Nagising ako nakahiga ulit putik! Ito ba role sa panahong ito ang mahimatay ng paulit-ulit. Nasa kwarto naman na ako sa bahay sa Cavite. Napansin ko na nakapatong ang ulo ni Gregorio sa kama nakatulog ata siya.
Nandito na siya, mag,-iisang buwan na rin di ko siya nakita puro sulat lang natatanggap ko sa kanya. Baybayin pa ang pagkasulat.
"Felicidad, gising ka na pala?" Aba't mukha ba akong natutulog sa lagay na to?
"Hindi, tulog pa"
"Gising ka na nga ngunit sigi lang nais ko rin marinig ang kapilyahan mo"
Hinawakan niya ang mukha ko, hindi ko alam pero bigla tumulo amg luha niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Halos mabaliw ako, kakaiisip kong ano na ang iyong kalagayan"
"Nasan si kuya?"bigla kong naalala na ibubuwis niya pala ang buhay niya para sa bayan pero hindi ito ang nakatadhana.
Alam kong pinapatay niya ang 2 bayani pero kasi hindi ibig sabihin non wala na siyang ambag sa pagpapalaya sa bayan.
"Idiniklara niya ang pagbuwis ng buhay para sa kalayaan"
"Hindi! Hindi! Narinig ko sila, nag-uusap mga Amerikano, sasakopin nila tayo" tumayo ako dapat makausap ko si kuya hindi maari
"Ngunit huli na, malamang ngayon naroon na rin siya sa bagumbayan" bagumbayan? Sounds familiar? Ah tama! Doon pala si rizal pinatay. Sa luneta park
Nandito na kami sa bagumbayan, maraming mga sundalo natatanaw ko ang kuya ko. Niyayakap na niya ang kanyang kamatayan.
Hindi ito maari
Pumunta ako sa gawi niya, sinabi ko sa kanya ang lahat ng plano ng mga Amerikano. Lahat ng mga nalaman ko noong nasa qouta nila ako.
Buti nalang at naniniwala siya sinasabi ko. Kaya
"Ako si Emilio Aguinaldo, binabawi ko na ang aking kasunduan. Ang takda kong kamatayan sa araw na ito ang kasunduag ito ay pinapawaoang bisa ko bilang presidente ng pilipinas"
Napahinga ako na malalim, isang salita lang ni kuya wala na lahat, walang natuloy na patayan. Alam kong hindi siya magaling sa starategy pero matalino siya.
At habang nakakasama ko siya dito sa panahong ito unti-unti kong napatunayan na may mali sa nakasulat sa history. Maari? Dahil sino nga ba naman ang hindi maniniwalang hindi siya masama? Akalain mo pinapatay niya ang pinakadabest na heroes. Pero sa bawat araw na nakasama ko siya, hindi ako naniniwalang pinapatay niya ang dalawa dahil sa wala siyang sapat na dahilan.
Sa bahay
"Kuya bakit po, bakit niyo po nagawang ipapatay ang dalawang tao na alam nating ipinaglalaban ang ating bayan?"
"Maaring hindi ko man ninais ang pangayari sa mga bagay na hindi natin inaasahan ngunit ito ay kasama sa aking tungkulin."pinat niya ang ulo ko "Bilang ama mg ating bayan, kung ano ang tama maaring magiging mali kung ano man ang mali maaari itong nagiging tama. Walang puwang sa tungkuling ito ang malambot ang puso"
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasiFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...