"Ang init" pinaypay ko ang envelope na naglalaman ng mga resume kasalukuyan akong pauwi galing sa napakarami kong inaplyan na work pero kahit isa wala man lang tumanggap sakin o nag-abalang i-interview after masilip ang resume ko.
Hinubad ko rin ang suot kong mask, ang init. Ilang taon na rin nagkaroon ng covid ni hindi pa mawala-wala. Ang hirap na nga ng buhay mas lalo pang pinahirap dahil sa sakit na ito.
Hay buhay parang life!
"Hays! Ang taas naman na kasi ng standard kaya maski pagiging Sale assistant or cashering sa maliliit na mall ni hindi ko mapasa-pasa dagdag pa ang pagswab test kong negative ba ako o postive ng covid, kailangan pa ng medical records! Ang lala talaga ng buhay ko" bulong ko sa aking sarili.
Nandito na nga pala ako sa harap ng inuupahan kong bahay ang daming tao nakatingin sa labas ng aking pinto.
Tinakpan ko agad ang mukha ko ng envelope at tumalikod"Pagminamalas ka nga naman" Nandito lahat ng pinagkakautangan ko
"Ayon siya" Sigaw at turo sakin ng matandang babae na pinagkakautangan ko
WAAAAAAAAAAAAA
"AHHHHHHHHH! "Sigaw ko sabay takbo.
Alam niyo ba? Ako si Felicity Aguinaldo at nagiisa ako sa buhay, Ang boyfriend ko lang sana meron ako pero ayon iniwan ako tinangay pa lahat ng ipon ko at iniwan pa ako na may malaking utang.
Kaya siguro binigay ko sa lalaking 'yon lahat (pero maliban sa bulaklak ko sa baba) dahil siya lang ang meron ako.Bigla tumulo ang luha ko habang tumatakbo
Iniwan niya ako at nakabuntis ng iba! ginamit niya pa ang pera ko para makapambabae.
Lumingon ako sa likod habang hinahabol pa rin nila ako"Magbabayad ako, mag-aapply muna ako ng trabaho" sigaw ko sa kanila ngunit mas lalo silang agresibong mahabol ako
AKO ANG UNAHIN MONG BAYARAN! Sigaw nilang lahat kaya naman tumakbo pa ako ng mabilis, wala na yata akong kawala nito.
Nandto ako sa gilid ng tulay tumutungga ng 1 litrong beer, 200 pesos nalang pera meron ako, baka kapag nalasing ako malimutan ko na gutomin. At malimutan ko lahat.
Hindi ba pwedi I-restart ang buhay? Kung sa cellphone meron sana meron rin sa buhay!
"Hays! Wala na bang kasing malas ang buhay meron ko?" nakatingin ako sa dagat magpapakamatay kaya ako? Hindi! lahat ng problema lilipas din kaya lilipas rin to lahat. Laban lang!
"PERO KASI WWAAAAAAHHH . IBANG LEVEL 'TONG PROBLEMA KO" sigaw ko habang nakatingin sa beer na bitbit ko.
Nasa gitna ako ng kadramahan ng matanaw ng mata ko ang isang matanda nakatitig sakin. Isang titig na nakakatakot.
Kurap.
Kurap.
Kinuskos ko ang mata ko at permenteng nakatingin ang matanda sa deriksyon ko.
"Felicidad!" ako bakit? Tinatawag ako ng matandang 'to? Felicidad? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa " Baliw siya" Tugon ko sa aking sarili sabay lagok ng beer.
Kumurap ako at tumingin sa ibang deriksyon pero hihilahin talaga ang mata ko paupunta matandang baliw
Nakakatitig pa rin siya sakin at unti-unting nakukinod ang kanyang katawan sa tubig dagat
"Baliw talaga" tinuro ko siya sa aking kamay na may bitbit na beer "mabuti ka pa wala kang problema"
Ngumiti siya at hindi kumukurap na nakatingin sa akin. Bigla nanayo ang balahibo ko.
"FELICIDAD"
"Ano ba! Ako si Felicity! Hindi si Felicidad"
"FELICIDAD"
"FELICIDAD" Paulit-ulit niyang tawag tinuro ko ang aking sarili.Wait? Hindi nga pala ako ako si Felicidad ako nga pala si Felicity. Tiningnan ko siya "Bakit ba?" Kinumutan ko siya ng noo, bakit ba? Hindi naman ako si Felicidad ngunit bigla niyang nilunod ang buong katawan niya sa tubig dagat dahilan para mapabuga ang beer na nasa baba ko.
"Nagpapakamatay ba siya?" Tanong ko sa aking sarili. Aakma na sana ako tatalon sa gilid ng tulay. Umurong ako at isinuit ko ang sandal na hinubad ko.
" Tama! Choice niya yan, bahala siya sa buhay niya marami naman siguro ang nakakakita" Tiningnan ko ang paligid pero parang ako lang nakapansin sa kanya. Lahat ng tao dito ay nagkwe-kwentohan.
"BWESIT! BAKIT? AKO NALANG PALAGI?" Hinubad ko ulit ang sandalat nilapag ang bag ko, bago pa ako tuluyang tumakbo tumungga muna ako ng isang lagok ng beer."Jan ka muna, babalikan kita"Baliw na rin ata ako pati beer kinakausap ko na.
Nagdive na ako sa dagat para sagipin ang matanda superhero yarn?
Sa 'twing may mapapahamak bakit ako lagi ang sumasagip? Pano naman ako? Ni sarili ko hindi ko matulungan e.
Sana all may sumasagip sakin kasi waley!
Nahawakan ko na ang matanda at marami na ang nakakita samin, marami ang tumulong para maahon kami ngunit ng hawakan na ng mga rescuers ang kamay ko ay biglang may humila sakin papunta sa kailaliman ng tubig
Ang huling nakita ko ay isang bilog, napakalaking bilog ang ganda ng kulay
The round looks like a colorful spiral pinwheel ah basta parang color wheel .Wait? Nasa galaxy na ba ako? Ito ba ang portal papunta sa new world? O sa ibang planeta? O sa langit?
Bago pa man ako tumama sa malaking bilog ay biglang nagbump ang katawan ko at unti-unting nanghina pero sinusubukan kong hindi ipikit ang mata ko.
Hindi ito maaari, hindi muna ako pweding matigibells!
Wait? If matigibells ako today! It means mapupunta ako sa heaven? Diva! Hindi ako nagpakamatay kusa akong namatay!
Ayaw ko pang sumalangit!!!
Pero pwedi na, baka pagnamatay ako wala ng problema!
Teka!
Hindi maaaring mamatay ako na walang nagawa sa buhay.
Sinubukan ko makibaka sa life pero tuluyan ng nawalan ako ng malay.
Everything went black....
----
Ang nilalaman ng storyang ito ay kapwa kathang isip laman, ang lugar taon at pangalan ay gawa-gawa ko lamang. Pero may mga totoo palang mga pangyayari na masasaad ko rito gaya ng mga mahahalagang bayani pero nirevise ko dito sa story ko. Wala akong intensyon na makakasama sa mga mahal na mga bayani natin.
Ang nais ko lang ay gumawa ng kwento.
---------
Ongoing Revision
I'll edit every chapter again once I'm done, so please bear with my flaws in writing especially typos and misspelled words, grammatical errors, punctuation, and misused words.
And also, I'm going to warn you about the mature content and the words that I may use.
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasyFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...