CHAPTER 8

462 13 1
                                    

Mabuti nalang talaga at hindi niya binaril ng tuluyan ang driver kanina. Ang tagal na din ng byahe kaya medyo inaantok na ako at medyo nasusuka na rin dahil sa aircon. Hindi naman kasi ako sanay sa malalayong byahe kasi hindi naman ako 'yong tipo ng taong mahilig sa mga fieldtrip at mga gala-gala sa mga malalayong lugar.

Nang mapatingin naman ako kay Vaughn ay seryoso lang itong nakatingin sa cellphone niya. Tuloy, hindi ko mapigilang murahin siya sa loob ng utak ko. Hindi man lang ba siya guilty sa ginawa niya sa akin kanina? Ang sakit kaya ng lalamunan ko! Na hanggang ngayon ay hindi parin iyon tuluyang nawala. Sa totoo lang, sobrang nakakainis siya!

Napapikit nalang ako sa mata atsaka isinandal ang ulo ko doon sa bintana. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

NAGISING nalang ako sa hindi na naman pamilyar na kwarto. Kaya taranta ko na naman muling inilibot ang aking paningin.

Sobrang ganda at sobrang laki ng kwarto na pinaglalagyan ko ngayon. Kita kong may sariling TV at CR na sa loob. Magkahalong kulay puti at itim ang pintura sa paligid. Pansin ko rin ang magandang pagka-organize ng silid. May magandang muwebles na nakalagay sa magandang puwesto at may bintana rin na nakalagay sa magandang angulo.

Nakikita ko lang talaga ang mga ganitong klaseng kwarto noon sa mga picture lang, but now, I have seen it in my naked eye.

Pero...

Anong ginagawa ko dito? Nasaan na naman ba ako?

Ang huling eksenang naalala ko ay doon sa loob ng kotse lang. Kasunod no'n ay tuluyan na akong nilukob sa antok at pagod.

Pinuluhan na naman tuloy ako sa mukha nang maalala pati ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang natanggal ang sakit sa lalamunan ko dahil sa pagkauntog ng sasakyan. That was such an embarrassing moment! And I don't know why I did that thing? It's so shameful! And I would never ever do it again!

Subuin ko ba naman ang pagkalalaki niya. Ewan ko ba anong pumasok sa utak ko no'n.

Nakarinig ako ng katok doon sa labas kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa pinto. Sino na naman kaya ito?

Lumuwa naman doon sa pinto ang morena at medyo may pagkachubby na babae na sa tingin ko ay ka-edad ko lang din. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot ng uniformeng pang-maid.

"Young Lady, bumaba na po kayo para kumain?" magalang pang aniya habang nakaguhit ang ngiti sa labi.

Young Lady? Sino siya?

"Ha? Sino po kayo?" naguguluhang tanong ko.

"Pasensya na po young lady hindi po ako nakapagpakilala sa inyo. Ako po si Lara isa po ako sa mga katulong sa mansyon na ito. Inutusan po ako ni Lord Anschutz na tawagin kayo upang makapaghapunan na po..."

Hapunan? Gabi na pala! Eh, may araw pa naman no'ng nagbyahe 'yong sasakyan. Medyo matagal-tagal din pala ang naging tulog ko.

"S-sige..." nagdadalawang isip ko namang sagot.

"Sige po young lady, mauna na po ako sa inyo. Sumunod nalang po kayo." Tumango naman ako. Napansin kong unti-unti at maingat itong lumabas sa kwarto.

Kinusot-kusot ko ang mata bago napagdesisyonang tumayo. Hindi na ako nag-abala pang mag ayos sa sarili. Bahala na! Kung magmukha ako nitong parang dinaanan ng bagyo. Wala akong pake! Lalong-lalo na kung katulad lang din naman ni lord anschutz ang haharap sa akin. I loathe him so much!

Walang gana kong binuksan ang kwarto atsaka lumabas doon. Bumungad naman sakin ang napakalawak na espasyo: may maaking chandelier doon sa ceiling, para iyong crystal na kumikinang sa ibabaw at meron ding spiral na hagdan pababa.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon