KABANATA 17

91 6 0
                                    

"Feli, kong tutungo rito si Gregorio wag magsara ng pinto" pangaral ni ina  "Aba't naligo ka pa talagang bata ka" kasalukuyan kasi ako narito sa kwarto nagbihis ng pasimpleng binuksan ni ina ang pinto.

Actually nararamdaman ko naman sina ina na unti-unti nilang nahahalata ang pagkawala ng pagkadagang pilipina ko.

Naghasik ata ako ng kalandian sa panahong 'to. Choes!

"Opo, inay" pagsagot ko sakanya pinandilatan pa ako ng mata bago umalis.

"Pst"  napatalon naman ako sa kaba paglingon ko aba! Automatic pagka-alis ni ina ay dumating si Gregorio

"Aba't di nga sila nagkakamali matanglawin ka nga" ngisi ko naman habang tinitingnan siya

Busy muna ako rito, simula kasi ng umalis si Nenita hindi na ako nagpakuha pa ng ibang kasambahay sana'y naman din ako sa trabaho.

Si Greogrio naman ay busy sa paglibot-libot sa aking silid..

"Mahal? Bakit ang dami kong liham na hindi mo pa binabasa rito?" Tanong niya habang isa-isa pa tiningnan yung mga sulat na nakaimbak sa gilid ng aking cabinet.

Pano ko naman kasi babasahin 'yan e sulat baybayin ang kaniyang ginamit.

Alam mo na? Sa panahon ko nakakalungkot man pero unti unti ng nagface out yun diba? Kukunti nalang sa tin ang may alam kong meron man.

"Kasi, hindi ako marunong magbaybayin, kong binuksan ko man hindi ko rin mababasa"bigla siyang natigilan at tumingin sakin.

"Ganon ba? Ang alam ko mas magaling ka pa sakin" oh noes! So it means? Pano na to? Baka mahilig talaga si Felicidad 'non.

Tiningnan ko nalang siya ng mabilis di na ako sumagot. Sabi nga nila diba less talk less mistake

"Para sakin 'to?" Nakita niya yung mga sulat na sinulat ni Felicidad bago siya nagpakamatay. Yung sulat na nakita ko nong unang makarating ako rito

"Oo galing kay Felicidad" napangiti naman siya ng tiningnan ako

"Galing sayo?"

"Hindi kay Felicidad nga"

Binuksan niya yung nasa kamay niya kaya dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya para agawin 'yon.

"Akin na"tinalon ko ngunit hindi ko maabot ang kamay niya sa sobrang taas.

October 1899

Mahal kong goyo, Kung mabasa mo man ang  liham na ito ay marahil wala na ako sa Mundo.

Hindi man ako ang naging huli mong pag-ibig ngunit masaya ako dahil kahit sandali ay naramdaman ko ang iyong pag-iibig.

Labis akong nasaktan sa aking natanggap na balita na ikaw nga'y ikakasal na kay Remedios.

Pinapalaya kita goyo, sanay makamit mo ang iyong tunay na kaligayahan.

Nagmamahal,
Felicidad

Tiningnan niya ako ng pagtataka ngunit hindi ko rin naiitindan ang pangyayari kaya pano ko maipapaliwanag sakanya.

"Pano mo nasabing ikakasal ako kay Remedios? Ang sulat na 'yon ay hindi ko binigay sa kanya"humakbang siya ng palapit ng palapit sakin kaya nakayuko lang ako

1898: As time goes back (UNTOLD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon