"Araay!" Ang bigat ng ulo ko.Minulat ko ang aking mata"Teka! Hindi pa ako patay? ang hirap ko 'ata patayin!" natatawa kong sambit sa aking sarili.
Nilibot ko ang aking mata sa paligid pumikit ako ng paulit-ulit. Teka! Parang bago ang nakikita sa mata ko.
Makaluma ang desinyo na nakikita ng mata ko. Nilibot ko ang tingin sa malaking kwarto.
Napaupo ako habang napayakap sa sarili. Lasing pa ba ako?
Napangiti ako at bumalik sa pagkahiga! Baliw! Lasing lang pala ako.
Teka!
Tiningnan ko ang suot ko, puti ang suot kong duster ba 'to? Basta mahaba at yari sa manipis na tela para akong nasa langit sa sobrang liwanag ng pagiging puti.
Kung wala ako sa langit! Hinawakan ko ang unan na hawak ko. Puti rin pati ang kumot na nakataklob sa katawan ko puti rin
Nasa mental hospital akoo!
Waaaaahhhh!!
Nilibot ko ulit ang tingin ko sa mga nakasabit sa mga dingding. May malaking guhit ng larawan ng isang pamilya ang nakasabit sa wall kinuskos ko ang aking mata. Teka! teka! teka !"Ba't parang mukha ko yan? Pero nakabaro't saya?"gulat kong tanong sa aking sarili " ni minsan hindi ako nagpicture ng nakaganyan" turo sa larawan sa dingding.
Panaginip yata 'to? Sinampal ko ang aking mukha"aray! ang sakit!" Saad ko habang hinihinas ang aking mukha.
Napatayo ako sa kama at tiningnan ang ang mesa'ng naka-agaw ng atensyon ko. Aba! Ang daming ginto"anong uring lugar 'to? Nasa encantadia ba ako?!" Maraming mga mamahaling bagay ang nandito, pati ang mga ginto nakahilira lang kahit 'san. "Mayaman na ako! Makakabayad na ako ng utang!"napatigil ako sa paglundag" pano ko ba to dadalhin sa earth?"
Kinapa ko ang aking ilong wala na akong mask, covid free na ba?
Bakit may nakapatong na baro't saya sa upo'an? " Hindi naman ako sumali ng mga cosplay-cosplay na 'yan.
Biglang bumukas ang pinto at may umiyak na babae, maganda siya mas matanda lang ata siya ng ilang taon sakin
"Binibini?, Salamat panginoon at dininig mo ang aking panalangin" niyakap niya ako kaya't yumakap din ako pabalaik sa kanya
"Sino ka?" Hindi mali
"Bakit wala kang mask? Wala na 'bang covid?" Taka kong tanong at napakamot sa ulo.
"Sino ako?" Nilibot ko ang tingin sa paligid"Nasan ako?"pabulong kong tanong sa kanya
"Binibini, kukuha muna ako ng makakain tiyak akong nagugutom po ikaw, kaya ka siguro nagdedeliryo" napanganga ako sa sinabi niya.
Binibini? Ano?!!!! Waaaaa!
Ayaw magsink in sa utak ko ang mga nangyayari. Napahawak ang dalawa kong kamay sa aking Mukha napataaras ako at napa-upo sa kama.
Sinundan ako ng babae kaya nilibot ko ang timgin sa paligid
"Sandaliiii" sigaw ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya "anong nangyari sa akin?"
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasyFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...