Nagising ako sa tilaok ng manok, wala na rin si Gregorio sa tabi ko pero kinomutan niya naman ako at binalik din niya ang soot ko, dahil sa pagod ko kagabi hindi ko namalayan na nakatulog pala ako na nakasleeveless lang.Napangiti ako ng maalala ko kagabi malandi ka girl!
Masaya ako, kong gigirahin man kami atleast nakatikim ako ng langit.
Ewww! Umagang-umaga ang bastos ng iniisip ko.
Napatingin ako sa malayo inaalala ko bago ako nakaalis sa kampo ng mga Amerikano.
Flashback:
Nagkita kami ng matanda at confirm siya nga ang nagdala sakin dito.
Dapat daw ako magtagumpay palayain ang pilipinas. At gumawa daw ako ng sariling version ng kwento.
Akala ko wala ng pag-asa ang buhay ko kaya naisipan kong nalang doon na magpakatigibells binasag ko ang maliit na salamin na sa kwarto at itinipat sa aking pulso na siyang ikinasugat nito ng maliit.
Tiningnan ko ang pulso ko nakamarka pa rin ang sugat.
Dumating bigla ang matanda ang taong may alam na hindi ako tagadito .
"Ganyan ba kahina ang kalooban mo't dalawang beses ka nagpakamatay?"
"Hindi ko na kaya! Ayoko na! " Sigaw ko na kanina isang galit na mata ang nakikita ko sa matanda ngunit ngayon nakikita ko sa mata niya ang awa.
"Magpapakatatag ka Felicidad hindi mo lang ito laban laban ito ng ating bayan"
"Pagkagising ko nandito na ako sa panahon na ito, ni hindi ko nga alam bakit ako nandito ano ang ginagawa ko rito! At isa pa nagising ako sa isang katawan na hindi ko naman dapat katawan talaga" pumukit ako t pinadyak padyak ang aking paa na parang bata "ngayon sabihin mo? Pano ako magpakatatag at komalma sa sitwasyon 'to?"
"Tinupad ko lang ang kahilingan mo"
"Ano? Wala akong hiniling na ganito" bulong kong sagot sa kanya.
Nagugulohan ako sa lahat lalo na kong nasan ang may-ari ng katawan na ito.
Bakit? Di siya bumalik? Pareho naman kamimg may problema e!
Biglang hinawakan ng matanda ang aking ulo at may mga flashbacks akong nakikita.
Isang masamang panahon ang araw na iyon makulimlim ang kalangitan kasabay sa pagbuhos ng ulan ay ang pagdadalamhati ni Felicidad hindi niya matanggap ang sinapit niya na nabigo siya sa pag-ibig ni Gregorio. Nabalitaan niya na ikakasal na ito kaya't pinagtatapon niya ang mga sulat na dapat ay ipapadala niya kay Gregorio.
"Kaya pala noong dumating ako sa kwarto ni Felicidad ay nakakalat ang mga sulat"
"Mas mabuti pang mamatay kaysa mabuhay ng walang saysay" wika nito. Tumakbo ito sa gitna ng ulan at pumunta sa simbahan habang natatanaw niya ang malaking pinto ng simabahan ay dahan dahan itong humakbang papalapit.
"Panginoon patawarin niyo po sana ako ngunit hindi ko kayang mabuhay na wala si Gregorio sana hindi kalabisan ang aking hihilingin ngunit nais kong mabuhay muli upang gampanan ang maiiwan kong kapalaran"
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasíaFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...