KABANATA 34

105 4 0
                                    

ILANG BUWAN  MATAPOS ANG GYERA

"Goyo? Ano ang iyong ginagawa  sa silid ni felicidad?" Nakita ni Doña Trininad na nakaupo ito sa sahig sa gilid ng kama habang yakap ang unan ni Felicidad.

"Maaari po bang dumito muna ako donya Trinidad?" Goyo.

"Ngunit" nabantong hininga ito "kung yan ang iyong nais at magpapagaan a iyong kalooban" bumuntong hininga ito bago umalis

Humiga si Goyo sa kama ni Felicidad at niyakap ang naiwang kumot at mga unan nito may nahulog na isang sobre mula sa kama.

Pinulot niya ito at binuksan nakapaloob rito ay isang liham. Liham na sulat ni Felicidad.

Mahal kong goyo,

Tiyak kong kapag nabasa mo ang liham kong ito ay wala na ako sa mundo mo.

Patawad kong hindi na tayo magkikita pa ngunit iyong tatandaan na sa panahong lungkot at takot ang bumabalot sa akin ay ikaw ang aking pahinga.

Pinaglayo man tayo ng tadhana ngunit sa aking ala-ala mananatili ka. Huwag kang malungkot sa pagkawala ko dahil isa lang ang pangarap ko ang masaksihan kong nabuhay ka ng matagal na panahon.

Ikaw ay regalo sa akin na habangbuhay kong ipapasalamat.

Nagmamahal,
Felicity

Napatulala lamang si Goyo sa nabasa niya at isa-isang nagbagsakan ang kanyang luha.

"Nais kong magpatiwakal at sumonod na lamang sayo, ngunit wala akong karapatan dahil ang buhay kong ito ang dahilan ng kamatayan mo" humagolgol ng iyak si Goyo habang niyayakap ang sulat ni Felicidad.

Tok tok tok

"Panumanhin po heneral ngunit oras na  sa pagligpit ng mga gamit na naiwan ni binibining Felicidad"nakayukong sabi ni Nenita.

"Pupunta na po kasi ako ng Europa, doon ko po naisipang mag-aral. Nangako po ako kay binibining Felicidad na pangangalagaan ko ang kanyang pangalan" nabasag ang boses ni Nenita at nagpatuloy na umiyak.

"Maaari kang magligpit riyan hayaan mo na lang ako. Gusto ko manatili muna rito."

"Opo heneral"

"At huwag mo pakialaman o galawin ang kahit anong gamit ni Felicidad"

"Masusunod po heneral"

Habang nagliligpit si Nenita ay nakita niya ang dalawang pares na sundalo na uniporme. Napangiti  siya habang tinutope niya ito.

Tinaas ninenita ang pares ng uniporme "Heneral? Alam niyo po ba ang kwento ng uniporming ito?" Nilingon siya ni Goyo  "ito yong araw na binisita ka namin sa iyong kampo, marami siyang liham na natatanggap galing sayo ngunit mas nais niya raw magkausap kayo sa personal upang mapuntahan ka ay tinakot niya ang isang bantay  sa bahay at  kapag hindi kami pinahira ng uniporme ay sasabihin niya kay ka-miyong na ipapadestino sa Nueva Ecija at isasabak sa gyera ang saya niya  papunta pa lamang ngunit pag-uwi ay iyak siya ng iyak dahil nga raw ay nagkita kayo ni Remedios "

1898: As time goes back (UNTOLD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon