Kabanata 10

136 7 0
                                    

Umalis agad ako sa kwarto matapos ko mabasa ang nakasulat na liham. Baka may nakakita sakin lagot ako.

"Magandang Umaga binibini" napalundag ako sa kaba dahil may bimati sakin baro ko pa man isara ang pinto ng kwarto

"Uy Vicente ikaw pala?" Sagot ko sa kanya habang binabalik ang sumbrero niya sa kanyang ulo.

"Anong sadya mo rito?" Nagtataka niyang tanong habang nakatitig sa pinto na kakalabas ko lang.

"Ha?.... Ah... Eh!..... Naligaw kasi ako Akala ko kwarto ko ang napasukan ko hindi pala"

" Ganoon ba? Masama ba ang iyong pakiramdam? Hayaan mo akong alalayan ka"

"ayos lang ako, sigi mauna na ako Vicente "paalam ko sa kanya at dalidaling naglakad papasok sa kwarto ko.

3rd person pov

Maagang nagising si Gregorio upang maghanda sapagkat nais niyang bisitahin ang kanyang kampo upang personal na masasaksihan niya ang pagsasanay ng mga sundalo. Pinatawag niya si Vicente at Holian upang mauna sa kanilang Kampo dahil hihintayin niya si Felicidad kumatok sa kanyang pinto gaya ng sinabi niya kagabi.

Matagal bago nagising si Felicidad kaya naman ay napagdesisyonan niya na mamaya na lang pagbalik niya ito ibibigay. Inilapag niya sa maliit na lamesa ang abaniko katabi ng mga liham na sinulat niya na hindi naiparating.

Paalis na si Gregorio sa kampo habang nagmamadali ng tinawag siya ni Remedios

"Ginoo" bati nito sabay yuko bilang tanda ng paggalang

"Binibini magandang umaga" sagot naman ni Greogrio habang ang sumbrero ay ipinatong sa kanyang dibdib

"Binisita kita sa iyong silid kagabi may nais sana akong sabihin sayo ngunit wala ka"

"Paumanhin ngunit may importante kasi akong lakad kagabi"

"Akoy napapanglaw dahil hindi na gaya ng dati, hindi mo na ako madalas binibisita"

"Paumanhin binibini, nais ko pa sanang makipagusap sa iyo ngunit kinakapos na ang aking oras"

"Nakita ko kayo ni Felicidad! Kagabi! Magkasama kayo"

Magkasama nga sila ni Remedios at Gregorio nag-uusap sa puno sa likod ng bakuran ng palasyo

"Batid ko ang pagkagiliw mo sa kanya"

"Paumanhin ngunit hindi ko ninais ang masaktan ang iyong damdamin"

"Goyo? Akala mo ba dahil sa pagpapanggap mo ng pagkagiliw sa akin ay sasaya ako? Hindi! Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa maniwala sa matamis na kasinungalingan"

"Kailan pa goyo? Ni minsan ba nagawa mo akong mahalin?"

"Alam mo naman na isang kasundoan lamang ang namamagitan sa atin binibini"

" Ngunit nararamdaman ko ang pag-ibig mo"

Napahinga ng malalim si Gregorio habang umiiyak si Remedios sa harap nito.

1898: As time goes back (UNTOLD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon