shy: Tch wag mo nalang silang pansinin, Liam. How about we both have our welcome party mamaya sa bar? Game ka ba?

Liam: Welcome party? For me?

Lahat: Oo naman.

Eros: Para yun sa'yo, Liam. For being the newest crew of our group.

Danny: So what do you say? Is it a deal or a no deal?

*saka na nag-abang ang lima ng desisyon ni Liam tungkol sa welcome party na ilalahad para sa kanya...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

AUTHOR'S NOTE: Please be my companion as I celebrate my 1st Anniversary on Wattpad as Hey I'm Charlie 🌈, the author being this story and other stories behind my name. 💖 03/25 is the day. 🎂🎉💐😇

CATCH ME I'M FALLIN'Where stories live. Discover now