Theron POV:Andito ako ngayon sa living area. Hindi pa din ako makapaniwala na bumalik na siya. Ngunit hindi pa din maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Hindi naman ako t*anga upang hindi malaman na may relasyon sila ng pabida kong kapatid tsk. 'Psh kahit kailan mang-aagaw talaga.' Galit ako ngayon pero parang wala akong karapatan na magalit dahil ako naman ang may kagagawan kung bakit nangyari ito.
Ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan ko ngayong makausap si Amirah, wala akong pakialam kung may relasyon talaga sila. Kukunin ko lang ang akin. Nag-iisip ako ngayon kung pano ko siya mababawi dahil nakatali pa din ako(kasal).
Magagabi na din at pauwi na rin ang organizer at mangagawa na umayos para bukas sa gaganapin na party. Una tutol akong pumunta dito sa party ngunit ng malaman ko kay mommy na pupunta si Amirah ay hindi na ako nagdalawang isip na pumunta. Kahit bukas pa sana kami pupunta ay napaaga. Nakatitig ako ngayon sa hagdan kung saan umakyat kanina si Amirah nagbabasakaling baba siya.
Naagaw ang atensyon ko sa pagpasok ng dalawang tao. Nakita ko si Kara at Tyron ay magkasunod na pumasok sa bahay. 'Psh magkakilala ba sila, I don't care either tsk.' Inilihis ko sa kanila ang aking tingin.
"Theron" she called my name.
"What?" I coldly said.
"We need to talk."
"About what?" Kunot-noo kong tanong.
"About something, halika sundan mo ako. We need a privacy, it is very important." Aya niya saakin. Kahit nagugulugan ako ay sumunod ako sa kanya. Nakita ko naman si Tyron na nakatingin saamin ngunit ng ibaling ko ang tingin ko sakanya ay bigla siyang umakyat sa hagdan. 'Tsk. I smelled that something isn't right.'
Tumungo kami aming kwarto dito sa mansyon. Si Liam ay tulog napagod siguro sa kakalaro. Nang makapasok kami ay agad niyang inilock ang pinto. 'What's wrong with her?"
Nang makita niya ang ekspresyon ko ay bigla siyang nagsalita."Para sigurado na walang makakarinig." Mahina niyang sabi.
"So, what now?"
"I don't know if you can forgive me but..." She said and suddenly her tears falling to her cheeks.
"But?" I said irritatedly.
"I'm sorry, I'm really sorry. Akala ko tamang ilihim ko ang katotohan pero nagkamali ako. I'm sorry Theron... Liam is not your son." What? Wtf?
Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko sa saaking ulo.
"What did you say?" Pigil galit kong sabi.
"I'm sorry." Iyak niyang sabi. Hindi ko alam kung anong maggawa ko ngayon.
"Tang*na naman Kara! All this time niloko mo lang ako. Pinilit mo akong ipakasal sayo dahil buntis ka, tapos ano ngayon sasabihin mo na hindi ko yon anak?! Ginagago mo ba ako!" Nakita ko siyang umiiyak. Tsk... Wala akong pakialam sakanya.
"You're a big f*cking liar!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Pinaniwala mo akong may anak ako, ginawa mo lang akong tanga."
"Alam ko Theron, kala ko hindi hahantong sa ganito, akala ko hindi ko na makikita ang nakabuntis saakin." F*ck that explanation, wala akong pake sa rason mo. Hindi ko lang matanggap na nagpatali ako sakanya ng halos 6 na taon at pinaniwala niyang akong tunay ko na anak si Liam. Sana nabawi ko pa si Amirah noon.
"For f*cking six years huh? Ngayon mo lang binalak sasabihin? Hindi siya nakasagot.
Pumunta ako sa isang maliit na kabinet at kinuha ang papel na matagal ko na dapat binigay at ginawa.
"Sign this!" I coldly said. Matagal ko na itong tinatago. Hindi ko lang magawa(maibigay) dahil may responsibilidad ako sa anak niya.
"What? No, please forgive me. I love you at hindi ko yan pipirmahan." Parang inis niyang sabi. I knew it lumalabas naman ngayon ang totoo niyang kulay. Tsk.
"I don't love you and sign that f*cking paper!" Sigaw ko. Mukha naman siyang natakot pero hindi pa din gumagalaw.
"Don't make me angry Kara, hanggang nakapagpigil pa ako pirmahan mo na yan."
"But Ther-"
"Don't make me repeat what I said. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ko sa kanya. Lumingon naman ako sa natutulog na si Liam na nasa kama. Buti nalang hindi siya nagising.
Nataranta naman siya sa hindi malamang dahilan. Tsk! Agad niyang kinuha ang ballpen.
"O-o na pipirmahan ko na." Nanginginig niyang sabi. Pipirmahan naman pala dami pang arte.
Pakatapos niyang pirmahan ay agad kong kinuha ang papel at lumabas ng kwarto. Walang hiya tsk. Pakatapos akong lokohin ay siya pa magmamakaawa. Binabaybay ko ngayon ang ang daan patungong guest room. Doon muna ako magapapahinga.
Patuloy lang ako sa paglakad, medyo mahaba dito ang daan. Marami kasing guest rooms para sa mga relatives naming bumubisita dito. Nasa malayo pa ako at natanaw ko ang isang pamilyar na pigura ng babae na lumabas sa isang silid.
*
Good eve po!
BINABASA MO ANG
HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)
RomanceAmirah Louise Buenaventura, 24 years old. She is a loving and caring wife. Wala siyang pake kung hindi siya kayang mahalin nito pabalik basta ang alam lang niya ay mahal niya ito. She don't know how to fight for herself and fight for her rights. She...