Chapter 13

2.9K 76 7
                                    


AMIRAH pov:

Halos dalawang buwan na din ang nakakalipas at halata na ang umbok ng aking tiyan. Palagi ding bumubisita dito si Tyron upang kamustahin ako, napakaswerte ko dahil may kaibigan akong gaya niya.

Nalaman ko ding buntis si Kara at malapit an silang ikasal. Masakit man saaking ngunit ngayon ay wala na akong karapatan at wala na akong magagawa, pero kahit pa man noong kasal pa kami ay wala na akong kaparatan lalo na ngayon na pinirmahan ko na ng annulment.

'Sana maging masaya ka Theron.' bulong ko sa hangin.

Ayoko na silang makita pa dahil naalala ko lang ang mga pasakit na ibinigay nila saakin, mas mabuti pang lumayo nalang ako kasama ang anak ko.

Wala na akong balak ipaalam sakanya na Ang tungkol sa dinadala ko dahil alam kong ayaw niyang magkaanak saakin. Napagpasyahan kong pumunta muna sa ibang bansa at doon na manganak. Mayroon naman kaming business doon kaya ako muna ang hahawak non. Simula pag-alis ko ay wala na akong nabalitaan tungkol kay Theron. Siguro mas mabuti na rin yon upang mas madali saaking kalimutan siya.

Hindi ko alam pero pag-alis ko ay namalayan ko nalang na sumunod pala si Tyron saakin. Nakakatawa nga dahil para siyang bubuyog na sunod ng sunod saakin. Pero kahit ganon ay naging magaan ang loob ko sakanya. Siya ang laging andiyan para saakin ng mga panahong lubog na lubog  ako at siya din ang nasa tabi ko hanggang sa ipanganak ko si  Walker. Madaling lumipas ang mga panahon.

"Baby" Masayang tawag ni tyron sa anak ko galing lang siyang trabaho.

6 na taon na siya ngayon.

"Daddy" masiglang bati ng anak  ko habang patakbong palapit kay Tyron.

"I have a gift for you." Nakangiti niyang sabi habang nilalabas ang isang paperbag.

"Really Daddy!" Bibo niyang tanong Kay Tyron. Daddy na ang tawag niya Kay tyron dahil siya na ang nagtayong ama nito sa simula palang.

4 years ago nagtapat saakin si Tyron na matagal na daw niya akong gusto kaso naunahan lang daw siya ni Theron. Simula noon ay niligawan niya ako, ipinaramdam niya saakin ang pagmamahal na hindi ko naranasan at naibigay  saakin ni Theron noon. Naging masaya ako sa piling niya at natutunan ko din siyang mahalin higit pa sa pagmamahal ko Kay Theron noon.

Masaya ko silang pinagmamasdan habang nagkukulitan. Ang cute talaga nila. Napatawa ako nabaling saakin ang tingin ni Tyron.

"Hi hon." Nakangiti niyang bati saakin sabay halik. Smacked lang yon.

"Hello how's work?" Nakangiti kong sabi.

"It was fine." Nakangiti niyang sabi. I am very blessed to have him.

Masasabi kong nakamove on na ako ngayon at wala na akong nararamdaman para Kay Theron, masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon at may bago na akong mahal.

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon