Nandito ako sa kalsada ngayon naglalakad sa kawalan. Wala ako sa tamang isip pero di pa ako baliw ah!
"Binibini kanina pa kita hinahanap kailangan na nating magmadali sapagkat ang pangulo ay nakabalik
na" napalingon ako sa babaeng nagsasalita sa gilid at hinahawakan ang kaliwa kong kamay."Ang bilis naman niya"pabulong ko sambit
"Bakit po basa kayo? Huwag mo sabihing tumalon ka ulit sa lawa binibini?
"Kasi...ah! Kasi gusto ko lang maligo"
Flashback.
Matapos namin magmeet ni Goyo, yung pahawak hawak ko ng heart emi! Pumunta ako sa lawa
I want to go back were I used to live!
Nakapagtataka lang sa lawang 'yon ako tumalon I mean si Felicidad. Muntik na ako malunod kanina pero hindi parin ako makabalik sa mundo ko.
Ano ba ang daan pabalik sa mundo ko?"
Ako si Felicidad Aguinaldo sa panahong 'to!
Ako pa talaga ang naging kapatid ng walang puso at gahaman na pangulong 'yon.
Dahil sa kanya namatay ang dalawang may malaking ambag sa bansa natin.
Pinapatay niya si Andres Bonifacio at si Heneral Luna.
At isa pa ex ako ni Greogrio ang pinakababaero sa panahong ito.
Hindi lang ako karaniwang ex kundi ex na obsessed kay Gregorio at nagpakalunod matapos mamatay ni Gregorio sa Tirad pass.
Akalain mo yon?
Nasan na ba kasi ang matandang tawag ng tawag sakin ng Felicidad bago ako mahulog sa tubig mapunta dito.
Haaayss kainis!
Kanina lang na-comfirm ko kung 'gano siya ka walang kwenta.
Akalain mo? Nakipagmeet lang naman siya sakin para ipamukha niyang hindi niya daw ako Mahal? Bakit? Mahal ko ba siya? Never!
Never ulit ako mahuhulog sa mga lalaking tarantado!
"Binibin? Bilisan na natin! Bago pa kayo hanapin sa mansyon" nabalik ako sa uliran ng hilahin ni nenita ang aking kamay.
Nakarating rin kami sa mansyon ng mga Aguinaldo .Nandidto na ako sa kwarto at nakahiga sa kama bago pa man ako mabuking ng pangulo.
Binalot ko ang aking buhok ng tela na makapal diba? Basa ang buhok ko. Nagswimming ako sa lawa kanina.
Sinabi ko rin kay Nenita na sabihin kay Emilio esti kuya na hindi pa ako nagising.
Pano ba naman? What if marami siyang tanong na hindi ko masagot? what if maghinala siya na hindi ako si Felicidad? What if ipapabitay niya ako? Napakastrikto daw kasi ng pangulo base sa nakasulat sa book.
What if ipapabitay ako? Waaaaaa! No way! Ayaw ko mamatay dito!
Narinig kong may paparating, ramdam ko ang ingay bawat yabag ng sapatos sa sahig na yari sa tabla.
Pinapawisan ako ng to the highest level. Ayan na, nakabukas na ang pinto at kunti nalang papalapit na siya sakin. Naririnig ko ang bawat pag-ingay ng kama dahil sa pag-upo niya. Pawis na pawis na ako di ko alam ano ng gagawin ko
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasyFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...