CHAPTER 12

370 11 2
                                    

Nelson P.O.V

Nandito ako ngayon sa paaralan kung saan nag aaral si avara. Kasi kailangan may ibigay ako sa kanya sa araw ngayon. Importanteng importante talaga na hindi pwedeng ipagbukas. Espesyal ang araw na ngayon sa kaniya pero sa kasamaang palad lang ay hindi namin siya kapiling.

Nakasuot ako ngayon ng itim na hoodie, itim na sombrero at saka itim na mask din para hindi ako makilala. Nakatago pa sa sulok ng school nila. Graduation kasi ngayon ng mga kaklase ni avara kaya kinuha ko rin ang pagkakataong to para makausap at mahingian ng pabor ang kaklase niyang miyembro sa mafia ni lord anschutz.

Habang naglilinya ang mga studyante para sa processional march ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung hindi lang sana ako naging tarantado ay kasama sana si avara sa mga nagmamarcha ngayon suot ang togang blue ngayon.

Nakakalungkot lang talagang isisipin. Nasa gilid sana ako ni avara ngayon at tumayong guardian para sa graduation niya. Nakikita ko sana ang matamis niyang ngiti ngayon ng tagumpay.

Hanggang sa lumipas na ang ilang oras at natapos na ang sasabihin ng salutatorian nila at sa guest speaker nandito parin ako sa sulok na ito.

"Supposedly our valedictorian is ms. Avara Fuentes because of her outstanding performance in this school. But sadly she can't make it today thats why we have to call on our salutatorian once again for his words of gratitude.." anunsyo ng MC.

Napatulo nalang ang luha ko. Nasayang lang talaga ang mga pinaghihirapan ni avara sa loob ng maraming taon ng dahil lang sa pagkamali ko. Siya dapat sana ang nandoon sa stage at pinagpapasalamatan ang mga taong parte ng tagumpay niya.

Kasalanan ko talaga ang lahat!

Ako pa naman ang mas matanda sa kanila. Ako dapat ang nagproprotekta sa kanila. Hindi ko sana sila pinahamak. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Hindi ko na kaya pang saksihan ang graduation program nila kaya tinungo ko nalang ang gate ng school nila. Doon ko hihintayin ang taong susi para mahatid ko ang importanteng mensahe kay avara.

Ngunit umabot pa sa oras kung saan natapos ang graduation program nila bago ko nakita si cedrick na tumatawa pa palabas ng gate. Kailangan kong makahanap ng magandang tiyempo.

Nang makita kong lumabas na ito sa gate at tinungo ang motorsiklo niya ay kinuha ko ang opurtunidad na yun para lapitan siya.

Dahil nasa likod ako ng malaking kahoy ay hindi niya nakitang papalapit pala ako sa kanya. Wala rin naman kasing masyadong tao dito ngayon kaya naglakas ako ng loob para maglabas ng illegal na baril.

Tinutukan ko siya ng baril "Cedrick!"

Gulat naman siya nang makita akong nakatutok ng baril sa kaniya.

"Kuya nelson!"

*****

Avara's P.O.V


"Young lady, ang ganda naman po niyang pagka arrange niyo sa mga tanim na bulaklak diyan" puri ni lara sa akin.

Nagtatanim kasi kami ngayon ng mga bulaklak sa labas ng mansyon. Wala kasi akong magawa. Tinanong ko naman si vaughn kung pwedeng gawin yun. Pinayagan niya naman ako basta wag lang daw akong lumagpas sa gate.

"Mahilig kasi akong magtanim ng bulaklak sa amin hehe. Yun nga lang maliit lang ang bakuran namin sa bahay kaya ayun halos mag overcrowded na ang bahay namin sa mga tanim haha"

"Akala ko ba'y galing ka sa mayamang pamilya young lady?"

Kailan man ay wala akong sinabi sa kanila tungkol sa pagitan namin ni vaughn. Hindi ko pinaalam sa kanila na bihag lang niya ako.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon