"Young lady, umangkas na po kayo!" sabi ni ciara ng makaangkas na silang lahat sa bintana maliban sa akin.
Mabuti nalang talaga at merong bintana sa likod na s'yang ginamit namin para makatakas mula sa putukan sa labas. Nasa likod kasi nito ay gubat at tanging malaking pader lang ng mansyon ang nagsisilbing pangharang sa mansyon. Nalaman ko rin 'yon dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Lara na tungkol sa mansyon.
Ngunit akmang aangkas na sana ako sa may bintana nang may pumasok sa loob ng mansyon at pinaputokan ng baril ang gawi ko. Kaya imbis na umangkas sa bintana ay nagtago nalang ako sa pader malapit sa may pintuan.
Halong kaba at takot ang nararamdaman ko dahil baka marahil ito na ang magiging katapusan ko. Sa totoo lang kasi ay hindi pa ako handang mamatay. Marami pa akong gustong maranasan sa buhay at marami pa akong pangarap sa sarili. Kahit watak na watak na ang pagkatao ko at wala ng maipagmamalaki sa sarili. I still wan't to live and give my self time to heal.
"Young lady! Bumaba na po kayo!" Nahirapan akong marinig ang boses ni lara mula doon sa baba dahil sa ingay ng nagpapatutok sa gawi ko.
Tumutulo na ang mararaming pawis sa mukha ko lalo na nang maramdaman kong palapit ng palapit sila. Unti unti nang may namumuong luha sa mata ko.
Alam ko sa puntong ito... Na ito na ang magiging katapusan ko. Wala ng duda.. Wala na akong pag asa...
Ito na ba talaga? Matatapos na ba ang buhay ko?
WALA NA BANG PAG ASA PA?...
I kept on asking myself sa mga bagay na 'yon not knowing na palapit ng palapit na ang mga nagpapaputok sa akin.
"Young lady!" rinig ko muling boses doon sa ibaba. But my mind is crowded of fear that makes me lose my self and feel hopeless. My mind is void.
Nagising muli ang diwa ko nang biglang nabutas ang sementong bader na pinagtataguan ko.
No! No... I can't let it! I have to fight for my life hindi pwedeng wala akong gagawin...
Pinahid ko ang mga luha sa kamay ko 'tsaka inilibot ang paningin sa paligid. Wala talaga kahit ni isang bagay ang makakatulong sa akin ngayon.
All I feel right now is fear but hindi pwedeng wala lang akong gawin. I have to do something in order to survive. Hindi pwedeng magtulala lang. Sa buhay kailangan may gawin para makapag isip ng tama.
Nang ilang pulgada nalang ang kulang ay makikita na nila ako ay mabilis akong tumakbo sa bintana at umangkas doon. Maswerti na siguro dahil hindi ako natamaan sa mga balang humahabol sa akin.
Bumagsak naman ako sa lupa at nasaktan ang kanang binti ko. Dahil kasi sa pwersa nang pagkabagsak ko ay natapilok ang isang binti ko. Sobrang sakit nun pero pinilit ko paring paika-ikang tumakbo.
Nang mapatingin ako sa paligid ay wala na sila lara. Mabuti naman... Atleast nakatakas na sila dito at may malaking posibilidad na ligtas sila.
Sobrang sakit na talaga ng binti ko at pilit ko paring mas binilisan ang pagtatakbo. Umangkas na din kasi sila sa bintana at hinahanap ako. Iyak lang ako ng iyak at paika-ikang tumakbo sa gubat.
Ramdam ko na din ang kalaban na pilit akong hinuhuli. Wala naman ang pakay nila dito na alam kung si Vaughn 'yon. Hindi din naman kasi maitatanggi na marami talaga siyang kaaway. Sa estado ba naman ng buhay niya.
Ngunit sa kasamaang palad habang paika-ika akong tumatakbo ay natapilok ako sa maliit na kahoy dito sa gubat dahilan para matumba na naman ako. Sobrang sakit ba naman kasi ng binti at hindi ko na kayang tumakbo ng normal.
Napahawak ako sa lupa at napakagat labi sa sakit. Ewan ko ba! Hindi ko naman hiniling na maging ganito ang buhay ko.
"Nandito lang pala siya!" Sabi ng lalaki sa likod ko. Dalawa sila at hingal hingal na tumigil sa kinadapaan ko. Nakasuot sila ng itim na suit at akalain mo'y mga business man ngunit mamatay tao pala.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss is Obsessed
Художественная прозаWhen someone is obsessed to you?.... What will you do? **** MAFIA BOSS SERIES #1 R-18