Chapter 6

2.6K 68 0
                                    


AMRIRAH POV:

Maaga akong nagising dahil maaaga din akong natulog kagabi. Hindi umuwi si Theron kagabi, hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Sabagay ayaw niyang pinapakialaman ko siya. Bumuntong hininga nalang ako at bumaba.

Nagluto ako at almusal. Pakatapos ay naglinis ng aking mga gamit saaking kwarto. Habang naghahalungkat ako ay may nakita akong larawan ng Isang batang babae at isang batang lalaki. Bigla naman may pumasok sa aking isipan na isang senaryo. Dalawang batang masayang naglalaro at nagtatawanan. May Isa ding lalaki na tinatawag niyang kuya.

Kumirot naman ang aking ulo at napaupo ako sa sahig. ' Aray.." daing ko saaking isipain. Hindi ko kaya ang sakit parang binibiak ang aking ulo.

THIRD PERSON POV:

Namimilipit si Amirah sa sakit ng kanyang ulo dahil sa mga ibat-ibang pangyayari na lumalabas sa kanyang isipan.

Naghahalo-halo ang mga pangyayari na lalong nakakapagpasakit ng kanyang ulo.

FLASHBACK~
11 years ago naaksidente si Amirah sa isang car accident at halos 12 years old palang siya noon. Nacomatose siya ng dalawang taon at paggising niya ay wala siyang maalala.

Dinala siya sa ibang bansa upang doon ipagamot. Tumagal din siya doon ng halos 4 na taon dahil hindi pa tapos ang kanyang therapy. Sabi ng doctor maaaring habang buhay na ang pagkawala ng kanyang memorya, pero may maliit ang posibilidad na ito ay magbalik pa.

End of the flashback~

Marami siyang mga ala-alang nabura na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanyang buhay ngayon, kung sakaling babalik pa.

Back to story~

Unti-unting luminaw ang mga kaganapan sa kanyang isipan kasabay nun ay ang pagkawala ng sakit ng kanyang ulo.

Unti-unting bumalik ang kanyang ala-ala. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nalaman. Agad niyang kinuha ang cellphone at denial ang number ng kanyang mommy.

"Hello mommy." Seryoso niyang tanong.

"Oh Amirah iha, why did you call? May problema ba?" Sagot sa kabilang linya.

" Mommy where's kuya?" Nagtataka niyang tanong dahil simula ng mawalan siya ng ala-ala ay walang kapatid na ipinakilala sa kanya.

"Who's Kuya are y-ou ta-lking about?" Kinakabahang tanong ng kanyang ina.

"Mom, please stop lying, I already know the truth, bumalik na ang ala-ala ko." Na-iiyak niyang sabi.

Napahinto naman ang Ina niya sa kabilang linya.

"Mom, please tell me where is Kuya Felix, I want to see him, since pagkagising ko galing sa coma wala akong nakita ket anino niya." Nagsusumamong tanong niya sa ina.

"Sorry anak.." humahagulhol na iyak ng kanyang ina.

" Mom why are apologizing, I just only want to know where is Kuya." Naiiyak niyang sabi.

" Sorry anak hindi agad namin sinasabi sayo ng da-ddy mo, ma-tagal nang wala ang kuya Felix mo... magkasama kayo nung naaksidente ang sinasakyan niyo at ikaw lang ang nakaligtas." Humahagulhol na wika ng kanyang ina.

"Mom that's not true. Please I'm begging you, please sabihin mong mali ang narinig ko." Pagsusumamo niya.

"Amirah wala na an-"

"Bakit niyo ho hindi sinabi saakin? May karapatan din akong malaman ang katotohan."Galit at humahagulhol niyang sabi.

" Sorry ana-"
Agad niyang pinatay Ang tawag at napaupo sa sahig habang  patuloy na umiiyak.

Hindi ko matanggap na wala na si kuya, siya ang pinakaclose at tagapagtanggol ko. Mahal na mahal ko siya kaya ayokong tanggapin na wala na siya.

" All this time niloloko nila ako. Tingin ko panagkaisahan nila ako." Galit kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit.

Hindi ko kayang tanggapin, ayaw tanggapin ng aking isipan at puso na wala na siya.
_____________
Nang mahimasmasan ako ay nagtungo ako sa kusina para magluto alas dose na pala. Ngunit wala pa rin si Theron halos pangalawang araw niya nang hindi umuuwi simula kahapon.

"Haysstt." Napabuntong hininga na lamang ako. Medyo okay na ako simula kanina pero hindi ko parin matanggap.

Kumain na lamang ako at pagkatapos ay nanood ng tv at nagbabasakaling umuwi si Theron.

Lumipas ang mga oras at alas kuatro na pala ngunit pa rin siya.

Maya-maya ay may nagdoorbell. Baka si Theron na ito kaya dali-dali akong pumunta sa pintuan. Pagbukas ko laking gulat ko dahil taliwas ito saaking inaasahan.

"Tyron, anong ginawa mo dito?" Gulat kong tanong. Ngunit ngumiti lang siya.

" Ayaw mo ba akong makita?" Parang nagtatampo niyang sabi. Napatawa naman ako ng mahina.

" Hindi noh, nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahan na dadating ka. Bakit hindi ka tumawag para nakahanda sana ako ng pagkain." Nakangiti kong sagot.

"Hindi na kailangan may dala na ako." Sabay taas ng dala niyang supot.

"Hehe... Sige pasok ka muna." Nakangiting sabi ko. Kahit papano ay nabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. At hinid na ako nag-iisa.

Nanood lang kami movie at kumain ng dala niyang pagkain.
Marami kaming pinag-usapan hanggang sa napunta sa relasyon namin ni Theron. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo o hindi. Pero may tiwala ako kanya kaya nag-open ako sakanya ng mga sakit na nararamdaman ko na matagal ko nang kinikimkim.

Habang nagkwekwento ako hindi ko maiwasan na tumulo ang aking mga luha.

" Ang sakit-sakit Tyron, ako lang yung nagmamahal saamin. H-indi ko kayang isuko siya dahil mahal na mahal ko siya, pero parang wala lang ako sakanya." Humahagulhol na sabi ko.

"Please don't cry, there is someone much better than him and someone really deserving your love." Pagpapatahan niya saaking sabay haplos saaking mukha.

Kaya napatingin naman ako sa kanya, lumuluha pa rin ang aking mga mata. Napakalapit na nang mga mukha namin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Do I re-ally deserve this pain." Iyak kong sabi.

" No, no, you don't deserve that. He is a j*rk because he can't see your worth. Please don't cry. I am here, I wish I was him." Pahina niyang sabi.

Napatigil naman ako at nanatiling nakatingin sa kanya. Nakahawak ang dalawa niyang kamay saaking mukha at ilang dangkal lang ang layo ng pagitan namin. Ilang minuto pa kaming nagkatitigan ng mapansin ko ang sunod-sunod niyang pag lunok. Kinabahan naman ako ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Akmang hahalikan niya ako ng....

Boggshhh....

Malakas na tunog ng suntok at nakita ko nalang na nakahandusay na sa Tyron sa sahig habang hawak ang bibig niyang duguan. Nagulat naman ako dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Napatingin ako sa gumawa nito bakas ang galit sa kanyang mga mata na para bang gustong pumatay ng tao.

Theron....

Mahina at kinakabahan  kong sabi.


HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon