Epilogue

3.8K 78 3
                                    

Amirah POV

"Hey! Maghinay-hinay nga kayo!" Saway ko kay Win hinahabol kasi niya si Wane his twins. 6 years-old na sila at parehong makukulit!

"Hey stop chasing me! Ipakita ko talaga to kay ate!" Sigaw ni Win sa kakambal niya.

"Try it Win!" Pagbabanta nito kay Win. May hawak-hawak na papel si Win at pilit na inilalayo ito kay Wane.

"Hey stop! What is that?" Saway ko sa kanila at lumapit kay Win.

"Give me that!" Turo ko sa papel na hawak niya pero agad din siyang umiling.

"No mom! Magagalit si Ate!" Sabi niya kaya na-curious naman ako.

"Isa!" Pabibilang ko sakanya.

"Dal-"

"What is it hon?" Sulpot ni Theron. Galing pa lang siyang opisina at naka-suit pa.

"Hey what is that Win?" Tanong nito sa anak niya.

"It's just.. it just nothing Dad!" Kunwaring ngiti nito at tumingin sa kakambal niya.

"Give me that!" Maawtoridad na sabi ni Theron kaya natinag Ang anak niya.

"Hoy!" Saway ko dito pero hindi nagpatinag.. Loko talaga..

Unti-unti namang binigay ni Win ang papel Kay Theron. Binuksan niya ito at agad napakunot ang noo niya.

"Anong laman?" Taka kong tanong.

"It's a love letter?!" Sabi niya at ibinigay saakin ang maliit na papel.

"Saan niyo to nakuha?" Taka kong tanong. Wala naman nakalagay kung para kanino.

"Ah in Ate's room!" Kamot-batok niyang sagot.."Si Wane po yung kumuha!" At itinuro Ang kakambal niya.

"Lagot ka!!" Mahinang pananakot nito kay Wane.

Napailing nalang ako dahil sa dalawa. Si Theron naman ay dumiretso sa kwarto upang maligo.

Umupo muna ako sa sala upang basahin yung love letter na nakuha nila sa kwarto ni Sola.

Love letter pa ba to? Takang tanong ko dahil sa laman nito. Mukhang puro lang pang-aasar ang laman nito pero napangiti pa din ako.

Mukhang nag-kakamabutihan na sila ha! Mabuti naman dahil doon naman talaga sila papunta.

"Good afternoon mommy!" Eto na pala siya.

"Ano to?" Nakangising tanong ko sakanya habang itinaas ko ang papel.

"Ah yan galing po yan sa lintek na Limuel na yon!" Inis niyang sabi habang inilapag ang gamit niya sa sofa.

"Watch your words young lady!" Napabaling naman ako Kay Theron na galing palang maligo.

"Sorry daddy! Pero Dad ayaw ko po don!" Reklamo niya.

"We already talked about this Sola!" Maikling sabi nito bago umupo sa tabi ko.

"Ay ano ba yan!" Mahinang bulong niya. Napangiti din ako ganito din kami noon hehe.. Ang pagkakaiba lang ay agad akong nagkagusto Kay Theron samantalang siya ay ayaw niya haha.. pero alam kong matutunan din niyang mahalin ito, masyado pa silang bata kaya alam kong dating din ang araw na iyon.

"Good afternoon Dad! Mom!" Isang baritong boses kaya agad akong napangiti. Ang gwapo talaga nitong anak ko! Binata na!

"Hey sweetie!" Bati ko dito at agad akong tumayo upang salubungin siya ng yakap at halik hehe..

Nasa college na siya at Engineering ang course na kinukuha niya.

Agad akong napangiti dahil sa itsura niya ayaw niya kasing bini-baby siya haha..

"Ehem!" Tikhim ng nasa likod ko kaya agad akong bumaling sakanya.

"How's school?" Pormal nitong tanong. Saaming dalawa siya ang  masyadong istrikto, kaya kung ako ang anak nito matatakot na ako!

"It's fine Dad!" Sagot nito at umupo sa sofa katabi ni Sola na busy sa pangangalikot ng cellphone niya.

Tumango naman si Theron at nag-usap pa sila about school matters.

"Mommy!" Sigaw ni Win.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" Takang tanong ko pawisan nanaman ito.

"Si Wane Kasi!" Pagsusumbong niya.

"Kuya!" Napabaling ako kay Wane. Gaya ni Win ay pawis na pawis din ito. Jusko miyo nga anak anong mga pinag-gagawa niyo!

Agad itong lumapit Kay Walker at kumandong dito. Sa kanilang dalawa ay si Wane ang mas ka-close ni Walker, pareho Kasi sila ng ugali! Mga masyadong seryoso! Sino nga bang pagmamanahan psh!

"Hey!" Bati nito kay Wane. Tapos na din silang mag-usap ni Theron at pumunta munang kusina upang magkape.

"Ate!" Sigaw ni Win kay Sola na nakatutok ang atensyon sa kanyang cellphone. Agad naman itong napatingin Kay Win.

"Ano yun bubwit?" Malakas nitong tanong kay win.

"Ate si Wane ano.." Hindi na nito natuloy ang sinasabi ng biglang sumingit sa usapan si Wane.

"Shut up!" Inis nitong sabi.

Si Win naman ang palaging kakampi si Sola.. hay naku kapag yan ang dalawang nagsama wag munang asahan na mabibigyan ka ng katahimikan!

Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang mga bangayan. Lumapit din si Win sa katabi ni Sola at may ibinulong dito.

Agad namang napalaki ang mata nito at inis na tumingin Kay Wane! Gaya ng inaasahan ipinagtatanggol na naman ito ng Kuya niya. Kaya Ang nagiging resulta ay silang dalawa ang nag-aaway!

"Gusto mo bang dagdagan pa sila?" Nakangising tanong ni Theron bago umupo sa tabi at ipalibot ang kanyang bisig saaking bewang at haplusin ang aking tiyan.

"Tumahimik ka nga Theron Hindi pa nga lumalabas itong nasa sinapupunan ko gusto mo nanamang dagdagan!" Singhal ko dito. Yeah tama kayo buntis nanaman ako sa panglima naming anak! I'm four months pregnant now, hindi pa naman kaano kalaki ang umbok ng aking tiyan pero halata na rin kahit papano.

"Just kidding hehe!" Sambit nito bago ipatong ang kanyang ulo saaking balikat. "I want a baby girl.." Sabi nito habang nakatingin saaking tiyan. "Puro nalang kasi mukha ko ang nakikita ko!" Mahinang sabi nito kaya napatawa ako. Lahat kasi ng anak kong lalaki ay kahawig niya lalo na si Walker! Minsan nga napapagkamalang si Theron dahil halos magkasing-taas na silang dalawa. Mas bata lang kasong tingan haha.. Ang dalawa naman ay Ang mini version niya..

Masaya ko silang pinagmamasdan. Kala ko dati ko mararanasan ang buo at masayang pamilya. I am thankful that I have him, Theron.. dahil sakanya nalaman ko ang totoong pagmamahal, kahit sabihin man nating sa una ay walang pagmamahalang namagitan saamin or should I say I sided love.. ako lang naman yung nagmahal saamin.. NOON. Pero yon ay isa lamang paraan upang sukatin kung saan kami aabot at kung sino ang susuko!

I am Amirah Louise Beunaventura Berlusconi and this is my story! 

It's okay to be blinded by the love as long as you LOVE him.. do everything as long as you CAN, but don't depend yourself to him,  dahil sa huli ikaw rin talo!--Amirah

..
Hello! Sa wakas natapos din. Thank you for all your support from the beginning of journey of our characters. Thank you Po ng marami!! At sa mga readers pong nagsubaybay at sumuporta hanggang sa matapos ko itong pinaka-una kong kwento<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon