Kabanata 6

160 9 0
                                    

Third person Pov

Nagtaka si Gregorio bakit ba tumakbo ang binibini at napakamot ito sa ulo.

"Hindi man lang ako nakapagpasalamat ni binibining Felicidad"

Matapos mahimasmasan ni Gregorio ay pumunta ito sa kusina upang uminom ng tunig at kinatok ang kwarto Nina Holian at Vicente.

"Samahan niyo muna ako"  wika ni Gregorio at lumakad na palabas kaya ang dalawa ay mabilis na kinuha ang baril at humabol kay Gregorio.

"Saan ba kasi tayo pupunta" humihikab"inaantok pa ako"

"Samahan niyo nalang kasi ako. Nais ko magpalamig ng aking ulo"

"Binabangungot ka na naman ba goyo?" Tanong ni Holian habang kumakamot sa ulo.

"Maligo tayo"

Pumunta sila sa ilog ni Gregorio nakasanayan na nila na  kapag binabangongot ito'yy yayain niya ang dalawa maligo sa ilog man o dagat yan.

"Ang lamig ng hangin Goyo, bukas na lamang tayo maligo't malalim na Ang gabi" sabi ni Holian na halatang inaayok pa.

"Huwag kayo maingay" Bulong ni Goyo "Bilis  tago may paparating!" Sambit ni goyo habang hinila ang dalawang kaibigan sa talahiban.

Nakita nila na may dalawang taong paparating may dalang armas marahil isa itong sudnalo na nagbabantay sa palasyo.

"Muntik na tayo " natatawang sagot ni gregorio

Matapos makalayo ng dalawang sundalo ay agad silang lumusong sa ilog.

"Ngayon mo pa talagang naisipang maligo" Vicente

"Talon" bago pa man nakaangal si vicente ay nahulog na ito sa tubig dahil naitulak na ito ni Gregorio.




"Vicente? may pagtingin ka ba kay Felicidad" Gregorio

"Goyo" angal ni Holian" hindi nga niya nakikita si Felicidad magkakagusto pa kaya"

Ngumiti si Vicente sa kawalan" Kuya Holian? Ang dami mo palang hindi alam"wika nito.

" Teka may nakakigtaan ba ako rito? "Patakang tanong ni Holian.

" Marami? " Sabay na sagot ni Holian at Gregorio.

"Ngunit alam naman ni Vicente na may nakaraan kay, Malabo ang iyong tinuran Goyo. Hindi na Vicente?" sabi ni Holian hindi naman sumagot si Vicente sa tanong nito.

"May bago naman ng iniibig si Goyo" sagot ni Vicente. " Kaya wala namang masama roon"

"Kung gayon meron nga?" tanong ni Holian na may pagtatakang hinarap si Vicente . "Sabagay? diba goyo?"

"Ang totoo niyan, hindi ko na rin kabisado ang aking nararamdaman." Sagot naman ni goyo na pabulong at tumingin sa nakaraan.

"Delikado pala kayong dalawa" tinapik ni Holian ang magkabila nilang mga balikat.

"Nagsimula akong naguluhan ng magkita ulit kami ni Felicadad,  hindi ko alam kong ano ang pinagbago niya, ngunit 'yon ata ang dahilan kaya nagustuhan ko siya o hindi nawala ang pagtingin ko sa kanya mula noon. Marahil pati ako ay hindi ko rin alam" napailing si Holian at Vicente habang nagkatinginan.


1898: As time goes back (UNTOLD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon