CHAPTER 9

417 13 0
                                    

STEPHEN'S P.O.V

Isang semana na ang nakalipas magmula nang nakidnap si avara sa kaaway ni kuya. Lumayas din ako sa pansamantalang bahay na tinuluyan namin ni kuya. Magmula kasi nang malaman ko na siya pala ang dahilan kung bakit nangyari yun sa amin ni avara ay nagkalabuan kami ni kuya. Hindi ko siya kinausap at kahit pinansin lang. Galit na galit
ako sa kaniya dahil kung hindi niya lang ginawa ang bagay na yun ay kapiling sana namin ngayon ang bunso namin.

Oo, naiintindihan ko siya na kailangan niyang gawin iyon para mabuhay at may matostos siya pagpapaaral namin. Pero kahit saang banda tignan ay mali ang daang tinahak niya. Tuloy malala ang nagiging consequences sa ginawa niya.

I have to do something para maligtas ang kapatid ko. Kahit pa ibig sabihin non ay papasukin ko ang mundo ng mga masasama. Hindi ito alam ni kuya at hindi ko ito ipapaalam sa kaniya.

"Hirap o sarap?" narinig kong malaking boses ng lalaki.

"Hirap" sagot naman nang babaeng nauna sa akin.

Nakatakip ang mga mata namin ng panyo at sa palagay ko ay marami rami kaming nakalinya ngayon. Nakapasok ako sa lugar na ito dahil kinausap ko ang lalaking kaklase namin na bali-balitang kasapi daw ito sa isang grupo ng mafia. At dahil sa totoo ang usapan na iyon ay dinala niya ako sa lugar nato. Ito rin daw kasi ang unang bahagi para makasali sa mafiang sinalihan niya.

Hindi ko naman alam anong pumasok sa isip ko kung bakit ginawa ko ang bagay na ito. Ang tanging alam ko lang kasi ay gagawin ko ito para sa bunso namin kahit na kapalit non ay magiging mapahamak ang buhay ko.

Kaya kong gawin ang lahat kung ikakabuti lang yun ng mga kapatid ko. Gaya nga ng sabi ng nanay namin noon na protektahan niyo ang bawat isa.

Naramdaman ko nalang na may tumulak sa likod ko hudyat na magsimula na akong maglakad. Hinakbang ko naman ang aking mga paa ng tuwid.

"Tumigil ka!" tumigil naman ako.

"Hirap o sarap?" tanong nang lalaking may malaking boses kanina. Wala akong makitang kahit ano bukod sa dilim pero sa palagay ko marami sila dahil may naririnig akong mga bulong bulongan.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pinapili nila sa akin. Pero b*bo ka naman siguro kung pipili ka ng hirap kung meron namang sarap.

"S-sarap.." sabi ko.

"Magaling kang pumili binibini haha"

Tumawa ito ng nakakaloko na para bang naaliwan sa sagot ko. Pero bahala na wala akong pakialam diyan sa tawa niya. Ang gusto ko lang naman ay sumali sa ibang mafia para humingi ng tulong na mailigtas ang bunso namin.

"Sinong magpapasarap sa kaniya?"

"Ako!"

"Ako nalang! siguradong masasayahan siya pag ako gumawa haha"

Ilan lang yan sa nag aagawan na gawin daw ang bagay na iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano tong pinasok ko pero bahala na. Kailangan ko itong gawin!

"I will be the one to do it" biglang tumahimik ang paligid dahil sa isang paos na boses na lalaking nagsalita.

"S-sigurado po ba kayo Boss benson?"

"Yes... Bring her to my room"

Hindi ko sila maintindihan. Tama ba tong ginagawa ko? Baka gumagawa lang ako ng hakbang na maaring makakasira sa akin na wala din naman pala akong mapapala?

****

AVARA'S P.O.V

Ang bilis lang talaga ng oras hindi ko nalang talaga namalayan na umabot na pala ako dito ng isang semana sa poder ni Vaughn ng BUHAY. Kumusta na kaya sila ate at kuya? Sigurado talagang sobrang nag alala na sila sa akin. Sana naman hindi sila gumagawa ng mga bagay na makapahamak sa kanila. Kilala ko pa naman ang bawat isa sa kanila at alam kong hindi silang dalawa makapapayag na may mahiwalay sa aming magkakapatid.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon