Ch.47: Retrograde Amnesia

6.1K 109 1
                                        


Nagising ako nang makaramdam ng pagsakit ng ulo. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Nilingon ko ang paligid at nakita kong nakahiga sa isang sofa si Gab at Bonie, natutulog. Tumingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita kong nakahiga si Santi sa isang monoblock habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay. Ganun pa rin ang suot nyang damit. Ilang oras kaya akong nakatulog? Napapikit ako at napadaing nang sumakit ulit ang ulo ko. Naramdaman ko ang biglang paggalaw ni Santi sa tabi ko. Napatingin sya sa akin.





"Y-You're awake, how are you feeling? I'll just call the doctor." Agad syang tumayo saka tumakbo palabas ng kwarto. Malakas ang pagkakasara nya ng pintuan kaya biglang nagising ang magkapatid. Sabay pa silang napa-gulong sa sahig. Dali-dali silang tumayo saka lumapit sa akin.






"Brey! Gising ka na! Ano? Okay ka lang ba? Kamusta na si baby? Grabe naman, Brey! Sobrang nag-alala kami sayo! Ang tagal mong nakatulog!" Namamaos na bungad ni Gab. Napapikit ulit ako, ang sakit sa tenga ng sigaw nya!






"Ang ingay mo, Gab! Kelangan talagang sumigaw?" Naiirita kong sabi. Napakamot lang sya ng ulo. Lumapit naman si Bonie sa akin






"Brey, halos dalawang oras ka ng tulog. Okay ka na ba?" Pag-aalala nya. Tumango lang ako. Hindi pa ako masyadong okay, sumasakit pa rin ang ulo ko. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Nagmamadaling pumasok si Santi kasama ang isang doktor. Agad nya akong nilapitan at hinawakan ang isa kong kamay. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ginhawa nang makita syang nandito pagkagising ko kanina.






"The doctor's here, how are you feeling? Are you okay?" Nag-aalala nyang sabi. Tumango ako. Nakita ko naman syang napahinga ng maluwag saka tipid na ngumiti. Napatingin ako sa doktor nang tumikhim sya. Tumingin sya sa hawak nyang mga papel bago tumingin sa akin.






"I want you to be honest, Miss Andrada. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Panimula nya. Umayos naman ako sa pagkakahiga ko.







"Medyo sumasakit pa rin ang ulo ko, doc. At.. may mga imahe na bumabalik sa ala-ala ko." Sagot ko. Tumango-tango naman sya.







"I see, wag kang mag-alala dahil normal lamang ang nararamdaman mong pagsakit ng ulo." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya. Lahat kami ay napatingin sa kanya.






"What do you mean, doc?" Tanong ko sa kanya






"I have here your medical records, i learned that you have an amnesia, retrograde amnesia. A patient usually get retrograde amnesia from brain injuries, surgeries, traumatic events, nutrition issues, infections, or electroconvulsive therapy, commonly known as shock therapy." Nakatingin lang kaming lahat sa kanya at hinihintay ang susunod nyang sasabihin.









"Retrograde amnesia is memory loss of events that occurred in the recent past before the onset of amnesia. Napaka-specific ng mga tao, bagay o pangyayaring pwedeng nabura o nawala panandalian sa ala-ala mo. It says here in your record that you were diagnosed with retrograde amnesia two years ago. In that case, you are more likely to lose memories from the years before the accident than your memories many years ago. But there are some aspects essential to you that remain unaffected by this type of amnesia. This include your personality, it still remains the same. And also, semantic memory, that is general knowledge about the world." Pagkasabi nya nun ay napatingin agad ako kay Santi, at nakita ko syang nakatingin rin sa akin. It's true, nagkaroon nga akong amnesia pero unti-unti ko nang naaalala ngayon ang lahat.







"You have to undergo some tests later para malaman natin kung talagang nakakaalala ka na. You are lucky if you are, because it usually take two to three years, or fifteen to twenty-five years bago gumaling sa ganyang klase ng amnesia, worst ay umaabot pa ng forty to fifty years bago maka-recover. Iyan ang nakikita kong dahilan kung bakit pasumpong-sumpong ang pagsakit ng iyong ulo. I'll ask you questions about your family history, drug use, including prescription and non-prescription, alcohol use, recent head injuries or surgeries, what you can remember or not remember, and any other symptoms. We'll give you medication, but remember that it may not return you back to exactly what you were like before the onset of the amnesia. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang magpahinga, lalo pa at nagdadalang tao ka pala. I'll be back after an hour or two for your reflex tests and simple questions. For now, take a rest." Pagkalabas ng doktor ay wala ni isa sa amin ang agad na naka-react. Alam kong nagulantang si Gab at Bonie sa lahat ng narinig nila. Inaasahan ko na ang lahat ng sinabi ng doktor. Napatingin ako kay Santi at nahuli ko syang nakatingin rin sa akin. Di ko mapigilang malungkot.




I can't believe na nakalimutan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Santi.. I can't believe that i forget about you, and my feelings for you. Ngayon, alam ko na kung bakit familiar sya sa akin noong una ko syang makita sa labas ng bahay. Kaya s'ya familiar sa akin ay dahil parte pala talaga s'ya ng buhay ko.

Slut's Instant BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon