Amirah POV:
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang binabaybay ang daan. Ang sakit ang sakit-sakit.
Nagulat ako ng may biglang humila saakin papasok sa isang kwarto. Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.
"Si-no ka..' takot kong sabi.
Hindi ito sumagot at kinaladkad akong papuntang kama.
"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko. Pina-upo niya ako at biglang bumukas ang ilaw.
"Theron--"
"Mag-usap tayo" Malumanay niyang sabi. Ano pang dapat pag-usapan? Matagal na kaming tapos.
"Pag-usapan? May dapat ba tayong pag-usapan?" Balik ko sa kanya.
"Amirah..." Mahina niyang sabi. Bakas ang pangungulila sa kanyang mga mata ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
"Aalis na ako." Sabi ko at agad na tumalikod nakakailang hakbang palang ako ng may pumulupot ng bisig saaking bewang.
"Theron ano ba! Bitawan mo ako!" Piglas ko mula sa kanyang pagkakayakap ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.
"Ano ba!" Sigaw ko.
"I'm sorry!" Sabi niya at unti-unting niluwagan ang pagkayakap saakin.
"I have to go." Yung nalang ang mga salitang lumabas saaking bibig para takasan ang mga posibleng mangyari kapag nagtagal pa ako dito.
"Amirah, please,we need to talk about us." He said. Unti nalang mababasag na ang kanyang boses.
"Us? May tayo ba?" Inis na sabi ko, bakit parang lumalabas ngayon na siya ang mas nasaktan saaming dalawa. "Di ba wala, kaya wala tayong pag-uusapan." Bakas naman ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Siguro hindi niya akalain na magiging ganito ako.
"Amirah, please... bakit mo ako iniwan, I've think you love but you choose to leave. Ilang taon mo akong tinaguan."
"Anong bang sinasabi mo? Ako ang nang-iwan? Naririnig mo bayang sinasabi mo?" Umiiyak kong sabi. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya parang bumabalik din ang sakit na naidulot niya saakin.
"No, hindi--"
"Di ba iyon ang gusto mo? Ang umalis ako at mawala sa buhay mo. Alam kong naging masaya ka nung umalis ako kaya wag ka ngayong umasta pa ikaw pa ang naagrabyado." Mahaba kong linyahan.
"Amirah... pinagsisihan ko na yon, hindi ko alam ang ginagawa ko noon."
"Ano ka bata, para hindi mo malaman ang ginagawa mo noon. Theron sinaktan mo ako" sabay duro ko saaking dibdib.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang idinulot mo saakin. Pinagmukha mo akong tanga, niloko mo ako."
"Please pakinggan mo ako." Pagmamakaawa niya ngunit umiling lang ako. Ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan niya.
" tangina naman Amirah pakinggan mo una ako." Galit na sigaw niya. Napahinto naman ako.
"Aaminin kong hindi talaga kita minahal-"
"Hindi mo naman talaga ako minahal ehh kaya nga mas pi-" umiiyak kong putol sa kanya.
"Ayan ka nanaman pwede ba patapusin mo muna ako." Natikom ko naman ang bibig ko. Siguro Hindi naman masamang pakinggan ko siya, kahit ngayon lang.
" Akala ko hindi kita minahal noon, ngunit nagkamali ako simula ng umalis ka doon ko lang narealize kung gaano kita kamahal." Totoo naman eh kapag nawala na ang taong mahal mo doon mo lang makikita ang halaga niya.
Patuloy lang ang pagbuhos ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang sakit na idinulot saakin ni Tyron ay mas triple pa ang sakit na naidulot saakin ni Theron.
"Walang araw na hindi kita inisip Amirah, halos naging walang direksyon ang buhay ko noong iwan mo ako." Umiiyak siya? Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Hinanap kita" Nagulat ako, hinanap niya ako? Akala ko wala siyang pakialam saakin.
"Hinanap kita noon, nag-hire ako ng maraming private investigator pero kahit anino mo ay hindi nila mahanap. Halos mabaliw ako Amirah, hindi ko alam kung saan kita hahanapin."huh? Napatigil naman ako sa pag-iyak.
"Ano? Naguguluhan ako. Diba ilang months lang simula ng umalis ako ay nabalitaan Kong ikinasal kay ni Kara, tapos ngayon sasabihin mong hinanap mo ako. Akala ko naging masaya ka noon kaya agad mong pinakasalan si Kara." Naguguluhan na ako. Maraming tanong ang lumabas saaking isipan na siya lang ang makakasagot non.
"No mali ang inaakala mo. I broke up with her since the day you left me." Nagulat ako, totoo ba Ang sinasabi niya? "And napilit lang ang pakasalan siya dahil nabuntis ko siya per--"
"Nalaman mong hindi mo yun anak." Malumanay na sabi ko halata namang nagulat siya.
"You kn-ow" utal at gulat niyang tanong. Tumango na lamang ako.
"Kailan mo pa nalaman?"
"Ngayon lang" Bumuhos nanaman ang taksil kong mga luha.
"Aalis na ako." Kailangan ko ng makaalis baka gising na ang anak ko.
"Sandali, may isa pa akong tanong. May relasyon ba kayo ni K-uya." Alinlangan niyang tanong.
"O-o" nakita ko namang binalot ng lungkot ang kanyang mga mata. "pero hiwalay na kami ngayon." Dagdag ko. Napalitan naman ng pag-asa ang kanyang ekspresyon.
"Amirah mahal... Mahal na mahal kita. Bigyan mo pa ako ng is--" Naputol ang kanyang sinasabi ng may sumigaw at kumatok sa pintuan.
"Mommy! Are you there." Bigla namang nanlaki ang mga mata ko, NO! Hindi pa ako handang ipakilala siya sa kanyang ama. Bakit nalimutan ko na mangyayari ito masyado ba akong naapektuhan ng mga nangyari kanina? Anong gagawin ko.
"Who's that?" Tanong si Theron sabay lapit sa pintuan. Pigilan ko sana siya kaso huli na nabukasan na niya ang pintuan at tumambad sakanya si Walker.
BINABASA MO ANG
HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)
RomanceAmirah Louise Buenaventura, 24 years old. She is a loving and caring wife. Wala siyang pake kung hindi siya kayang mahalin nito pabalik basta ang alam lang niya ay mahal niya ito. She don't know how to fight for herself and fight for her rights. She...