SPG
Nelson's Point of View
Nakaupo ngayon ang isa kong kapatid na si Stephen sa lamesa habang umiiyak. Hindi ko alam paano ito nakatakas pero alam kong hindi biro ang mga pinagdadaanan niya. At dahil lang lahat ng mga iyon sa walang kwenta at gago nilang kapatid.
"Kuya..." bumasag na naman ang boses niya "Si Avara... ayaw nilang pakawalan... Ilang beses na akong nagmamakaawa sa kanila pero ayaw nilang patakasin si Avara dahil 'yon daw ang utos ng lider nila... hindi ko alam bakit kami kinidnap ni Avara Kuya..." napahikbi niyang sabi.
Parang punyal na tumatagos sa dibdib ko ang bawat salitang binibitawan ng kapatid. Na halos hindi ko nga kayang pakinggan sa sakit at guilt na nararamdaman ko para sa sarili. Ako mismo ang naglagay sa kanilang dalawa sa panganib. I should be the one to protect them. Ngunit, ano itong mga pinaggagawa ko.
Aaminin ko, oasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako sumali sa mafia na 'yon ay hindi na sana ito nangyari pa. Pero..hindi sumali? Pano ko bubuhayin ang mga kapatid ko kung hindi dahil do'n. Kahit illegal ang pagsali ko sa mafia ni Lord Anschutz ay may magandang dulot parin naman ito. Dahil do'n natustosan ko ang pangangailangan ng dalawang kapatid at naging maginhawa ang buhay namin. Pero ngayon... unti unti nang bumalik sa akin ang mga masamang ginagawa ko.
Is this karma?
"Narinig ko din sa mga tauhan Kuya na pinapahirapan daw nila si Avara atsaka may narinig din daw silang putok ng baril doon sa pinaglalagyan ni Avara..." nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko habang nakikinig kay Stephen.
Ang bunso namin! Baka pinatay na siya ni Lord Anschutz. Ito na ba ang kabayaran sa mga ginagawa ko noon, sa mga taong pinatay ko rin. Hindi ko mapapatawad ang mismong sarili kung sakali mang mangyari iyon.
Pero sa kabila ng lahat, nanalig parin ako na hindi pa sinasakyan ni Lord anschutz ang bunso namin dahil alam kong gagamitin niyang pain si Avara para magpakita ako sa kanya.
Ngunit, kung magpapakita naman ako sa kanya para mapakawalan niya ang kapatid ko, walang pagdadalawang isip na agagawin ko 'yon. Ngunit, hindi din naman ako tangang nasisigurado ang kaligtasan ng mga kapatid ko kung sakali mang tuluyang mawala ako.
Baka ano ang gagawin niya sa mga kapatid ko. Kilalang kilala ko pa naman si Lord Anschutz at nasaksihan ko kung gaano ito kasama. Wala itong sinasanto: inosente, may sala o ano pa. Basta gusto ka niyang patayin, hindi siya magdadalawang isip na gawin 'yon. He was a devil. At ang nararapat sa kaniya ay ag manirahan sa impiyerno kasama si Satanas.
Kaya dapat pag-isipan ko ang bawat hakbang na gagawin. Hindi basta-basta ang kalaban ko. Pero... wala akong ibang mapagpipilian. Hindi ko naman hahayaan si Avara na mapapasakamay ni Lord Anschutz.
I would do everything to get her even if it cost my own life. Dibale nalang ako, 'wag lang ang mga kapatid ko!
"Bakit nila ginawa 'yon Kuya? At bakit ikaw ang hinahanap nila? May nagawa ka bang malaking kasalanan kaya kami ang pinagbabayad nila?" natigilan ako sa tanong ni Stephen. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Panahon narin siguro para malaman niya ang katotohanan. I've been keeping this secret for a long period of time already. At least, my sister has to know what exactly is going on.
"S-sorry talaga Stephen...." bumasag ang boses ko. Matagal ko na talaga itong gustong sabihin sa kanilang dalawa ni Avara pero natatakot lang talaga ako. Baka mag-iba ang tingin nila sa akin.
"B-bakit Kuya? T-totoo bang may nagawa ka sa kanila kaya nila dinukot kaming dalawa ni Avara?"
Napatango ako. Kita kong natigilan si Stephen sa naging tugon ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss is Obsessed
Fiction généraleWhen someone is obsessed to you?.... What will you do? **** MAFIA BOSS SERIES #1 R-18