CHAPTER 19

175 2 0
                                    

"Ilan po eto?" Tanong sabay turo ko sa petchay dito sa palengke.

"Pila imo ka petchay ani dae paliton?" Tanong ng bisayang ginang na nagtitinda ng mga gulay. Napamaang nalang ako habang sinasabi niya 'yon wala kasi akong maintindihan.

"Pasensya na po. Pero hindi kasi ako nakakaintindi ng bisaya. Laking manila po kasi ako..." Naging sagot ko nalang. Bibili sana ako ng gulay para lutuin namin mamaya pananghalian.

"Ayy hala! Sorry, miss! Ang ibig kong sabihin, Ilang petchay gusto mong bilhin? Mura lang bente lang kada-pakiti Hehe" Pagpaliwanag ng ginang sa akin.

"Dalawa lang po..." 'Tsaka binigay ko naman ang singkwenta kong pera.

Inilagay naman niya iyon sa cellophane bago ibinigay sa akin, "Eto na, miss."

"Salamat po!" Abot ko naman habang nakangiti sa kanya.

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng makalaya ako. At Diretso din kaming pumunta dito sa leyte ng kuya at ate ko. Dito kami pansamantalang magtatago. Gaya nga ng sabi ni kuya, malayo para malabong mahanap.

Sa palagay ko rin ay magiging alaala nalang ang mga pangyayaring naranasan ko. At siguro dapat ibaon ko na ang mga bagay na 'yon sa limot.

Nang makauwi naman ako ay nakita ko ang kuya ko na nagsisibak ng kahoy sa labas ng pansamantalang tinitirhan namin. Pawis na pawis siya at basang basa ang t-shirt na kulay puti na suot niya. Napansin ko rin ang unti-unting pangingitim ng balat niya dala na rin siguro sa sobrang init dito.

Nasa tabing dagat kasi ang pansamantalang tinutuluyan namin. Maliit lang na kubo at gawa sa kahoy. Maaliwalas naman ang lugar at mahangin pero yun nga lang sobrang init. Lalo na pag tanghaling tapat.

"Kuya, tumigil ka nga muna diyan. Anyare ba sa'yo? Nagpapalechon ka ba sa araw?"

Sa totoo lang para siyang timang. Pwede naman kasing mamayang hapon na tatapusin ang pagsisibak niya. Sa pagkakaalala ko may mga kahoy pa naman doon sa kubo.

"Tatapusin ko muna ito bunso... Kunti na lang kasi," sagot naman nito.

Unti-unti na ding bumalik ang dati, yung dati na kaming magkakapatid lang at nung hindi pa dumating si Vaughn. Napagkasundoan kasi naming hindi na banggitin pa ang mga masasamang pangyayaring napagdaanan namin. At sa madaling salita, ibinaon na namin sa limot ang mga bagay na 'yon. Dahil alam ko naman sa sarili ko na kahit kailan hindi na 'yon babalik pa. Kaya dapat ng kalimutan.

"Ewan ko sa'yo kuya... Bahala ka nga diyan sa buhay mo," naging sabi ko nalang sa kanya.

Nakaramdam na din kasi ako ng pagkahilo habang nakabilad sa init ng araw ngayon. Wala ba naman kasi akong dala payong at baka dahil na rin siguro sa hindi ako sanay na magbilad sa araw.

Iniwan ko siya sa bakuran at pumasok sa kubong pansamantalang tinitirhan namin. Pakiramdam ko kasi, hindi ko kayang magtagal sa araw.

Nakita ko naman doon ang ate ko sa masikip na kusina namin habang nagsasaing ng bigas. Pawis na pawis din ito habang nagpapaypay sa sinasaing niya. Kahoy kasi gamit namin pag magluluto kami dito at bato naman yung paglalagyan ng mga kaldero.

Mapapansin mo talagang kahit dalawang linggo na kami dito ay hindi parin siya sanay sa lugar, sa mga gawain. Hindi ko naman siya masisi, maging ako din. Bago sa amin ang buhay probinsya.

Ngunit walang choice kung hindi ang mag adapt nalang sa bagong lugar. Napansin ko din na unti-unti na ding naging tan pati ang balat ni ate kabaliktaran sa kutis niya nung nasa manila pa kami.

"Uy! Avara! Pakilagay nalang yang mga dala mo doon sa lamesa..." napatingin pa ito sa akin habang hindi parin tumitigil sa pagpapaypay. Kumakalat ang usok sa kubo at napapaubo din ito minsan.

Mafia Boss is ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon