"Nenita, bakit mo iniimpake ang mga gamit ko? ""Hindi ba't nagayong araw ang paguwi natin sa Kawit? Sa tahanan niyo po"
"Ah oo nga pala, sigi tutulungan na kita"
Pumunta ako sa gawi niya upang tulungan siyang iimpaki ang mga gamit ko. Painuwi ko siya para magpakuha ng mga gamit pero di ko naman enixpect tong mga dala niya pangisang taon sa sobrang dami..
Ganito ba ako kaarte sa paningin niya?
Abala ako sa pagiimpaki ng mahulog ang mga sinulid mga gamit pangborda isa isa ko naman iyong pinulot.
"Nenita? Bakit mo naman dinala ito?. Alam mo namang hindi ko ito magagamit" Tanong ko habang itinaas ang sinulid.
"Baka po kasi bumalik ang iyong hilig mainip kayo at maisipang magborda. Iyan po kasi ang pampalipas oras ninyo"
BORDA? Ni hindi ko nga alm ang basic na pananahi.Natapos ko na ang pagiimpake at namaalam na kami para umalis, nandito na ako sa labas nag-aabang ng kalesa.
Nakasakay na kami sa kabayo ni Nenita ngunit may nagsisigaw sa likod.
"Teka po? May nais yata sabihin sa akin ang ginoo sa likod" agad naman pinahinto ang kabayo.
"Binibini, may nais iparating na liham sayo si heneral del pilar" liham? E kanina lang magkasama kami. Kinuha ko na yoon at pinalagay sa aking bulsa.
Sa aming paglalakbay ay namamangha ako sa aking paligid. Napakapresko pa ng manila sa panahong ito ni wala mang alikabok sa hangin. Puro matataas na mga Puno, Mga talahiban mga ibon, mga ligaw na mga hayop pero sa panahon ko, puro na lang ito gusali nagliliparang eroplano at puro na sasakyan. Kong titingnan mo wala ng bahid kahit kunti sa panahong ito ang manila sa kasalukuyan. Nakakalungkot lang.
Dumating na kami sa bahay agad akong nagmano sa aking hipag at kay ina, nagmano naman sa akin ang pamangkin ko.
"Uy ang tambok na ata ng pisngi ng pamangkin ko"kinurot ko ang magkabilang pisngi niya at niyakap ko siya.
Natawa naman sina ate Helaria at inay dahil nagwawala siya sa aking pagkakayakap.
"Ang arte arte naman nito" nakasimangot pa siya nakatingin sa akin
"Nagtatampo kasi iyan dahil hindi mo isinama"
"Sa susunod isasama na kita, huwag ka na magtampo malulungkot ang ate" nagkunwari naman akong umiiyak.
"Basta sa susunod isama mo na ako ate ha?" Ngumiti naman ako at niyakap ko siya ulit yumakap naman siya pabalik
"Alam mo inay masaya ako kay Felicidad sapagkat hindi na siya tulad ng dati na nasa silid lamang"
"Nasiyahan nga rin ako sa mga kinikilos niya nitong nakaraan."
Aba't kong magchi-chissmiss rin lang naman sa harapan ko pa.
"Felicidad, halika't maghaponan ka muna"
"Inay, susunod na lamang ako, aayosin ko mona itong mga gamit ko sa aking silid"
BINABASA MO ANG
1898: As time goes back (UNTOLD STORY)
FantasyFelicity Aguinaldo ang babae sa 2022 na pinasan na yata ang lahat ng kamalasan sa mundo at nagmamay-ari na sa kasabihang "ISANG KAHIG ISANG TUKA" ngunit sa kabila ng tinamong hamon sa buhay ay nais niya maging successful na humahantong sa kanya upan...