Ch. 10 : Bati na tayo? [GabOli side]

11.3K 186 4
                                    

Gab's P.O.V.




KAINIS!






"Naman bonie eh! sabi ko sayo ako ang mag-uulam ng hotdog eh! Sayo yung tocino! Asar naman eh!" naiiyak kong reklamo kay bonie na kasalukuyang ninanamnam yung fried hotdog nya. Sumalampak nalang ako sa upuan kaharap nya habang naka-cross arms






"Wenshdey ngayon diba, kaya ako ang naka-ishkedyul na mag-uulam ng hotdog!" ngumunguya nyang sabi. Napatingin tuloy ako sa calendar na nakasabit sa pader. Oo nga, ano?





"Eesh! Kahit na! 'di nga ako kumain ng hapunan kagabi eh, kaya hindi counted yun! Dapat ako pa rin mag-uulam ng hotdog ngayong almusal! Hmp!" proud kong sabi. WOW! Ang talino ko pala? Hihihi!





Napa-iling naman si bonie sabay inom ng kape nya.





"Ang dami mo kasing arte kagabi eh, may patampo-tampo effect ka pang nalalaman eh nagso-sorry na nga si Oli sayo! Buti nalang talaga at nauhaw ako kagabi kaya nagpalibre ako ng zagu sa kanya kaya nakita ka naming naka-upo sa gilid ng SM, para kang timang mag-isa kagabi dun alam mo yun?" natatawa nyang sabi saka nya binalatan yung saging at kumagat dun.






*Gulp!*





Nagugutom na rin ako kaso ayoko ng tocino eh, gusto ko hotdog!





"Ayheytchu! Wag mo nga masabi-sabi 'yung pangalan ng baklitang yun! Naiinis pa rin ako sa kanya noh!" reklamo ko sabay kuha ng saging at padabog na kumain.





Natawa lang si bonie habang umiiling. Nakakainis sya! kampi na ba sya dun sa baklang yun dahil nilibre sya ng zagu kagabi?! 'di ata makatarungan yun! Sana nandito din si brey para magpalibre din ako ng zagu .. naiinggit ako kay bonie! 





*knock knock*






Napatigil ako sa pagkagat ng saging nang biglang may kumatok, sabay kaming napalingon sa may pintuan.







"WAAAAAAAAH! ANONG GINAGAWA MO DITONG BAKLUSH KA?! HAHAWAKAN MO NANAMAN BA SI BOO—shfsdf" Eek! Biglang sinubo sakin ni bonie yung saging na kinakain nya!







"Oy Oli! Ba't ka napunta dito sa apartment? Aga pa ah, Libre mo ba kami?" biglang sabi ni bonie habang nakatingin kay baklita pangit!






"Nope, I'm here to give you this.." sabay pasok nya sa loob saka sya lumapit kay bonie "..Naiwan mo 'to sa kotse kahapon nung pumunta tayo ng Mall."






"Ay, sa kotse mo pala naiwan 'to, kagabi ko pa 'to hinahanap eh, thank you." Naka-smile na sabi ni bonie habang nakatingin dun sa yellow na bonnet. Yun yung gift sa kanya nung crush nya nung elementary, ang cute kaya nung crush nyang yun!





"Welcome. By the way.. sorry pala ulit Gab.. bati na tayo ha?" Nahihiya nyang sabi sakin habang naka-smile. PSH!






"CHE! BATI YORPEYS! WAG KA NGANG FC!"






"Sorry, di ko talaga sinasadya yun.. di ko naman napansin na you were on top of me that time and you're—"






"WHATEVER! Wala pang nakakagawa nun sa ano.. sa anoo.. dun sa ano ko! kaya naiinis pa rin ako sayo noh!" mataray kong sabi saka ako padabog na pumasok sa kwarto ko. HMP! Matawagan nga si brey!

Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon