CHAPTER 14

356 7 0
                                    

Avara's P.O.V

Wala na akong gana pang lumabas dito sa kwarto. Para na tuloy ako nitong bata na hindi napagbigyan ang gusto. Pero wala akong pake! Bata na kung bata but I feel so lonely and I know that only my siblings has the ability to wipe it away.

I really wanna go home...

Napansin kong pagabi na ng pagabi. Kitang kita ko na mula sa bintana ang kumikinang na bituin. Pero meron isang bituin ang kumuha sa atensyon ko. Medyo malaki niya at medyo gumagalaw-galaw ng konti.

Ano kaya yun?...

Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko, pinikit ko ang aking mata at humiling na makalaya na ako dito 'tsaka sana sa susunod kong birthday ay makakapiling ko na ang mga kapatid ko.

Ngunit ang pagpipikit kong iyon ay nadisturbo nang may madinig akong pagbukas ng pinto sa likod kaya naman iminulat ko ang mga mata ko 'tsaka napatingin kung sino yun. Si Vaughn pala ang pumasok na bihis na bihis habang may dalang paper bag. Ang gwapo niya sobra sa suot niyang tuxedo, bagay na bagay talaga sa kanya.

"Suotin mo ito!" Sabay tapon niya sa paper bag na dala niya sa akin. Agad ko namang binuklat iyon at tinignan kung anong alam.

Isa iyong red dress na sa manggas palang ay halatang may kamahalan ang presyo.

"Ha? para saan to, Vaughn?"

"No more questions, just wear that at pagkatapos ay lumabas ka, hihintayin kita," sabi niya.

Suplado talaga!

"Sige..."

Hindi niya na ako nilingon pa agad siyang tumalikod sa akin 'tsaka lumabas doon sa pinto.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala talaga akong gana, for sure sobrang boring nanaman ng pupuntahan namin. Hindi naman pwedeng hindi ko siya susundin knowing vaughn sa ugali niya. Magagalit talaga yun.

Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sinuot ko parin ang dress na ibinigay niya sa akin. Saktong sakto talaga iyon sa katawan ko na para bang ginawa lang talaga ang damit na yun para lang sa akin.

Nang napatingin naman ako doon sa salamin ng kwarto na ito ay okay lang naman sa akin ang damit. Bagay na bagay pa nga...

Ngayon ko lang din napansin sa kwartong ito na meron din palang maraming pang makeup na nakalagay dito malapit sa salamin. Sabagay, ngayon palang din naman ang unang beses na tumingin ako sa mukha ko sa salamin. Wala kasi akong pakialam sa hitsura ko sa nagdaang araw. Basta maligo lang, 'yun lang talaga. Sino namang pagagandahan ko? Si vaughn?
Never!

Ngunit nangangati talaga ang kamay kong gamiton 'yun. Hindi naman talaga ako yung tipo ng babae na pala-makeup, occasional lang naman ako pero marunong din naman gumamit.

Umupo ako doon 'tsaka nagsimulang gamitin ang mga makeups na mga yun.

OMYGOD! Mga branded ito! Ito yung pinangarap ng ate stephen ko. Mahilig kasi 'yun sa mga makeups.

Aliw na aliw naman ako habang ginagamit yun.

Sinadya ko talaga na kapalan ko ang nilagay kong mga makeup dagdagan pa sa lipstick ko na sobrang pula. Hindi ko alam ba't ko ito ginagawa, basta naayun lang ito sa mood ko ngayon. Total birthday ko naman ngayon hehe!

Gusto kong maramdaman sa oras ngayon na hindi ako isang mahinang nilalang. Na kahit nakakulong at nakabihag ako rito ay matapang parin ako dahil nalagpasan ko ang mga pagsubok na ito.

Pagkatapos ko namang ayusan ang sarili ay confident akong lumabas sa kwartong ito. Pagkalabas ko naman ay napansin kong nakaupo lang pala si vaughn na may suot na earpiece sa labas habang busy'ng busy sa cellphone niya na hindi man lang napansin na lumabas at tapos na pala ako.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon