Amirah pov
Nagising ako dahil may narinig akong sigaw. Pagmulat ko ay nakita ko si Theron na Galit na galit.
"Theron andito kana pala. Kanina pa kita hinihintay saan ka ba nang galing." Tanong ko.
" Ano bang pakiaalam mo. Did I tell you to wait for me?! Di ba wala naman." Galit niyang sabi.
" Kumain ka na ba?pag-iiba ko sa usapan.
"Halika ka na sabay na tayong kakain. Hintayin talaga kita para sabay tayong kumain." Aya ko sakanya."Pwede ba wag mo akong pakialaman and I don't need you." Mga katagang sinambit niya na nagpaulit-ulit pumasok saaking isipan. Kunti nalang talaga Theron mauubos na aking pasensya.
" Busog pa ako at hindi ko kailangan niyang mga niluto dahil mas masarap ang nakain ko kanina." Nakangisi niyang sabi.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin kaya hindi ako nakasagot. Binalot naman ako ng kakaibang pakiramdam na parang tumutulak saaking luha na lumabas.
Pinilit kong pigilan ito.
" Bukas pala may family dinner tayo, umuwi sina mommy Kaya umayos ka." May diin niyang sabi bago ako talikuran.
Napaiyak nalang ako sa hangin. Tumuloy ako sa kusina upang kumain ng mga pagkaing inihanda ko pakatapos ko ay pumunta na ako sa kwarto upang matulog.
_____________________
Nagising nalamang ako dahil sa kalabog na narinig ko.Dali-dali akong bumaba at nakita ko si Theron na sumisigaw habang may kausap sa telepono.
" Bakit bumalik ka pa ha? Mas mabuti nga na huwag ka ng magpakita pa masyado kang pabida." Galit na sabi niya sa kabilang linya.
Hindi ko na siya pinansin dahil ayaw naman niyang pinakikialaman siya.
Maghapon lang akong nagkulong saaking kwarto dahil kahit ngayong raw lang ayoko munang makatanggap ng mga masasakit na salita. Lumipas ang mga oras at isang oras nalang bago Ang family dinner namin. Kaya naghanda na ako.
Nagsuot lang ako ng simpleng white dress na hanggang tuhod at pinaresan ng 2 inch na heels.
Pagkababa ko ay nakita ko na si Theron na nakabihis na at mukhang ako nalang ang hinihintay.
Nang makita niya ako ay nagpauna na siyang lumabas at dumiretso sa kanyang kotse.
Wala namn akong naging choice at sumunod nalang sa kanya at sumakay sa back seat ng kanyang kotse dahil ayaw niya akong katabi.
" Ipapaalala ko lang Amirah na huwag na huwag mo akong ilaglag kila daddy at mommy. Umakto ka ng normal. Naintindihan mo?" Galit niyang sabi.
" Oo naintindihan ko." Mahina kong sabi.
Pinaharurot niya ng mabilis Ang kanyang sasakyan. Halos Isang oras din kami bago makaabot sa kanilang mansyon.
" Tandaan mo ang mga sinabi ko, ayusin mo Ang sarili mo kung hindi lagot ka talaga saakin." Sabi niya bago bumaba sa kotse.
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod sakanya.
Nakita ko siya sa labas ng pintuan. Bakit hindi pa siya pumapasok, nangmakalapit ako ay bigla siyang nagsalita.
" Why you take so long?." Irita niyang sabi.
"Sorry may inayos lang." Sabi ko.
Siya ang nagdoorbell at kasabay non ang paghapit niya ng aking bewang Kaya napatingin ako sakanya.
" Don't assumed something" sabi niya. Sabi na pakitang-tao niya lang ito.
Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito. Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad saamin. 'Sino kaya ito.'
BINABASA MO ANG
HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)
RomanceAmirah Louise Buenaventura, 24 years old. She is a loving and caring wife. Wala siyang pake kung hindi siya kayang mahalin nito pabalik basta ang alam lang niya ay mahal niya ito. She don't know how to fight for herself and fight for her rights. She...