CHAPTER 3

699 17 0
                                    

Matapos nang pangyayaring iyon ay binuhat ako ni Lord Anschutz sa isang kwarto at iniwan lang doon mag isa. Binigyan rin ako ng damit pampalit dahil nasira ang uniforme ko kanina. Hindi ko na alam saan ito kumuha ng damit na kasya sa akin pero wala na akong pakialam do'n.

Ngayon ay nakaupo lang ako sa kama habang yakap ang sariling tuhod. Ramdam ko parin ang sakit sa pribadong parte ng katawan ko hanggang ngayon. Kung bakit ba 'yong bakas ng kasalanan na 'yon ay hindi parin nawawala? Nakakainis talaga!

Unti-unti ay naramdaman ko nalang ang munting pagtulo ng luha ko. Bakit nangyari to sa akin? Ano na kaya ang mangyayari sa akin kasunod nito? Will I ever claim my life back?

I'm pretty sure if I ever did, hindi na maibabalik pa sa dati, may kulang na sa buhay ko. I was treasuring it. I was preserving it. Ngunit parang isang bula, naglaho lang iyon ng bigla-bigla at hindi inaasahan.

Masakit talagang isipin na iyon bang matapos kang gamitin ay iniwan ka nalang ng basta basta. I couldn't feel my worth now. Parang pakiramdam ko ay isa lang akong basahan, iiwan lang pag hindi na kailangan at lalapitan naman 'pag kailangan.

Pero... sa kabilang banda, mabuti nalang din 'yon dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Ang nakakainis pa ay iba ang reaksiyon ng katawan ko sa mga ginagawa nito dahil imbes na pagkadisgusto ay kabaliktaran ang nararamdaman ko. Labis ko talagang pinagsisihan ang bawat segundo sa pangyayaring iyon.

Nagsimula na naman akong kabahan nang makarinig ako nang pagpihit sa pinto. Mas hinigpitan ko naman ang pagyakap sa tuhod ko upang maibsan ang kaba at tensiyon.

Sana naman hindi si Lord Anschutz to!

Ngunit ganun nalang ang pagkadismayang ko nang bumungad si Lord Anschutz sa pintuan na may dalang tray na may lamang pagkain. Tuloy, parang nangalam ang sikmura ko nang makita ang masasarap na pagkain. Ngunit agad  din namang napawi dahil nakakawalang gana din nang makita ko ang taong may dala no'n.

"You should eat!" sabi nito sa malamig na boses, lumapit sa akin at inilagay ang mga pagkain sa kama.

Binalewala ko lang siya at hindi pinansin ang sinabi niya. Mas hinigpitan ko lang ang pagyakap sa aking tuhod.

Bahala siya!

Hindi ako kakain. Mas mabuti pa ang mamatay nalang kaysa makita ko ang nakakabwesit na pagmumukha nito. Nakakawala din naman kasi ng gana 'pag siya ang kaharap mo. Mamamatay tao! Walang awa!

Ngunit nagulat nalang ako nang may makitang kutsarang nasa harapan ng mukha ko. May laman iyon ng pagkain.

Don't tell me... susubuan niya ako?

"Eat!" aniya.

"Wala akong gana!" sagot ko ngunit agad naman akong trinaydor ng sariling tiyan dahil bigla nalang itong kumalam at rinig na rinig iyon.

Traydor talaga!

"Don't fucking lie to me!" nataranta na naman ako sa tono ng boses niya. Mahina lang pero nakakatakot. "Eat!"

Mas nilapit pa nito ang kutsara sa bibig ko kaya wala nalang akong magawa kundi ang ibuka nalang ang bibig ko. Isinubo naman nito ang pagkain na kaagad ko din namang nilunok.

Ewan ko ba halata namang masarap yung pagkain pero wala akong malasahan. Dahil narin siguro iyon sa kaba at pagkatarantang nararamdaman ko ngayon.

"A-ako nalang po, Lord Anschutz..." nanginginig ang boses ko nang sabihin iyon,  tukoy ko sa pagsusubo ng pagkain sa sarili.

"Okay." Binigay naman nito ang kutsara sa akin na kaagad ko din namang tinanggap.

Sa pagkakataong ito ay ako na ang siyang nagsusubo sa sarili. Pero sobrang nakakailang nga lang lalo na't nakatingin lang pala ito sa akin habang kumakain ako.

"Why are you crying?" Napatigil ako sa pagkain. Napansin pala nito ang basa kong mga mata.

Atsaka tinatanong pa ba 'yon? Sino ba namang hindi iiyak 'pag nakidnap 'di ba? Sino ba namang hindi iiyak kung nasayang lang ang virginity mo sa isang estranghero 'di ba?

Hindi ko siya sinagot bagama't pinagpatuloy ko lang ang pagsubo ng pagkain na para bang wala lang akong naririnig. Nang makaramdam naman ako ng pagkabusog ay akmang ilalagay ko na sana ang plato sa tray ngunit dahil sa panginginig ng kamay ay aksidente ko iyong nabitawan. Naglikha iyon ng malakas na ingay at nabasag nga sa sementadong sahig.

Napasinghap ako at mas lumala pa ang kabang nararamdaman na halos hindi na ako makahinga. Baka magalit si Lord Anschutz... Baka ito na ang magiging katapusan ko...

Sobrang nataranta ako kaya dali-dali ko iyong pinulot at sa hindi rin inaasahang pangyayari ay nasugatan ang daliri ko sa pira-pirasong plato na yun.

It hurts! At tumulo pa talaga ang pulang likido sa sahig.

"Why the fuck did you picked it? Fuck!" dali dali nitong hinawakan ang kamay ko ng madiin atsaka piniga ang sugat ko.

"ARRRAYY!!" halos mapatili at mapaigtad ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang hapdi no'n!

"Pinapadugo ko lang to avoid infection. Wait, I'll just go get the first aid," saad niya. "Hold this!" tukoy niya sa pagkadiin sa daliring sugatan ko. Ginawa ko iyon.

Tumayo ito at nagmamadaling lumabas sa silid. Maybe, he'll get the first aid he's talking about.

And, seriously? He's supposed to treat me badly sana 'di ba? Pero... why on earth is he trying to heal my wound? 'Di ba dapat maging masaya pa itong nasugatan at nasaktan ako? That's what he always does, right? Hurting people and killing innocents.

Makaraan nga ng ilang minuto ay bumalik nga ito ay gaya ng sabi niya kanina. May dalang katamtamang laking kaha na may nakapintang plus doon. Iyon na siguro ang first aid kit na sinabi niya.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nag-umpisa naman nitong bendahan qng parteng iyon atsaka nilagyan ng kung anong gel. Medyo mahapdi iyon ng kunti pero matitiis pa naman hindi gaya sa alcohol na mapapasigaw ka talaga sa hapdi 'pag inilagay.

Napatingin lang ako kay Lord Anschutz habang ginagawa iyon. Seryoso lang ang mukha niya t sobrang pokus sa ginagawa. It puzzles me.

Why is he doing this? Why is he treating me like this? He shouldn't have to! He's ruthless! He should've not cared! He should've let me handle the pain alone!

But... he helped me.

"Done!" Binitawan na nito ang kamay ko. "Be careful next time. Don't be careless. Think before you act!"

As if he truly cares, right?

Seryoso akong napatitig sa kaniya, "W-why are you doing this? Why did you care about my wounds? Wala kang awa 'di ba? Hinayaan mi nalang sana ako. You don't even care if I die here, right?" Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon.

For pete's sake! I'm questioning the great and the ruthless Lord Anschutz!

Pero... naguguluhan din kasi ako sa naging asal nito niya. Kung kanina lang ay ang sama nito at pumapatay ng tao. Ngayon naman ay parang nag alala pa ito ng masugatan ako ang daliri ko.

He is so mysterious. I couldn't figure him out!

"Why?" He sighs deeply. "Do you want me to be ruthless to you, too? Gusto mo bang maging masama ako sayo? Is that what you want, huh? Avara?"

His voice is commanding and scary, making me want to shiver out in fear. Nakakatakot mas'yado!

With that answer I quickly shooked my head as an answer. The most obvious answer would be, No. I don't want him ruthless towards me at least.

Eto ba naman kasing tangang utak ko tinatanong pa ba naman ang munting pagmamagandang loob. Eh, para ko nalang ding hiniling na maging masama siya sa akin.

At least, he helped me..

At least, I'm still alive now.

That's the most important thing!

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon