Chapter 9

2.6K 73 2
                                    


'Akala ko pang habang buhay na ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon... ngunit iyon palang kasiyahan at pagmamahal na ipinakita, at ipinaramdam niya saakin ay panandalian lamang o di kaya naman ay..... pl-anado lamang. Ang sakit ngalang isipin ng  pagkatapos ng sandaling kasiyahan ay katumbas non ang habang buhay kong pagsisihan.'

AMIRAH POV:

Masaya ako ngayon dahil nagkaayos na kaming dalawa. Alam ko na rin na mahal niya ako. Ngayon ay aming wedding anniversary. Nagbake ako ng cake at nagluto ako ng carbonara. Alam ko namang magugustuhan niya ito. Excited na akong makauwi siya. Tiningnan ko naman ang orasan alas kuatro na pala ng hapon.

"Maya-maya ay dadating na yun." Excited kong sabi.

Habang abala ako sa pag-ayos ng lamesa ay may natanggap ako na text.

Message from Theron❤️~~~

    Go to my condo now. I have a surprise for you...

Agad naman umukit ang ngiti saaking mga labi at agad na pinasok ang cellphone saaking bulsa. Exited na ako sa surprise niya kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto at nagbihis. Dinala ko ang cake na binake ko dahil gusto kong tikman niya itong pinaghirapan ko.

Agad akong sumakay sa taxi. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa condo niya.

Agad akong pumasok at sumakay ng elevator. Habang palalapit ako sa floor ng condo niya ay agad akong nakaramdam ng kaba. Ang kaninang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng kakaibang kaba.

Biglang bumukas ang elevator at hinanap ko ang number ng condo niya. Ngayon Kasi ang una kong punta dito kaya hindi ko pa kabisado.

Nang makita ko ay nagtaka ako dahil nakaawang ang pintuan. Nadagdagan naman ang kabang nararamdaman ko. Habang papalapit ako ay lalong dumoble ang bigat na aking nararamdaman pati na rin ang mga hakbang ko.

Unti-unti Kong binukasan ang pintuan ngunit nakapatay ang ilaw nito. Agad ko itong binuksan at may nakita akong nakakalat na mga damit sa sala, sa sahig at pati narin sa sofa. Lalong tumindi ang nararamdaman ko. 'Sana ka nagkakamali lang ako' pagkukumbinsi ng aking isipan saaking sarili.

Nakarinig ako ng mga hal*nghing kaya sinundan ko ito kung saan nanggaling. Naramdaman kong unti-unti  nababasa ang gilid ng aking mga mata pero pinigilan ko parin ito dahil umaasa akong nagkakamali lang ako.

Hanggang sa nakarating ako kung saan nanggagaling ang mga ingay. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at halos pagsukluban ako ng langit at lupa dahil sa nasaksihan ko, doon na tuluyang bumuhos ang aking mga luha dahil tama pa

Kara and Theron having s*x.....

Hindi ko alam ang gagawin ko para akong napako saaking kinatatayuan. Ni hindi ko magalaw ang aking mga paa at maibukas ang aking bibig. Gusto ko silang saktan, suntukin... sabunutan ngunit ko magawa... wala na akong lakas. Tingin naubos bigla yon dahil sa nasaksihan ko. Kala ko nagbago na siya, nagkakamali lang pala ako.

"Theron... ano ang ibig sabihin nito." Mahina at lumuluha kong tanong. Sa wakas nakapagsalita din ako. Doon sila napahinto at walang ekspresyong bumaling saakin si Theron.

" Do you like my surprise? Happy anniversary Amirah." Nakangiti pero sarkastiko niyang sabi. Doon namn ako napahinto, so plinano niya lang l-ahat ng i-to. Lalo namang bumuhos ang aking luha.

"Pinapunta mo ba ako? Pa-ra dito." Malumanay at umiiyak kong sabi.

"Yes, do you like it? Yes, we planned everything, you are really such a fool Amirah." Nakangisi niyang sabi. Hindi ko alam Kong ano ba ang dapat kong sabihin. Sobra akong nasasaktan ngayon. Tingin ko pinipiga ang aking puso.

Tinitigan ko muna siya bago nakasagot.

"Sorry..." Tanging naiusal ko.

Napahinto naman siya dahil sa hindi inaasahang sagot ko.

"Sorry dahil nagpa-uto ako sayo, sorry din kasi sinira ko ang buhay mo." Tanging naksagot ko habang umiiyak.

"Mahal na mahal kita Theron kaya hindi kita kayang isuko noon, kala ko mamahalin mo din ako pero nagkamali ako... patawad..." Umiiyak kong sabi." Umiiyak na usal ko. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig saakin at habang si Kara naman ay nakangising nakatitig saakin,  inilihis ko sa kanya ang tingin at bumaling ulit kay Theron.

Tiningnan ko muna ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.

"Ti amo, ma ti lascio andare, arrivederci." Huling salita ko bago siya talikuran. Salitang italyano na alam kong maintindihan at maintindihan niya. Hindi ko alam Kong anong naging reaksiyon niya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad habang walang humpay na bumuhos ang aking mga luha. 'Sorry dahil hindi natin natupad ang mga pangako natin sa isat-isa noon.'

Translation: I love you, but I let you go, goodbye.

___________________

HIDING MY SON TO MY RUTHLESS HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon