Theron POV:
Nang makaalis sila Hindi ko maintindihan kung bat ganito ang naramdaman.
Ang galit na nararamdaman ko kay kuya at Amirah ay mas lalong dumoble.
Galit na galit ako ngayon sa kanilang dalawa. Magsama sila.tsk. Mga walang kwenta.
Kumuha ako ng alak at ref at uminom ng uminom. Para akong baliw na nagpapakalasing dahil sa hindi malamang dahilan.
Lumipas ang mga oras ngunit wala pa rin si Amirah. Asan na kaya yun, malalagot talaga siya saakin pag-uwi. Patuloy parin ako sa pag-inom, lasing lasing na ako.
May narinig akong busina ng kotse kaya lumabas ako. Hindi ako nakakamali it was Amirah and Tyron hugging each other. Bigla namn kung may anong pumutok saaking sarili na nalabas ng sobrang galit. Ngayon ay galit na dalit ako habang pinagmamasdan sila.
Amirah POV:
Maghapon kaming namasyal ni Tyron. Aaminin ko na ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya. Magaan din ang loob ko sakanya na parang matagal na kaming magkakilala.
Lumipas ang mga oras at di ko namalayan na gabi na pala.
Hinatid naman ako ni Tyron sa bahay dahil nag-aya na akong umuwi baka hinahanap na ako ni Theron.
" Thank you Tyron, sobra talagang akong nag-enjoy." Nakangiti kong pasasalamat sakanya.
" You're welcome, just call me pag free ka punta naman tayo sa mall, ipagshoshopping kita." Nakangiti niyang sabi.
"Kahit wag na hahahh.. pero tatawagan kita pag wala akong ginagawa...Thank you ulit." Nakangiti kong sabi.
" You're always welcome mi amor..." Pahina niyang sabi kaya hindi ko na narining ang huli niyang sinabi.
Translation: mi amor (my love)
Nagpaalam ako na kay Tyron at hinintay munang makaalis ang kanyang sasakyan bago ako pumasok sa gate.
Madilim ang parte dito dahil medyo malayo yung gate sa mansyon.
Pakapasok ko ay may natanaw ako na pigura ng isang lalaki na nakatingin saakin alam kong si Theron ito. Nakaramdam naman ako ng kaba habang papalapit sa kanya.
"Where have you been?!" Malakas at galit niyang sigaw.
"Sa kaibigan ko, namasyal lang kami." Kinakabahan kong sagot .
Naamoy ko ang alak sa kanya, Kaya sigurado akong lasing siya.
"Theron lasing ka? Bakit ka ba nagpakalasing?" Nag-aalala Kong tanong ko sakanya at akmang lalapit ng sumigaw nanaman siya.
" Ano bang pakiaalam mo. At sinong nagsabi sayong pwede kang sumama ka sa ibang lalaki?! Huh?!" Galit niyang sigaw.
"Nagpaalam namn ako diba." Naiiyak ko na sabi.
" Ang sabihin mo napakal*ndi mo." Napantig naman ang tenga ko kaya napaharap ako sakanya.
"Anong sinabi mo? Ako pa ang mal*ndi? Eh ikaw nga itong may karelasyon na iba samantalang may asawa ka na."Lakas loob sagot habang tumutulo ang aking mga luha.
Napahinto naman siya.
" Alam mo ba kung gaano kasakit saaking makita ang minamahal ko na masaya sa piling ng iba? Huh?" Umiiyak na sambit.
"At yung pag file mo ng annulment sa kasal natin, akala mo ba madali lang saakin yun. Pilit kong tinatago ang aking tunay na nararamdaman dahil alam kong wala ka namang pakiaalam." Garalgal Kong sabi.
Hindi naman siya nakasagot.
Oo, tama nag file na siya ng annulment ngunit hindi ko pinirmahan kasi hindi ko kaya.
Nung isang araw lang niya binigay saakin. Hindi ko matanggap na kahit dalawang taon na kami nagsasama ay wala pa rin pagbabago sa pagtingin niya saakin. Siguro nga, hindi talaga niya ako kayang mahalin at kailangan ko din tanggapin ang katotohan.
BINABASA MO ANG
HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)
Storie d'amoreAmirah Louise Buenaventura, 24 years old. She is a loving and caring wife. Wala siyang pake kung hindi siya kayang mahalin nito pabalik basta ang alam lang niya ay mahal niya ito. She don't know how to fight for herself and fight for her rights. She...