PROLOGUE

1.6K 27 2
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay namin dahil kagagaling ko lang sa paaralan namin. Graduating na ako sa senior high at lahat ng mga iyon ay utang na loob ko sa kuya ko na siyang nagsikap para makapag aral kaming dalawa ng kapatid. He was the best brother after all.

Syempre bilang ganti sa pagsisikap ng kapatid, hindi ko din naman pinababayaan ang pag-aaral at ang pribelihiyong pinagkaloob sa akin. Sinusuklian ko rin naman iyon ng mga magagandang achievements ko sa paaralan.

Simula kasi no'ng mawala si Mama at Papa sa amin ay si kuya na ang tumatayong Ama at Ina namin ng isa ko pang kapatid na si ate Stephen- na ngayo'y 3rd year college na at kunti nalang ang kulang ay magiging stewardess na din. Parehong mabait naman ang mga kapatid ko sadyang mapagtukso at mapang-asar nga lang talaga minsan.

Pero... gano'n naman talaga dapat, diba? Iyon din kasi ang makakapagtibay sa relasyon n'yong magkakapatid. The more you argue with each other, the stronger your bonds grow.

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay biglang may tumawag sa selpon ko kaya naman agad ko iyong kinuha sa bulsa ng uniforme at tinignan kung sino iyon. Si kuya pala at ano kaya ang sadya niya sa mga oras na ito.

"Kuya... napatawag ka? Pauwi na ako..." masiglang bati ko sa kabilang linya.

"Bunso, makinig ka sa akin..." rinig kong sabi ng kapatid sa kabilang linya na para bang kinakabahan at seryosong-seryoso. "Bilisan mo nang umuwi..."

"Malapit na ako sa bahay kuya... Ilang lakad nalang ang kulang dadating na ako diyan..." sagot ko naman. Hindi ko alam pero dahil sa tono ng pananaoita niya ay maging ako din ay nadala na sa kaba.

"Susunduin kita! Basta kong may makita kang hindi pamilyar na tao, 'wag kang lumapit sa kanila ha. Iwasan mo hangga't sa maari, Avara,"

Hindi ko alam pero parang ang seryoso naman ng kapatid ko ngayon. Sanay pa naman akong inaasar-asar at tinukso tukso lang niya lang kami palagi. Ewan ko ba! Ano kayang meron ngayon?

"Okay sige Kuya. Bakit ano bang meron--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko dahilan para mapuwersang mahulog ang cellphone na dala sa sementadong kalsada.

"Bunso..." rinig kong pagtawag ng kapatid sa kabilang linya.

Lalabanan ko sana ang taong nagtakip ng panyo sa bibig ko nang maramdamang paunti-unti akong nahihilo sa amoy nito. There's something in its scent that sends intoxication through my senses. Nanghihina ako at gustong mapapikit ng mga mata ko.

"Bunso, Okay ka lang? Susunduin na kita!" rinig ko ulit na tawag ng kapatid sa kabilang linya. "Avara! Bunso!... Bunso!... Shitt!" ramdam ko ang pagkabalisa sa tono palang ng pananalita sa kapatid.

'Yon din ang huli kong narinig bago ako nawalan ng ulirat and everything went black after that.



* * * * *


Nagising nalang ako sa hindi pamilyar na lugar na ganun parin ang suot ko, naka-uniforme parin sa paaralan namin. Ngunit bigla akong natakot nang mapansing nakaposas rin ang dalawa kong mga kamay, nakakabit sa malaking bakal dito. Ang bibig ko rin ay may takip na tape dahilan para halos daing lang ang halos lumalabas din doon at nahihirapan din akong makahinga.

Napansin ko rin na may dalawang lalaki na nakabantay sa harapan ko. Nakasuot sila ng itim na suit 'tsaka naka neck tie rin. Ang linis at pormado din nilang tignan. Pero... ano 'to?

Nasaan ba ako ngayon?

Bakit ako nakaposas at nakatakip ng bibig dito? Sa pagkakaalam ko nama'y wala naman akong ginawang kasalan, ahh. Bakit nangyayari 'to? Kahit pilit kung inaalala, wala talaga akong maisip na atraso sa kung sino man.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon