CHAPTER 6: LAST MESSAGE

0 0 0
                                    

*kinagabihan, habang nagliligpit na ng ibang gamit si Liam sa kanyang bag para sa pagpunta nya sa syudad, dumating naman sa kanyang kwarto ang ama at ang ina nya pati na rin si James...

Liam: Papa, mama, James. Ano po ang ginagawa nyo dito?

Ina ni Liam: We're here to give you something, anak.

*lumapit na ang tatlo kay Liam at umupo na sa tabi nito. Iniabot ng ina ni Liam ang isang rosarito na berde na hawak-hawak nya at tinanggap naman ito ni Liam...

Liam: Mama, ano po ito?

Ina ni Liam: Binigay yan sa akin ng isang madre nang pinagbubuntis ko palang si James ng limang buwan. Sinabi nya sa akin na good luck charm yan at kaya ka nyang protektahan habang nasa sa'yo yan. Ngayon, ibinibigay ko yan sa'yo. Ingatan mo sana yan anak ha?

Liam: Thank you po ma. Pero...

*ipinakita nya ang isang rosarito na kinuha nya sa loob ng damit nya sa ina nito...

Liam: Meron na po ako nyan eh. Kulay itim nga lang. Pero bigay po talaga ito ni mama sa akin.

Ama ni Liam: Anak naman. Wag mo namang sabihin ang pangalan ng nanay mo sa harap ng bagong nanay mo ngayon oh. Hindi ka ba nahihiya?

Ina ni Liam: Okay lang honey. Okay lang. Liam, kung hindi mo yan gusto ang rosarito ko, kahit ibigay mo nalang ito sa iba oh. Hindi ko na din naman kailangan yan eh. Mas kailangan mo yan sa syudad.

Liam: Ah. Thank you po, mama.

*inilagay nya ito sa kanyang bag ang rosarito...

Ama ni Liam: May pera ka pa ba dyan anak?

Liam: Po? Bakit po? Ano po ang bibilhin nyo?

Ama ni Liam: Anak, hindi ganyan ang ibig kong sabihin?

Liam: Po? Eh ano po ang ibig nyong sabihin?

Ama ni Liam: Baon mo bukas anak ang ibig kong sabihin. Baon mo bukas.

Liam: Ah. Yun po? Hihihi binigyan na po ako ng allowance ng kompanya ko para may pera po ako dun sa syudad.

Ina ni Liam: Wow. James, napakaindependent naman ng Kuya mo. Gayahin mo sya ha? Maging independent ka din katulad nya.

James: Opo mama. Kuya...

Liam: Ha?

James: Mamimiss kita ng sobra Kuya. Alam mo naman, wala na akong kakulitan dito since aalis ka na bukas.

Liam: Hayst ang gusto ko lang naman sa inyo ay magkaroon tayo ng magandang buhay at para hindi na rin tayo maghirap. Kaya wag nyo na akong alalahanin. Magiging okay ako.

Ama ni Liam: Sige. Anak, hindi ka na namin aabalahin ngayon kasi maaga ka pa bukas. James, matulog na kayo kaagad ng Kuya mo.

James: Opo papa.

Ama ni Liam: Liam anak?

Liam: Yes papa?

Ama ni Liam: Mag-iingat ka dun ha? Hindi ko na talaga makakaya kapag mawawala ka pa sa akin anak.

Liam: Opo papa. Mag-iingat po ako. Matulog na din po kayo at matutulog na din naman po kami ni James dito.

Ama ni Liam: Sige anak. Good night sa inyong dalawa.

Liam/James: Good night papa. Good night mama.

Ina ni Liam: Good night.

*saka na lumabas ang ama at ina ni Liam sa kwarto nila at nagbalik na sa pagliligpit si Liam ng kanyang mga gamit. Habang nakahiga naman si James at nakatingin lang sa kanya...

James: Madami ka pa bang liligpitin Kuya?

Liam: Oo. Madami pa. Bakit?

James: Gusto ko nang matulog Kuya pero napakaliwanag ng ilaw sa itaas eh. Hindi ako makatulog.

Liam: Takpan mo nalang kasi ng unan yang mukha mo at para makatulog ka na.

James: Eh paano naman ako makakahinga yan?

Liam: Edi masdan mo nalang muna ako habang bukas pa ang ilaw. Masdan mo nalang ako sa huling pagkakataon.

James: Eh nakatalikod ka naman sa akin eh. Paano ko naman yan mamamasdan ang pagkagwapo-gwapo mong mukha ha?

Liam: Hayst matulog ka nalang kasi James pwede? Hindi pa ako tapos magligpit dito eh.

James: Hayst si Kuya talaga eh oh. Mainitin ang ulo. Nagpapalambing lang naman ako sa'yo sa huling pagkakataon eh.

Liam: Please, kung gusto mong magpalambing sa akin, pwes wag ngayon. Sa susunod nalang. Madami pa akong gagawin at pagkatapos nito ay matutulog na ako kaagad para bukas. Okay?

James: Okay, okay. Matutulog na.

*pinikit naman kaagad ni James ang kanyang mga mata kahit nahihirapan sya sa liwanag ng ilaw pero mamaya ay nakatulog na din sya. Nang natapos na sa pagliligpit si Liam ay tiningnan nya ang kanyang kapatid na natutulog na. Saka nya ito nilapitan at pinagmasdan...

(LIAM POV: I will miss you too, bro. Ikaw na muna ang bahala kina mama at papa dito sa bukid ha? Promise, I will make it up to you...)

*saka na pinatay ni Liam ang ilaw at natulog na sya ng mahimbing sa kanyang kama. Nang mga bandang 5am na gumising na si Liam...

(LIAM POV: It's time...)

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

CATCH ME I'M FALLIN'Where stories live. Discover now