Chapter 16

2.7K 62 0
                                    

Amirah POV:
Napalingon ako. Nakita ko ang Isang bata na nakadapa Kaya tinulungan ko itong tumayo.

Medyo nakayuko ako kaya medyo hindi makita ang mukha ko.

"Are you okay." Sabi ng isang babae habang papalapit saamin.

"Hey! I said be careful." Isang baritong boses ng lalaki. Kaya napaangat ako ng tingin. Hindi ako pwedeng  magkamali...

Theron...

Nagulat ako ng makita siya, hindi ko naman akalain na ganito kabilis ang pagkikita namin. Ganun din siya. Nagulat habang nakatitig saakin.

"Amirah..." Mahinang sabi niyang sabi habang titig na titig saakin.

"Hey!" Tawag sakanya ni Kara.

Ngunit hindi niya ito nilingon. Nanatili siyang nakatitig saakin at para bang hindi alam ang sasabihin.

"Ahhmm"

Nasabi ko ng akmang lalapit siya. Hindi ko alam ang binabalak niya kaya napaatras ako. Kinakabahan ako.

"Hon" tawag saakin ni Tyron kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Napako sa kinatatayuan si Theron at tinitingnan kung saan siya lalapit.

Nang makalapit saakin si Tyron ay agad nitong hinapit ang aking bewang. Napasinghap dahil sa ginawa niya. Hindi naman ito bago pero iba ngayon. Nailang naman ako dahil sa kakaibang tingin ni Theron.

"Oh hi brother." Nakangiti niyang bati Kay Theron ngunit tiningnan lang siya nito ng masama. Nakatingin siya Kay Theron ng mabaling ang tingin niya kay Kara na parang nakatulala habang nakatingin sakanya.

Nagulat ako dahil sa inasta niya halos pareho lang sila ng reaksiyon. Wait magkakilala ba sila?

"Mommy." Tawag ng Isang bata na halos kasing edad lang niya Walker.

Kaya nabaling sakanya ang atensyon namin ni Tyron.

'Parang nakita ko na itong bata.' saad ko saaking isipan.

Napatingin ako kay Tyron at titig na titig din siya sa bata. Wait parang ano...

Tyron POV:

Nakatitig ako sa bata na tinawag na mommy itong kaharap kong babae. Hindi ko nagkakamali siya yun...

Kinabahan ako. Hindi pwedeee...

'Alam kong may alam siya.' pagtukoy ko dito sa babae.

"Daddy" napalihis ang tingin saakin ng bata at pumunta kay Theron.

What? Siya ang asawa nito?
Hindi ko alam ang tungkol sa buhay ni Theron. At wala akong pakialam dahil bata palang kami ay may galit na talaga siya saakin. Hindi ko alam kung bakit pero kung umasta siya pagkausap niya ako ay parang siya ang mas matanda.

Malakas talaga ng kutob ko na baka ako ang ano... dahil 6 years ago bago ko sundan si Amirah sa California ay palagi akong nasa bar at  may nakaone night stand akong babae. Hindi ko naman yun ginusto, sadyang parang may naglagay  ng drugs sa inumin ko para humantong kami sa ganon.

Hindi ko alam ang pangalan niya dahil pagkagising ko ay wala na siya. Pero ang mukha niya...yun lang ang naalala ko.

Malakas ang tibok ng puso habang nakatingin sa kanilang mag-ina. Hindi maipagkakaila na may hawig saakin ang bata. Now I'm dead. Paano ako lalabas dito??

"Hey! Are you okay?" Tapik saakin ni Amirah.

"Ahh y-es." Sagot ko. Napatingin din ako kay Theron nakatingin din siya saakin at parang inoobserbahan ang mga galaw ko.

"Hey guys!" Boses ni mommy Kaya napatingin kami sakanya. Nakahinga ako ng maluwag. Dahil kanina ay parang ang bigat ng atmosphere sa pagitan naming apat.
*

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon