Chapter 17

2.8K 60 3
                                    

Amirah POV:

Andito ngayon ako sa kwarto, binabantayan ko si Walker. Pakatapos kanina ay naghiwalay-hiwalay na kami. Si Tyron hindi ko alam kung saan pumunta.

Ewan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Feeling ko pinagtaksilan ako kahit hindi naman. Malakas ang kutob ko ngunit dapat hindi ako magkaganito. 'Wag Kang paranoid Amirah' pagpapakalma ko saaking sarili. Alam kong may tinatago saakin si Tyron.

Napabuntong hininga na lamang ako. ' Hays...Tama na ang kakaisip ng kung ano-ano.' Na-upo ako sa kama kung saan nakahiga si Walker. Mukhang pagod na pagod ito.

Napatingin ako sa pintuan at tumambad saakin ang nakatulalang si Tyron. Mukhang malalim ang iniisip. Patuloy lang siyang umupo sa isang single sofa at parang wala sa sarili. Hindi din niya ako binati pagkapasok niya. Hindi ako sanay.

"Tyron..." Tawag ko sakanya. Hindi niya ako kinibo.

"May problema ba?" Hindi siya nakasagot at nanatiling nakatungo ang kanyang ulo.

"Hey! Kausapin mo ako. May problema ba? Dahil kung meron handa akong makinig, hindi yung ganito." Medyo inis kong sabi kanina pa ako nagsasalita kahit Isang sagot ay wala akong natanggap.
"Amirah... I'm sorry  hindi ko alam." Parang naiiyak niyang sabi.

"Ano? Anong sorry at anong hindi mo alam? Ipaliwanag mo nga saakin nagugulugan ako." Unti nalang tutulo na ang mga luha ko. Ayokong marinig mula sa kanya ang mga konklusyon na nabuo ko kanina. Wag namn sana..

"Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan, wala talaga akong alam, may a-nak kami ni Kara." Umiiyak niyang sabi.

"May a-nak kami ni Kara."

"May a-nak kami ni Kara."

"May a-nak kami ni Kara."

Mga salitang nagpapantig saaking tenga. Ano? Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon. Tingin ko parang piniga nanaman ang puso ko, katulad ng naramdaman ko noon.

"A-no? Pano nangyari at bakit hindi mo sinabi? Kung alam ko lang na may anak ka pala sana hindi ko na hinayaang mahulog ako sayo." Pilit kong hindi mabasag Ang boses ko pero huli na. Tuloy-tuloy ng bumuhos ang aking mga luha.

"Hindi, hindi please maniwala ka hindi ko talaga alam. Nakaone night stand ko lang siya noon, hindi ko naman akalaing magbubunga iyon."

"Kahit na Tyron, Wala na... wala na tayong magagawa. Nasakatan mo na ako at andiyan na yan. Kailangan mo na yang harapin at siguro... kailangan na nating ta-pusin ang kung namamagitan saatin." Umiiyak kong sabi ang sakit-sakit, akala ko Hindi na ako makakaramdam ng ganitong sakit...

"No! hindi ako papayag." Pag-apila niya.

"Tyron naman... Si Theron alam ba niya ang totoo?"

"I don't know."

"Ano? Alam mo bang masakit para sa isang magulang na ituring ang isang anak na bilang anak dahil lang sa pag-aaklang anak niya ito ha? Magulang din ako kaya alam ko ang pakiramdam... Pina-asa at niloko niyo lang siya."

"I know...I know, I'm sorry Hindi ko talaga alam, pero wag naman ganito... ayokong bitawan ka, mahal kita." Umiiyak niyang sabi.

"Tyron naman... mali to eh. Nanloloko na kayo ng tao."

"Aayusin ko promise pero wag mo kong iwan." Pagsusumamo niya.

"Aayusin? Sige nga sabihin mo saaking kung pano mo aayusin. Tyron masyado kasing komplikado... kasal siya sa KAPATID mo." Pag didiin ko.

"Alam ko. Pero Amirah hayaan mo muna ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako lulugar pag  nalaman ni Theron ang katotohan dahil simula't sapul ako ang mali."

"Hindi naman kita pinipigilan eh... pinaparaya kita dahil ito ang tama. Ito lang Yung paraan na nakikita ko upang maayos mo yang problema mo." Labag man saakin ngunit tingin ko ito ang mas tama. " Naintindihan ko ang sitwasyon mo, masyado ng magulo at malabo mo ng matakasan... kailangan at karapatan ng bata na makilala ang kanyang tunay na ama. Kaya siguro mas mabuti na din na maghiwalay tayo..."

Hindi siya nakasagot at biglang lumuhod sa paanan ko ngunit umiwas ako at tumalikod sa kanya. Bawat yabag ko ay parang isa-isang pinipiraso ang puso ko.

"Amirah please..." Narinig Kong sigaw niya.

Ayoko man siyang makitang nagkakaganito pero ito lang yung paraan, kahit kapalit man nito ang aking kaligayahan. Sadyang malupit talaga ang kapalaran...

Lumabas ako sa kwarto at tumungo kung saan may katahimikan kailangan ko ngayong mag-isip ng mabuti.
*
Hello Po hehe

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon