Chapter 8

2.6K 64 0
                                    


Amirah POV:

Nagising ako dahil sa mainit na sinag ng araw na dumapo saaking mukha. Gumalaw- galaw ako upang iinat ang masakit kong katawan. Nagulat ako ng may naramdaman akong kung ano na nakapulupot saaking bewang. Bigla kong minulat ang aking mata at laking gulat ko dahil wala ako saaking kwarto at hindi ako nagkakamali si Theron ang nasa tabi ko.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi, bigla naman lumaki ang aking mata ng mapagtanto ang mga nangyari. Pareho kaming wala pang saplot. Nataranta ako dahil alam kong magagalit siya pag nakita ako sa tabi niya.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya.

"Mmm." Ung*l niya. Ibig sabihin kahit anong aras at magigising na siya. Lagot...

Binilisan ko naman ang pagkilos hanggang sa matagumpay Kong natanggal ang kanyang kamay. Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik sa kama at pinulupot ang kanyang bisig saaking bewang.

" Just stay for a minute." Pikit-mata niyang sabi.

"Theron... Baba na ako." Mahinang sabi ko.

Ngunit mas hinigpitan lang niya ang yakap saakin at isiniksik ang kanyang ulo saaking leeg.

Napasinghap naman ako dahil sa ginawa niya. Nakaramdam naman ako ng hiya ng maalala na wala pa pala akong kahit anong damit.

Tumagal kami ng ilang minuto sa ganong posisyon hanggang sa tumayo siya at pumuntang cr.

Naiwan akong mag-isa sa higaan kaya napagpasyahan ko nang umalis at pulutin Ang mga nagkalat kong damit at tumungo sa aking kwarto.

Pakababa ko ay nagtungo ako sa kusina upang magluto ng agahan. Habang nagluluto ako ay may biglang yumakap saakin sa likuran. Nagulat naman ako dahil napakalamig ng katawan niya; galing palang siyang maligo at naaamoy ko ang natural niyang amoy.

"Mmmm....  What's that?." Tanong niya habang nakayakap pa Rin saakin.

"Ah-mm Me-nudo." Utal kong sabi dahil naiilang ako sakanya.

Hindi ako sanay na ganito ang kinikilos niya. At hindi ko alam kung bakit  ganito niya nalang akong tratuhin ngayon.

Sabay kaming kumain at kita ko ang mga saya sa kanyang mata. 'Nagkakamali ka lang Amirah' pag-uusap ko saaking sarili.

pakatapos naming kumain at pakatapos kong maghugas pumunta ako sa sala. Nadatnan ko dun si Theron na nakaupo deretsong nakatitig saakin.

Kumunot ang aking noo.Nagtaka naman ako dahil dapat kanina pa siya nakamalis.

Nang mapansin niya ng reaksiyon ko ay agad siyang nagsalita.

" Why?" Natatawa niyang sabi.

"Ha?" Nagulat ako dahil sa inakto niya.

"Why are you looking me like that." Ulit niya habang nakangiti.

Nagtaka naman ako dahil palagi siyang nakasimangot o di kaya'y galit minsan ko lang siyang makitang tumawa. Siguro last time ko siyang nakitang tumawa ay noong kausap niya sa cellphone si Kara.

"Ah... Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ko.

Bigla namang nagbago Ang kanyang ekspresyon.

"Why? Papapuntahin mo ba dito ang bw*set na Tyron na yon?" Seryoso at medyo inis niyang sabi.

"No, hindi ganyan ang ibig kong sabihin, diba may trabaho ka baka malate ka na." Natatakot  at natataranta kong sabi.

Bigla namn siyang ngumiti.
"Just kidding." Bigla niyang sabi.

Nakahinga namn ako ng maluwag.

"Come here." Utos niya saakin.

Lumapit naman ako at uupo na sana sa kabilang sofa ng higitin niya ako at pinaupo sa hita niya. Nakailang ang sitwasyon namin ngayon.

"Ahh.. Theron doon nalang ako." Turo ko sa may sofang bakante.

"No, just stay here." Sabi niya habang yakap ang aking bewang. Abo ba Theron wag kang ganiyan.

"I love you." Bulong niya saaking tenga.

'I love you.'
'I love you.'
'I love you.'

Mga linyang nagpatigil saakin at nagpabilis ng tibok ng aking puso; at mga linyang paulit-ulit na pumasok saaking isipan. Mahal niya ako!...Hindi ko maunawan ang aking nararamdaman ngayon; maiiyak ba o matutuwa.Basta ang alam ko masaya ako dahil alam kong mahal niya na ako.
________________
Lumipas ang mga araw naging sweet siya saakin at pinaramdam ang kanyang pagmamahal. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerte na babae; pero akala ko lang pala yon...
_________

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon