Matapos akong iwan ni Lord Anschutz sa kwarto kagabi ay hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko naman ay wala na ang tray at 'yong basag na piraso kagabi. Siguro baka may inutusan siya na kunin iyon habag tulog ako.
Nakakapanibago lang talaga na hindi na 'yong kwarto ko ang bumubungad sa akin tuwing gumigising ako mula sa pagkatulog. Kahit pa sabihin nating hindi naman kagandahan ang kwarto ko ay iba parin talaga sa pakiramdam na gumising ka sa paligid na kinasasanayan mo.
Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang mapagtantong hindi pala ako nag iisa sa kwartong ito. May katabi pala ako na ngayon ay mahimbing na natutulog. At ang masama pa ay nakayakap pala ito sa akin nang mahigpit na para bang ayaw ako nitong bitawan.
Kaya dahan dahan ko namang inalis ang kamay nito sa katawan ko ngunit gumalaw lang ito atsaka hinawakan nang mas mahigpit pa ang katawan ko.
"Maaga pa babe... Hmmmm..." malambing ang tinig nito.
Bumalik pala ito kagabi. At kung bakit ba ito tumabi sa akin? Malaking palaisipan ito sa akin.
"Babangon na po ako Lord Anschutz..." sabi ko. Hindi din kasi ako kumportableng katabi siya sa pagtulog ngayon.
"No!" maikiling sagot naman nito kaya wala nalang akong nagawa kundi hayaan nalang siya sa ginagawa niya. Alangan namang magproprotesta pa ako kung ang kalalabasan lang naman non ay siya parin naman ang mananaig. Atsaka takot ako sa kaniya. Kung may isang bagay mang hindi ko gagawin iyon ay ang suwayin siya.
Kaya kahit labag sa loob ko ay hindi nalang ako gumalaw at hinayaan nalang ito sa paghawak sa akin. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko napansin na lumawag na ang paghawak niya at unti-unti na itong bumangon, ako rin.
"Good morning!" masiglang bati niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.
Bahala siya! Hindi ko alam paano siya maka-akto ng normal sa kabila ng mga ginawa niya sa akin.
Hindi ko pa nakakalimutan ang nagawa niyang pagkidnap sa'kin. At kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay masama parin siyang tao.
"Get ready, aalis tayo ngayon.." hindi ko na nga alam kong saan parte ng pilipinas ako ngayon nakalagay, aalis na naman.
Haissttt!!
"Ang ate ko... Gusto ko siyang makita..." suhestiyon ko.
Baka ano na ang ginawa nila sa ate ko? Mapapatay ko talaga itong lalaking nasa harapan ko ngayon pag may nangyaring masama kay ate. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali mang magyari iyon.
"She's not here anymore——"
"Ano?" putol ko sa sinasabi niya "Saan niyo dinala ang ate ko? Grabe na talaga kayo! Wala kayong awa.." I started to be hysterical.
"Hey, calm down---"
"Ano? Paano ako kakalma kung kinidnap niyo kami ng ate ko? Subukan mo kayang ilagay ang lugar mo sa pakiramdam namin! Palibhasa kasi wala kang pakialam kung ano ang mga nararamdaman namin! You are too ruthless!"
"Will you just fucking shut up!" he cusses. His jaw clenced too that send shivers through my spine. "I don't care about your feelings. Wala akong pakialam diyan sa nararamdaman mo. I only care with what I felt! Your lucky I feel fucking please with you dahil kung hindi lang talaga...." He paused a little. "Who knows saang lupalop kana nakalibing ngayon. You are so fucking lucky Avara... Fucking lucky!" naghakbang siya paalis sa akin. Pero nang malapit na siya sa pinto ay napalingon siya.
"And about your fucking sister. Wala na siya dito dahil pinatakas ko na siya... Now happy?" tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago nito binuksan ang pinto at umalis sa kwartong ito.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss is Obsessed
General FictionWhen someone is obsessed to you?.... What will you do? **** MAFIA BOSS SERIES #1 R-18